BA DevStud 2A

BA DevStud 2A The official page of BA Development Studies 2-A | Bulacan State University

🌿 Makibahagi sa Batarisan sa Nayon 2026 at sa aming pakikipag-ugnayan sa komunidad ng mga Dumagat sa Norzagaray, Bulacan...
03/10/2026

🌿 Makibahagi sa Batarisan sa Nayon 2026 at sa aming pakikipag-ugnayan sa komunidad ng mga Dumagat sa Norzagaray, Bulacan!

Sa pamamagitan ng aming Donation Drive, layunin naming makalikom ng tulong na maaaring ilaan para sa mga pangangailangan ng komunidad. Anumang halagang nais ibahagi ay makatutulong upang maging bahagi ng aming munting hakbang tungo sa isang makabuluhang pakikipag-ugnayan.

Para sa mga nais magpaabot ng tulong, maaaring gamitin ang QR code na makikita sa post. Maraming salamat sa inyong pakikiisa at suporta! 💚

Layout: Fiona Mariz
Caption : Vyanne Sakura Bautista

💚 Products with a Cause: Goods that Gives Back 🫂Looking for something cute to add to your everyday look, or maybe just a...
27/09/2026

💚 Products with a Cause: Goods that Gives Back 🫂

Looking for something cute to add to your everyday look, or maybe just a little treat to brighten your day? 🤗

This fundraising project is our section’s participation in USWAG — Batarisan: Weaving Sustainable Support for the Dumagat Community, an initiative dedicated to extending support to the Dumagat community.

✨ Here’s what we have for you:
• Brooch pins
• Acrylic pins
• Crochet bandanas, headbands & beanies
• Fuzzy wire clips
• Fuzzy wire keychains
• Perler bead keychains
• Pastries — crinkles & cookies
• Grahamilo pastimallows

We invite you to join us, show your support, and be part of this meaningful effort. 🤍

See you around campus! 🏫💛

✍🏻: Shanika Magbitang
🖼️: Erika Beyonce

Maging parte ng pagbabago! Choose Development Studies now!
20/09/2026

Maging parte ng pagbabago! Choose Development Studies now!

18/09/2026

TARA NA SA DEVSTUD! 💚🥺💕

15/09/2026

Ang critical at radical ko lately, i feel so BA DevStud rn

The baddest students ain't in LA—they are in Development Studies! 🥵As the new Academic year came 📚, the 𝗕𝗔𝗗die𝗦 of Bache...
25/08/2026

The baddest students ain't in LA—they are in Development Studies! 🥵

As the new Academic year came 📚, the 𝗕𝗔𝗗die𝗦 of Bachelor of Arts in Development Studies are ready to conquer another step to victory. 🌟

Meet the BADS 2A for A.Y 2026-2027 ❤️‍🔥😜






Caption by David Axel & Erika Beyonce
Layout by Fiona Mariz

Tara na sa Development Studies!
24/08/2026

Tara na sa Development Studies!


Nawa'y nasa mabuting kalagayan po ang lahat ngayong maulan ang panahon. Panatilihin po nating ligtas ang ating sarili at...
17/08/2026

Nawa'y nasa mabuting kalagayan po ang lahat ngayong maulan ang panahon. Panatilihin po nating ligtas ang ating sarili at pamilya.

Narito po ang emergency hotlines sa buong Bulacan. Muli, mag-iingat po ang lahat!

‎‎HUWAG MASHOKOT, MAKI-BEKI!‎‎Mariing kinokondena ng mga mag-aaral ng Batsilyer ng Sining sa Araling Pangkaunlaran 2A an...
11/08/2026

‎‎HUWAG MASHOKOT, MAKI-BEKI!
‎
‎Mariing kinokondena ng mga mag-aaral ng Batsilyer ng Sining sa Araling Pangkaunlaran 2A ang patakaran ng College of Professional Teachers Education (CPTED) hinggil sa dress code ng mga estudyante.
‎
‎Ang kasuotan ay hindi hadlang sa pagkatuto, pagbabahagi ng kaalaman, o pakikisalamuha nang may respeto sa kapwa. Sa halip, nararapat na kilalanin at igalang ang pagkakaiba-iba ng bawat indibidwal. Kaya narito kami upang manindigan at ipaglaban na ang kasuotan, kasarian, at SOGIE ng isang indibidwal ay hindi dapat maging batayan ng kaniyang propesyonalismo, kakayahan, o kredibilidad bilang isang mag-aaral.
‎
‎Ang pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa pisikal o teknolohikal na pagbabago ng isang institusyon. Nasusukat din ito sa kakayahan nitong kumilala, rumespeto, at tumugon sa magkakaibang pangangailangan, karanasan, at identidad ng mga taong bumubuo rito. Sa isang lipunang patuloy na umuunlad, mahalagang ang mga patakaran at sistema ay sumabay sa pagpapahalaga sa karapatang pantao, pagkakapantay-pantay, at kalayaan sa pagpapahayag ng sarili. Ang isang progresibo at inklusibong institusyon ay hindi dapat nakabatay sa pagkakapare-pareho ng pananamit. Sa halip, dapat itong nakatuon sa paglikha ng isang ligtas, makatarungan, at pantay na espasyo kung saan ang bawat estudyante ay may kalayaang matuto, umunlad, at makapag-ambag sa komunidad.
‎
‎Kung kaya, hinihikayat namin ang isang dress code na makatarungan, inklusibo, at hindi mapanghusga o diskriminatibo—isang patakarang kumikilala sa karapatan ng bawat estudyante na ipahayag ang kanilang sarili habang nananatiling responsable at magalang sa loob ng institusyon.
‎
‎Ang tunay na esensya ng pag-unlad ay hindi ang paghubog sa lahat upang maging magkakapareho, kundi ang paglikha ng isang lipunang marunong kumilala, gumalang, at magbigay ng pantay na pagtingin sa bawat isa.



Address

Mendoza Hall, Bulacan State University
Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BA DevStud 2A posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category