EsP Club - Sanihigh 307701

EsP Club -  Sanihigh 307701

Share

Sa EsP Club, we ValYOUs! DepEd Tayo - Youth Formation ESP CLUB of San Isidro National High School

25/06/2026

Ka-ValYOUS, Kilala mo na ba ang iyong sarili?

Panoorin sa ibaba ang 5 tips mula sa EsP Club kung paano natin mas lalong makikilala ang ating sarili.

Ang pagkilala sa sarili ay hindi lamang pag-alam sa ating pangalan, edad, o mga paboritong bagay. Ito ay proseso ng pag-unawa sa ating mga kakayahan, kahinaan, talento, hilig, at mga pagpapahalagang gumagabay sa ating mga desisyon. Sa pamamagitan ng pagmumuni-muni at pagtanggap sa ating tunay na pagkatao, mas nagiging malinaw ang landas na nais nating tahakin at ang taong nais nating maging.

Tandaan: Ang pagkilala sa sarili ang unang hakbang tungo sa pagiging responsable, may tiwala sa sarili, at makataong indibidwal.

Sa EsP Club, we value YOU!

23/06/2026

🌱 “Madaling maging tao, ngunit mahirap magpakatao.”

Lahat tayo ay isinilang na tao, ngunit hindi awtomatikong nangangahulugan na natutuhan na natin kung paano magpakatao. Ang pagpapakatao ay makikita sa paraan ng ating paggalang sa iba, pagiging tapat sa ating mga salita, at pagpili ng tama kahit walang nakakakita.

Ayon kay Socrates, “The unexamined life is not worth living.” Ang tunay na paglago bilang tao ay nagsisimula sa pagsusuri sa ating sarili—sa ating mga desisyon, pagpapahalaga, at pagkilos araw-araw.

Sa panahon ngayon na maraming impluwensiya mula sa social media, kaibigan, at kapaligiran, mahalagang tanungin natin ang ating sarili: Ano ang mga pagpapahalagang gumagabay sa akin? Ang ating mga values ang nagsisilbing kompas upang manatili sa tamang landas at maging mabuting tao para sa ating sarili, pamilya, at komunidad.

💭 Pag-isipan:
Ano ang isang pagpapahalagang nais mong higit pang maisabuhay sa iyong pang-araw-araw na buhay?

✨ Ang pagiging tao ay biyaya ng kapanganakan; ang pagpapakatao ay bunga ng ating mga pagpili at pagkilos.

Did you Value today?



21/06/2026

Happy Father’s Day! ❤️

Saludo sa lahat ng ama at sa mga taong nagsisilbing haligi at gabay ng tahanan.

Maraming salamat sa inyong pagmamahal, sakripisyo, at walang sawang pagsisikap para mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang inyong pamilya.

16/06/2026

Ang bawat isa ay may kanya-kanyang lakas at kahinaan. Ang pagkilala sa sarili ay pagtanggap na hindi ka perpekto, pero may kakayahan kang magbago at umunlad. Sa simpleng pagninilay, natututo tayong mahalin kung sino tayo at kung sino pa tayo maaaring maging.

16/06/2026

Ka-ValYOUs, Did you Value?

🌱 Minsan ang pagiging Makakalikasan at responsable ay nagsisimula sa maliliit na bagay.

13/06/2026

Mapait ang ugat ng edukasyon, ngunit matamis ang bunga nito.

Maaaring mahirap ang pag-aaral ngayon, ngunit magdudulot ito ng magandang kinabukasan.

.

11/06/2026

🇵🇭✨Maligayang Araw ng Kalayaan!✨🇵🇭

Ngayong ika-12 ng Hunyo, ating ginugunita ang katapangan at sakripisyo ng mga bayaning nagbigay daan sa kalayaang ating tinatamasa ngayon. Ang Araw ng Kalayaan ay hindi lamang pag-alala sa ating kasaysayan, kundi pagpapaalala rin ng ating tungkulin na pahalagahan at pangalagaan ang kalayaang ipinaglaban para sa atin.

Nawa’y maging inspirasyon sa atin ang kanilang pagmamahal sa bayan upang isabuhay ang respeto, pagkakaisa, pananagutan, at malasakit sa kapwa. Sa maliliit man o malalaking paraan, maipapakita natin ang tunay na diwa ng pagiging makabayan sa pamamagitan ng mabubuting pagpapahalaga at tamang pagkilos.

Sa ating sama-samang pagkilos, patuloy nating ipagdiwang at bigyang-halaga ang kalayaang nagbubuklod sa ating lahat bilang mga Pilipino.

💙❤️💛 Mabuhay ang Pilipinas! Maligayang Araw ng Kalayaan! 🇵🇭

.

📝 Lyka Denise M.

Photos from EsP Club -  Sanihigh 307701's post 09/06/2026

Ikaw na ba ang susunod na Ka-ValYOUs Officer ng EsP Club?✨

🧑‍⚖️ Handa ka bang mamuno?
🎤Handa ka bang kumilos?
🧐Handa ka bang maging inspirasyon?

Maging bahagi ng ESP Club Officers at sama-sama nating itaguyod ang mabubuting pagpapahalaga at makabuluhang pagbabago.

📌 Step up. Lead with values. Serve with purpose.

Kung sa iba hindi ka masyadong “NAPAPAHALAGAHAN”… aba, dito iba ang usapan 👀🤍

Sa ESP CLUB, We value YOU.

*Mangyaring hintayin ang opisyal na anunsyo mula sa ESP Club Coordinator para sa mga karagdagang detalye at impormasyon.

.

07/06/2026

✨ Ka-ValYOUS, Worried ka ba sa pasukan?!

Naalala mo ba ang tanong ni Socrates — “Know thyself” (Kilalanin ang sarili)?
📖 St. Thomas Aquinas: “May layunin ang bawat ginagawa natin.”
🌱 Aristotle: “Nabubuo ang pagkatao sa mabubuting gawain.”

Kaya naman, ihanda natin ang ating sarili para sa panibagong simula. 🤍

🤍 ESP CLUB Reminder: Okay lamang kabahan, hindi mo kailangang maging perpekto sa unang araw , ang mahalaga ay handang matuto at magsimula muli.

Ka-ValYOUS, kapag may mga katanungan, alalahanin, o nais kayong ibahagi, narito ang ESP Club para sa inyo. Huwag mag-atubiling mag-message anumang oras. Handa kaming makinig at tumulong sa abot ng aming makakaya.

Sa ESP Club, we valYOUs!

06/10/2025

Ipinagmamalaki ng ESP Club na suportahan ang mga mahuhusay nating mag-aaral na kumakatawan sa DepEd Tayo - San Isidro National High School 307701 - Batangas Province sa District Meet! 💪✨

Want your school to be the top-listed School/college in Malvar?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Address


24QF+M5H Malvar, Batangas
Malvar
4233