11/08/2026
Happy Cyrax's Day!! ๐๐
Maligayang kaarawan sa iyo! ๐๐ค
Sa espesyal na araw na ito, nais naming ipaalam kung gaano kami nagpapasalamat na nakilala ka at naging bahagi ka ng aming buhay. Maaaring hindi namin ito palaging nasasabi, pero napakahalaga mo sa amin. Isa ka sa mga taong tunay naming ipinagpapasalamat na dumating sa aming buhay.
Nawaโy sa panibagong taon ng iyong buhay, matupad ang mga pangarap at hangarin ng iyong puso. Sana ay lagi kang bigyan ng mabuting kalusugan, kapayapaan ng isip, at tunay na kaligayahan. Kapag dumating ang mga panahong napapagod ka at gusto mo nang sumuko, sana maalala mong hindi mo kailangang maging matatag sa lahat ng oras. Ayos lang mapagod at umiyak, bastaโt huwag mong kalimutang bumangon at magpatuloy.
Huwag mong kalimutang mahalin at pahalagahan ang iyong sarili. May mga taong tunay na nagmamahal at nagpapasalamat dahil nandito ka. Maaaring hindi mo man ito napapansin, pero napakahalaga ng iyong presensya sa mga taong nakapaligid sa iyo.
Maraming salamat sa lahat ng masasayang alaala, tawanan, at mga panahong pinagsaluhan natin. Sana ay marami pa tayong masasayang araw at magagandang alaala na mabuo kasama ka.
Muli, maligayang kaarawan! ๐ฅน๐ Nawaโy maging mas mabait sa iyo ang mundo at sana ay makamit mo ang lahat ng bagay na tunay mong nararapat. Huwag kang susuko sa iyong sarili, dahil marami pang magagandang bagay ang naghihintay para sa iyo.
โ Mula sa amin BSBA 2G!, maligayang kaarawan! ๐โจ