10/05/2024
๐๐ฉ'๐จ ๐๐๐ฃ๐๐ก๐ก๐ฎ ๐๐๐ฅ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐ค๐ข๐ค๐ง๐ง๐ค๐ฌ! ๐๐ฅฐ
Our much-anticipated alumni homecoming is here. ๐ฅณ๐
As we get ready for a day filled with nostalgia and fun, please be guided by the following reminders:
I. MOTORCADE
Ang assembly po ay magsisimula sa may harap ng Metro Turf sa San Pioquinto, Malvar, 06:30 am. 07:00 am po ang simula ng motorcade patungong Santiago, sa may tapat po ng Santiago National High School, at babalik po patungong Malvar School of Arts and Trade. Ang kanya-kanyang batch po ay maaring maglagay ng kani-kanilang tarpaulin at balloons sa mga sasakyan. Tayo po ay may koordinasyon sa pamunuan ng Barangay ng San Pioquinto at Santiago hinggil sa usaping ito.
II. PARKING AREA/TRAFFIC MANAGEMENT
Hinihingi po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa ukol sa limitadong parking area. Mahigpit pong ipinapaalala ang mga sumusunod:
1. Ang parking area po sa loob ng MSAT, partikular sa gilid ng new bldg. at tapat ng BSU ay ipinakikiusap na maireserve sa guest teachers, visitors, at speakers . Maaari po tayong magpark sa may harap ng VSR subalit mahigpit na pinakikiusap na one way lang po at wag po magdouble parking para po madaanan pa rin.
2. Ang mga batch po na magpapa-cater at mag-aayos ng classroom, magkakabit ng dekorasyon, at kailangan magdala ng mga gamit ay hinihikayat na dalhin sa Biyernes, araw bago ang event, mula 3:00 PM. Ang pagdadala ng pagkain ay gagawin sa pamamagitan ng koordinasyon ng batch. Hindi po papayagang makapasok sa loob ng campus ang mga sasakyan. Maaari po tayong magtalaga ng magdadala ng mga pagkain sa ating mga room.
3. Hinihikayat po ang car pooling o magsama-sama na ang maaring magkakasabay sa mga batch sa sasakyan upang mabawasan ang volume at maibsan ang kakulangan sa parking area.
4. Maaari rin pong magpahatid at magpasundo na lamang upang maiwasan ang pagdagsa ng maraming sasakyan.
III. Registration (8:00 AM)
1. Lahat po ng mga papasok na naka-official color coded shirt ay kailangan parin pong mag-register sa assigned area sa may tapat ng school canteen.
2. Magkakaroon din po ng registration sheet para sa mga alumni na hindi kasama sa initial list na ipinasa ng mga batch coordinator at sa mga panauhing inimbitahan.
IV. HOLY MASS (09:00AM)
1. Ang misa po ay magsisimula ng 9:00 AM. Mangyari po lamang na tayo ay nasa gym na bago magsimula ang misa.
2. Maari po tayong mag-offer ng in-kind donations tulad ng prutas, groceries, at iba pa.
V. LUNCH/BONDING TIME (10:00 AM)
Pagkatapos po ng misa ay pupunta na po tayo sa mga classroom para sa lunch time. Inaasahan din po na bago mag 1:00 pm ay nkabalik na po ang mga alumni sa gym para po sa pagsisimula ng program.
VI. PROGRAM (01:00PM)
Ang lahat po ay inaanyayahan na manood at makibahagi sa ating programa. Samantalahin rin po natin ang pagkakataon na makasama ang ating mga bisita, mga g**o sa paaralan, at ang buong pamunuan ng paaralan.
VII. PARTY TIME with alumni performers and games
Panatilihin po nating maging maayos at makiisa sa daloy ng ating mga inihandang programa. Manatili rin po tayo sa nakatalagang area. Sulitin po natin ang pagkakataon na makapagsama-sama at makapag-relax kasama ang ating batchmates.
Iba pang paalala:
1. Magdala na rin po ng trashbag/ sako para sa ating mga basura at pakibaba po sa designated area bago umuwi.
2. Panatilihin po nating maayos ang ginamit na silid-aralan. Inaasahan po ang inyong lubos na pakikiisa at pang-unawa upang maging matagumpay ang okasyon na ito.
Maraming salamat po.
See you there! ๐ฅณโจ