14/08/2026
ANG DISKRIMINASYON AY HINDI PATAKARAN. ITO AY PANANAKIT NA MAY PIRMA AT SELYO NG INSTITUSYON.
May mga patakaran na dapat ipagpatuloy. May mga patakarang dapat ikahiya. Ang bagong CPTED Rules and Regulations ay kabilang sa huli.
Sa ilalim ng patakarang ito, ipinagbabawal ang pagsusuot ng hikaw, make-up, at lipstick sa mga lalaking estudyante. Ipinipilit ang isang partikular na gupit ng buhok: maikli, hindi hihipo sa kwelyo, hindi tatakip sa tenga. Ipinagbabawal din ang cross-dressing, depende na lamang kung mayroong okasyon tulad ng College Night o Students’ Ball, na parang ang pagkatao ng isang tao ay bagay lamang na maaaring i-on and i-off depende sa kalendaryo ng eskwelahan.
Gayunpaman, mariing tumitindig ang BSP 2E na ang patakarang inilahad ng nasabing kolehiyo ay wala sa lingid ng disiplina o propesyonalismo. Ito ay lantarang pagpilit sa mga estudyante, lalo na sa mga transgender at gender non-conforming (TGNC), na umangkop sa isang anyo ng pagkatao na hindi kanila, sa loob mismo ng institusyong “tumataguyod” ng safe space para sa lahat.
Mas nakakadismaya na ang polisiyang ito ay galing sa College of Professional Teacher Education (CPTED) — ang kolehiyong dapat sanang huwaran ng inclusive at child-centered na pagtuturo. Paano nga naman kasi matuturuan ang mga hinaharap na g**o na maging inklusibo, kung ang institusyon mismo ay hindi kayang maging inklusibo sa sarili nitong mga mag-aaral?
Mayroon naman nang batas na sumasalungat mismo sa ganitong mga probisyon. Kinikilala ng Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act ang gender identity and expression bilang karapatan, kasama na ang paraan ng pananamit at pagpapahayag. Kinikilala rin ito ng lokal na ordinansa ng Lungsod ng Malolos, na nagbabawal sa diskriminasyon batay sa SOGIESC. Kaya bakit may patakaran pa rin na hayagang salungat dito?
Safe space? Safe space for who? Heteronormative standards ng conservatives?
“Rules are rules” ba, ika mo? Kailanman, hindi magiging tama ang isang patakaran na isinulat lamang for the sake of power-tripping. A policy is not sacred simply because it exists on paper, nor is it just simply because an institution has the authority to enforce it. The moment a policy violates a person's dignity, strips them of their right to exist as who they truly are, we do not owe it our silence. We owe it our resistance. To comply without question is to hand over our conscience to whoever holds the pen. We have both the right and the duty to challenge it.
We can still be professional by dressing up as who we are. Ang propesyonalismo ay hindi nasusukat sa uniporme, gupit, o kulay ng lipstick. Wala namang koneksyon ang gupit sa kakayahang gumawa ng lesson plan. Wala namang koneksyon ang pagsuot ng skirt o slacks sa kakayahang alagaan at turuan ang isang silid-aralan. Kung mas nababahala pa ang CPTED sa gender expression ng mga mag-aaral nito kaysa sa kung gaano sila kagaling magturo, ang problema ay sa mga namamahala nito, hindi sa estudyante.
Hindi dapat tinatakpan ng anumang polisiya ang ganda ng bahaghari.
DISCRIMINATIVE GUIDELINES NG CPTED, IBASURA — NGAYON NA.
WALANG LUGAR ANG DISKRIMINASYON SA EDUKASYON.