Cofradia Performing Arts Group

Cofradia Performing Arts Group Welcome to CPAG Official page!

26/09/2026

BUKAS NA!!!!

UY, MAY AAGOS? 🌊Santa Teresita ng Batang Hesus, Ipanalangin mo kami! 09 - 27 - 2026
22/09/2026

UY, MAY AAGOS? 🌊

Santa Teresita ng Batang Hesus,
Ipanalangin mo kami!

09 - 27 - 2026

13/09/2026

Mula sa tahanan ng mga makata, at sa pusong mataas ang pagpapahalaga sa sining, kultura, at kasaysayan—may apoy na muling nag-aalab.

Sa gitna ng dilim, tayo ang magiging liwanag.
Sa gitna ng pangamba, tayo ang maninindigan.
At sa bawat tibok ng pusong nagmamahal sa Malolos, isang panata ang muling sisiklab:

MAG-AAPOY.
MANININDIGAN.
LALABAN.

Hindi lamang para sa entablado.
Hindi lamang para sa palakpakan.
Kundi para sa isang lungsod na may dugong makasaysayan, pusong makabayan, at kulturang hindi kailanman dapat mamatay.

🔥 LABAN TATA CELO!
🔥 LABAN MALOLOS!

Mula sa mga yapak ng ating mga ninuno hanggang sa bawat hakbang ng kabataang Malolenyo—ipaglalaban natin ang sining, kultura, at dangal ng ating bayan.

MABUHAY ANG UNANG REPUBLIKA! 🇵🇭
VAMOS A MALOLOS!
MATA SA LANGIT, PAA SA LUPA.
HUSAY, GALING AT TALENTO PARA SA KABATAANG MALOLENYO. 🔥

BUKAS NA....

✨ UY, MAY NAGLIGAWAN… ESTE, MAY NALIGAW? 🌿💜💚💛San kaya patungo ang kanilang mga yapak? Saang tulay kaya tatawid? At sino ...
09/09/2026

✨ UY, MAY NAGLIGAWAN… ESTE, MAY NALIGAW? 🌿💜💚💛

San kaya patungo ang kanilang mga yapak? Saang tulay kaya tatawid? At sino kaya ang kanilang makakasalubong sa dulo ng sapa? 👀🌉💦

Sa isang araw puno ng mahika, musika, sayaw at kwentong-baryo, may mga pusong maaaring maligaw… at mga alaala namang siguradong hinding-hindi malilimutan. ✨

🌊 SAPA FESTIVAL
Isang paglalakbay sa gitna ng agos, liwanag at kultura—kung saan bawat patak ng tubig ay may kuwento, at bawat hakbang ay may lihim na naghihintay na matuklasan.

“Uy, may nagligawan… este, may naligaw?” 😏

💫 Abangan ang kanilang pagbabalik…
Baka sa pagkakataong ito, ikaw naman ang maligaw. 🌙🌿



🔥 LAST CALL, ASPIRING CPAG DANCERS! 🔥Hindi ka nakarating kanina? Huwag mag-alala—may 2ND AUDITION PA TAYO! 🖤💛📅 SEPTEMBER...
05/09/2026

🔥 LAST CALL, ASPIRING CPAG DANCERS! 🔥

Hindi ka nakarating kanina? Huwag mag-alala—may 2ND AUDITION PA TAYO! 🖤💛

📅 SEPTEMBER 6, 2026
⏰ 3:00 PM – 9:00 PM
📍 CPAG NEW HEADQUARTERS

Kung may talento, passion, at pusong handang matuto at lumaban—baka ikaw na ang hinahanap namin! ✨

Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng tahanang patuloy na humuhubog sa Husay, Galing at Talento ng Kabataang Malolenyo.

📩 Message us or contact Sir Jhelo Jasmin for more details.

See you at the audition! 🔥

BALIKTANAW | Cofradia Performing Arts Group ❤️Sa paglipas ng mga taon, ang Cofradia Performing Arts Group ay hindi laman...
03/09/2026

BALIKTANAW | Cofradia Performing Arts Group ❤️

Sa paglipas ng mga taon, ang Cofradia Performing Arts Group ay hindi lamang naging grupo ng mga mananayaw—ito ay naging tahanan.

Tahanan ng mga pangarap, tawanan, pagod, ensayo, pagkakamali, tagumpay, at mga alaala na hanggang ngayon ay dala-dala natin. Dito natin unti-unting natuklasan ang ating Husay, Galing at Talento, kasama ang mga taong minsan ay naging malaking bahagi ng ating buhay.

Marami na ang nagbago. May mga dating kasama na ngayon ay may kanya-kanya nang landas, trabaho, pangarap at mga prioridad sa buhay. May mga taong minsan nating nakasama sa bawat ensayo at pagtatanghal na ngayon ay malayo na sa entablado.

Pero kahit nagbabago ang panahon, may isang bagay na nananatili—ang CPAG ay patuloy na magiging tahanan.

Tahanan para sa mga gustong matuto.
Tahanan para sa mga gustong sumubok.
Tahanan para sa mga nais magbahagi ng kanilang talento.
At tahanan para sa mga minsang naging bahagi nito at nais muling bumalik.

Dahil may mga alaala talagang hindi kailangang balikan araw-araw para manatili sa puso.
At may mga tahanang kahit gaano na katagal, kapag binalikan mo, pakiramdam mo… parang kahapon lang. ❤️

Cofradia Performing Arts Group — Tahanang Babalik-Balikan.

Mata sa Langit, Paa sa Lupa.
Tahanan mo mula 2014 hanggang sa pagkatatag nuong 2018 hanggang ngayon 🩷




✨ BALIK TANAW | COFRADIA PERFORMING ARTS GROUP SA KBS 2023 ✨Isang makabuluhang pagbabalik-tanaw sa paglahok ng Cofradia ...
31/08/2026

✨ BALIK TANAW | COFRADIA PERFORMING ARTS GROUP SA KBS 2023 ✨

Isang makabuluhang pagbabalik-tanaw sa paglahok ng Cofradia Performing Arts Group sa KBS 2023, kung saan buong pagmamalaki naming ipinamalas ang kultura at sining ng mga Bulakenyo sa pamamagitan ng mga katutubong sayaw na Pandanggo sa Ilaw at Sayaw Sta. Isabel. 🏮💃🏻

Sa bawat indak, galaw at kumpas, ipinakita ng ating mga mananayaw ang Husay, Galing at Talento ng kabataang Bulakenyo, at naging bahagi sa pagbibigay karangalan sa Lungsod ng Malolos. 💙

Ang mga mananayaw na ito ay patuloy na nagsisilbing tagapagtaguyod ng ating kultura—pinayayaman ang sining ng pagsasayaw at pinananatiling buhay ang mga tradisyong minana natin sa mga naunang henerasyon. 🇵🇭✨

At ngayong Singkaban Festival, mula sa aming grupo, buong puso naming ipinapaabot ang aming suporta sa lahat ng mga kabataang lalahok at muling magbibigay-buhay sa husay, galing at talento ng mga Bulakenyo! 🙌🔥

BASTA TALENTO, TATAK BULAKENYO! 💙💛
🎭 SINGKABAN FESTIVAL NA! 🎉










28/08/2026

🙏❤️ BALIK-TANAW | SINGKABAN 2025 ❤️🙏

Mga alaala na patuloy nating binabalikan at ipinagmamalaki! ✨

Isang sulyap sa Props Rehearsal ng CPAG para sa Singkaban Festival 2025 — kasama ang aming debosyon at paggalang kay Señor Sto. Niño. 👶🏻🙏❤️💙💛

Sa bawat ensayo, bawat galaw, bawat props at bawat pawis, dala natin ang pananampalataya, kultura, at pagmamahal sa sining. 💃🕺🎭🙏

Viva! Señor Sto. Niño! 🙏❤️💙💛✨

Balik-tanaw sa isang makulay na bahagi ng kwento ng CPAG. 🥹❤️

📢 PAALALA, MGA KA-CPAG! 💚Dahil sa hindi magandang lagay ng panahon at patuloy na pag-ulan, minabuti muna nating i-resche...
28/08/2026

📢 PAALALA, MGA KA-CPAG! 💚

Dahil sa hindi magandang lagay ng panahon at patuloy na pag-ulan, minabuti muna nating i-reschedule ang CPAG Audition para sa kaligtasan at kapakanan ng lahat.

📅 BAGONG PETSA: September 5, 2026
📍 VENUE: MARSON Dance Studio, Capitol View
⏰ ORAS: 6:00 PM – 9:00 PM

Ang inyong kaligtasan at kapakanan ang aming pangunahing prayoridad. Maraming salamat sa inyong pang-unawa, pasensya, at patuloy na suporta sa CPAG. 🙏💚

Kaya ihanda na ang inyong talento, energy, at passion sa pagsasayaw! 🔥

MAGKITA-KITA TAYO SA SEPTEMBER 5!
Husay, Galing at Talento para sa Kabataang Malolenyo! 💚





𝐌𝐄𝐒𝐒𝐀𝐆𝐄 𝐍𝐎𝐖! ‼️Looking for performers for your event? We are accepting guestings and costume rentals for festivals, folk...
01/06/2026

𝐌𝐄𝐒𝐒𝐀𝐆𝐄 𝐍𝐎𝐖! ‼️

Looking for performers for your event? We are accepting guestings and costume rentals for festivals, folk dances, street dancing, event openings, fiestas, and other special occasions.

📩 Message us now for inquiries and bookings!

For inquiries or Costume rentals message us here on our page! 🍃





Address

Jasmin Street Brgy. Cofradia
Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cofradia Performing Arts Group posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category