14/01/2026
Para makaangat ka sa buhay,
dapat may inaapakan ka.
Oo.
Pero hindi tao.
Inaapakan mo
yung opinion ng ibang tao
na hindi naman nagbabayad ng bills mo.
Yung boses na nagsasabing,
“Ang yabang mo na.”
“Kala mo kung sino ka.”
“Okay ka na dyan.”
Inaapakan mo yung takot
na baka pagtawanan ka
kapag sumubok ka ng iba.
Inaapakan mo yung hiya
na baka masabihan kang
“feeling successful.”
Kasi real talk,
hindi ka makakaangat
kung bawat galaw mo
hinihingi mo ang approval ng lahat.
May mga pangarap
na hindi ka pwedeng ipagpaalam.
May mga desisyon
na kailangan mong panindigan
kahit hindi sila pumapalakpak.
Hindi lahat ng umaangal
may ambag.
Hindi lahat ng opinion,
mahalaga.
Minsan,
yung inaapakan mo
ay yung lumang version ng sarili mo
na kontento na sa “pwede na.”
✅ Hindi ka masama dahil pinili mo ang sarili mo.
❌ Hindi mo kailangang paliwanagan ang lahat.
✅ Hindi lahat maiintindihan ang growth mo.
At okay lang yun
Kasi habang busy silang mag-comment,
ikaw busy ka mag-build.
Hindi ka umangat
dahil may inapakang tao.
Umangat ka dahil
natutunan mong huwag makinig
ng opinion ng ibang tao.
At kung nasa stage ka ngayon
na gusto mong umangat
pero nahihila ka ng takot at opinion ng iba,
usap tayo.😊