BULSU CON Local Student Council

BULSU CON Local Student Council The official page of BulSU College of Nursing - Local Student Council 2026 - 2027.

College of Nursing Local Student CouncilLegislative Body Memorandum No. 008 Series of 2026Vice Governor Jilliane Salanda...
26/09/2026

College of Nursing Local Student Council
Legislative Body Memorandum No. 008 Series of 2026

Vice Governor Jilliane Salandanan, Head of the Local Legislative Body of the College of Nursing, hereby issues Legislative Body Memorandum No. 008, Series of 2026. This memorandum formally convenes the 5th Legislative Body Session of the College of Nursing Legislative Body for Academic Year 2026–2027.

The issuance of this memorandum is in line of the mandate of the Vice Governor to ensure effective delivery of legislative functions and services.

The agenda of this body session is focused on the discussion of Financial Resolutions only.

For any inquiries or concerns, please contact the Vice Governor through [email protected].

You may access the full Legislative Body Memorandum No. 008, s. 2026 here:
https://tinyurl.com/CON-LB-MEMO-008-s2026
https://tinyurl.com/CON-LB-MEMO-008-s2026
https://tinyurl.com/CON-LB-MEMO-008-s2026



Barya Mo, Print Ko!Nakalimutan i-print ang checklists? Halika na! May biglaang kailangang ipasa? Dito na! Narito na ang ...
26/09/2026

Barya Mo, Print Ko!

Nakalimutan i-print ang checklists? Halika na! May biglaang kailangang ipasa? Dito na! Narito na ang pinakahihintay nating mga IskoNars!

Magbubukas na ang ating printing services upang matugunan ang printing needs ng bawat isa.

Layunin ng programang “Barya Mo, Print Ko!” na ilapit sa mga IskoNars ng Bayan ang printing services sapagkat ang ilan sa atin ay kinakailangan pang lumayo upang magpaprint lamang.

📍2nd Floor, Wellness Room, Pimentel Hall

Ang opisyal na pagbubukas ay ibabahagi sa batch group chats. Ang price list naman ay ipapaskil sa Local Student Council table na matatagpuan sa nasabing silid sa itaas.


KILALANIN ANG INAMPALAN NG BALIKWAS 2026!Narito na ang hanay ng mga huradong minsan nang bumalikwas at patuloy na bumaba...
25/09/2026

KILALANIN ANG INAMPALAN NG BALIKWAS 2026!

Narito na ang hanay ng mga huradong minsan nang bumalikwas at patuloy na bumabalikwas laban sa mga sistemang matagal nang nananahimik sa harap ng pang-aapi.

Bitbit ang kani-kanilang adbokasiya, sila ang magsisilbing mga matang kikilatis sa bawat kandidato na haharap sa hamon ng pagpili para sa susunod na Lakan at Lakambini ng Karapatan ng Kolehiyo ng Narsing.
Mula sa mga isyung panlipunang gumigipit sa mamamayan, sa mga sugat ng sistemang pangkalusugan, hanggang sa mga tinig na pilit pinatatahimik, sino kaya ang kanilang kikilalaning handang tumindig, manindigan, at higit sa lahat, ay buong tapang na babalikwas?





IskoNars, kumusta ka?Hindi “okay lang,” ha. Kumusta ka talaga?Kumusta ang mga araw na parang ang daming kailangang kayan...
23/09/2026

IskoNars, kumusta ka?

Hindi “okay lang,” ha. Kumusta ka talaga?

Kumusta ang mga araw na parang ang daming kailangang kayanin? Kumusta ang mga bagay na hindi mo masabi kahit kanino? Kumusta ang sarili mo sa gitna ng pagod, pressure, at lahat ng kailangang harapin?

Kung kailangan mo ng sandaling pahinga, may lugar para sa’yo. Ngayong Su***de Prevention Month, inilulunsad namin ang SUHAY: Sa Hirap, May Kaagapay. Isang espasyo para sa kwentuhan, pahinga, pagkalinga, at pakikipagkapwa. Kasama ang BulSU Association of Peer Facilitators and Advocates of Mental Health (BulSU A-PFAM), halika at huminga kahit saglit.

📅 September 24, 2026 | 2:00 PM - 5:00 PM
📍 Pimentel Hall near CON Canteen

At ano ang makikita sa booth?

- Pantry
- Message/letter activity
- Other booth activities

May mga araw na mabigat. May mga panahong hindi madaling sabihin kung ano ang nararamdaman. At may mga pagkakataong ang kailangan lang natin ay isang taong makikinig at mananatili.

Dito, may lugar para sa pahinga. May puwang para sa kwento. May kapwang handang makinig. At higit sa lahat, may kaagapay.

Mskisalo, makipagkwentuhan, at makiisa sa isang komunidad na naniniwalang ang pagkalinga ay hindi lamang salita, ito ay isang pagkilos.

Tayo ang maging suhay ng isa’t isa.
Kitakits sa booth, IskoNars!



***dePreventionMonth2026

MALIGAYANG KAARAWAN, DEAN MAGDALENA SOYOSA!Higit pa sa pamumuno, ang inyong paggabay, dedikasyon, at patuloy na pagseser...
21/09/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, DEAN MAGDALENA SOYOSA!

Higit pa sa pamumuno, ang inyong paggabay, dedikasyon, at patuloy na pagseserbisyo ay bahagi ng paghubog sa mga IskoNars na hindi lamang nakatuon sa kahusayan sa akademya, kundi sa malasakit, pananagutan, at paglilingkod sa kapwa.

Nawa’y ang panibagong taon na ito ay maging panibagong yugto ng makabuluhang paglilingkod, sama-samang pag-unlad, at mga adhikaing patuloy na magbibigay ng halaga sa bawat IskoNars.

Maligayang kaarawan po, Dean! Mula sa Lokal na Konseho ng mga Mag-aaral ng Kolehiyo ng Narsing, salamat po sa patuloy na paggabay at pakikiisa sa pagbuo ng isang kolehiyong tunay na para sa estudyante at komunidad.


BALIKWAS 2026: SCREENING GUIDELINESNgayong papalapit na ang pagsiklab ng entablado ng adbokasiya ng Kolehiyo ng Narsing,...
20/09/2026

BALIKWAS 2026: SCREENING GUIDELINES

Ngayong papalapit na ang pagsiklab ng entablado ng adbokasiya ng Kolehiyo ng Narsing, narito na ang mga pamantayan at criteria na magsisilbing gabay sa mga kandidato ng Lakan at Lakambini ng Kolehiyo ng Narsing.

Higit sa tindig, tinig, at pananagutan, susubukin sa bawat yugto ng programa kung sino ang may tapang na magsalita at may lalim na umunawa ng mga isyung panlipunan na patuloy na gumigipit sa taumbayan, partikular na sa sektor ng kalusugan.

Abangan ang BALIKWAS.

Mamulat. Manindigan. Magpalaya.




SINO ANG HANDANG BUMALIKWAS?Hindi lahat ng pag-akyat sa entablado ay para sa palakpakan. Dahil may mga tinig na umaakyat...
20/09/2026

SINO ANG HANDANG BUMALIKWAS?

Hindi lahat ng pag-akyat sa entablado ay para sa palakpakan. Dahil may mga tinig na umaakyat para sa isang adbokasiya—upang manindigan at sumalungat.

At may mga IskoNars na handang bumalikwas sa mga sistemang matagal nang nananahimik sa harap ng pang-aapi. Ngunit higit sa talas ng salita, tikas ng tindig at husay sa entablado, hahanapin natin ang paninindigang hindi natitinag kapag ang isyu ay hindi na lamang tanong sa entablado, kundi reyalidad na kinakaharap ng taumbayan. Sapagkat ang adbokasiya ay hindi isang sagot na inaaral para sa isang tanong. At lalong hindi ito titulo na isinasabit matapos ang palakpakan.

Sa bawat isyung panlipunang gumigipit sa mamamayan, sa bawat sugat ng sistemang pangkalusugan, at sa bawat tinig na pilit pinatatahimik, sino ang handang bumalikwas?

Mamulat. Manindigan. Magpalaya.





Bago naging rehistradong Nars ng Bayan, naging boses muna sila ng mga Iskolar ng Bayan.Kaya naman, buong pusong ipinagma...
19/09/2026

Bago naging rehistradong Nars ng Bayan, naging boses muna sila ng mga Iskolar ng Bayan.

Kaya naman, buong pusong ipinagmamalaki ng Lokal na Konseho ng Kolehiyo ng Narsing ang mga bagong RN ng bayan na minsan nang nagsilbing tinig, sandigan, at katuwang ng ating mga IskoNars.

Sa kanilang mga nagdaang termino, pinatunayan nila na ang tunay na pamumuno ay hindi nasusukat sa posisyon o maging sa pangalan na nakalagay sa isang dokumento. Sapagkat nasusukat ito sa kakayahang makinig, magmalasakit, at makiagapay, lalo na sa mga panahong mas madaling manahimik kaysa magsalita.

Dahil sa likod ng bawat serbisyong nakita natin ay may mga sakripisyong maaaring hindi natin kailanman napansin. May mga personal na laban silang isinantabi, oras na isinakripisyo, at mga may mha pagkakataong pinili nilang unahin ang kapakanan ng nakararami. Sa kabila nito, pinili nilang magpatuloy. Pinili nilang maglingkod. At higit sa lahat, pinili nilang maging boses ng mga nangangailangan.

Ngayong haharapin niyo na ang tunay na laban, dala ang titulong RN sa dulo ng inyong mga pangalan, nawa’y dalhin ninyo ang dangal ng pagiging lider estudyante at IskoNars ng Bayan.

Maraming salamat sa inyong panahon, serbisyo, at sakripisyo sa masang estudyante!

Governor John Paul C. Rabe
Vice Governor Randydao S. Mallari Jr.
Board Member Rovy Myka Angela L. Zafra
Governor Uno Robert Anton Perez
OIC Board Member Rian Kyla Alejandro
Board Member Alliana Karyl Ocampo

Ipinagmamalaki kayo ng buong kolehiyo!




ISANG MAINIT NA PAGBATI PARA SA MGA BAGONG NARS NG BAYAN! BATCH CONSOLIDATE 2026Ang buong Kolehiyo ng Narsing ay lubos k...
18/09/2026

ISANG MAINIT NA PAGBATI PARA SA MGA BAGONG NARS NG BAYAN! BATCH CONSOLIDATE 2026

Ang buong Kolehiyo ng Narsing ay lubos kayong ipinagmamalaki sa kahusayan at dedikasyon na inyong ipinamalas upang maabot ang pagkakataong ito.

Sa bawat araw na inyong iginugol sa pag-aaral, gabing puno ng pagod, pagdududa, at pangamba, ngayon, tangan ninyo na ang tagumpay na makamit ang inyong mga pangarap.

First-Time Takers Passing Rate: 92.83%
BulSU Passing Rate: 91.28%
National Passing Rate: 76.69%

Mula sa pagiging IskoNars tungo sa pagiging mga Nars ng Bayan, nawa’y patuloy ninyong dalhin ang malasakit, karunungan, at pagkalinga na mayroon kayo upang ganap na makapaglingkod sa bayan. Padayon, RN!

Mabuhay ang mga bagong Nars ng Bayan!
Mabuhay ang Kolehiyo ng Narsing!
CON STAY ON MAIN!



NAGMAMAHALANG MGA PAHINA?Sa dami ng kailangang basahin, aralin, at pasanin, ang mga librong dapat sana’y katuwang sa pag...
18/09/2026

NAGMAMAHALANG MGA PAHINA?

Sa dami ng kailangang basahin, aralin, at pasanin, ang mga librong dapat sana’y katuwang sa pagkatuto ay nagiging dagdag na rin sa bitbitin ng bawat IskoNars. Kaya naman, inihahandog ng College of Nursing Local Student Council ang CON Library: Knowledge Hub upang maging espasyong naglalayong gawing mas aksesibol ang mga kagamitang kinakailangan para sa epektibong pag-aaral sa kursong Narsing.

Ito ay isa lamang sa mas madami pang hakbangin ng konseho tungo sa isang maka-estudyanteng kolehiyo.

Mangyaring basahin nang buo ang guidelines sa bawat larawan para sa kumpletong impormasyon tungkol sa paggamit ng CON Library.

📍 Wellness Office, 2nd Floor, Pimentel Hall

For the students, by the students.

Address

Malolos

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BULSU CON Local Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to BULSU CON Local Student Council:

Shortcuts

Share