08/06/2026
๐๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐๐ฎ๐. ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐๐ถ๐ธ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด. ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐๐ป๐ด๐๐ต๐ถ๐ป.
Sa diwang ito, pormal na nilagdaan ngayong araw, 08 Hunyo 2026, ng Bulacan State University, sa ngalan ni Pangulong Dr. Teody C. San Andres, at ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, sa pamumuno ni Punong Lungsod Atty. Christian D. Natividad, ang Memorandum of Agreement na naglalayong palakasin ang ugnayan ng akademya at lokal na pamahalaan sa larangan ng pananaliksik, polisiya, at pampublikong paglilingkod.
Ang kasunduang ito ay bunga ng pagsusumikap ng Office of the Vice President for Research, Extension, and Innovation, sa pamumuno ni Dr. Keno C. Piad, katuwang ang Research and Innovation Office, sa pangangasiwa ni Dr. Joseline M. Santos.
Sa kanilang inisyatiba, nabigyang landas ang paggamit ng mga saliksik, datos, at kaalamang nililikha ng BulSU bilang batayan sa pagbuo, pagsusuri, at pagpapaunlad ng mga programa, hakbangin, at polisiya para sa Lungsod ng Malolos.
Pinatutunayan nito na ang kaalaman ay hindi dapat manatili sa loob ng pamantasan, kundi dapat umabot sa kaibuturan ng pamayanan; at ang pamamahala ay higit na nagiging makabuluhan kapag ito ay nakaugat sa ebidensya, pagsusuri, at tunay na pangangailangan ng mamamayan.
Sa pagkakaisang ito ng BulSU at ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, mas pinatitibay ang hugpungan tungo sa pamamahalang nakikinig, nagsusuri, tumutugon, at naglilingkod nang may pananagutan.