BulSUONE CAL

BulSUONE CAL The Official page of BulSUONE CAL

MALIGAYANG KAARAWAN, GENNICA! 🥳🎊Ipinagdiriwang natin ang kaarawan ng isang nanindigan at kumilos na sumasama sa laban ng...
28/09/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, GENNICA! 🥳🎊

Ipinagdiriwang natin ang kaarawan ng isang nanindigan at kumilos na sumasama sa laban ng kapwa-estudyante. Ipinakikita niya ang kaniyang dedikasyon para sa nagkakaisang layunin.

Nawa'y hindi maupos ang iyong apoy na nagniningas upang maglingkod sa bayan. Manatili ka sanang matatag sa bawat laban, matapang sa bawat hamon, at matapat sa mga prinsipyong ipinaglalaban.


BULSU ADMIN, PAKINGGAN ANG PANAWAGAN! UNAHIN ANG KALIGTASAN NG MGA BULSUAN!Sa loob ng isang buwang walang tigil ang pag-...
06/09/2026

BULSU ADMIN, PAKINGGAN ANG PANAWAGAN! UNAHIN ANG KALIGTASAN NG MGA BULSUAN!

Sa loob ng isang buwang walang tigil ang pag-ulan, ang mga BulSUan ay humaharap sa epekto nito. Ang malawakang paghaba na nagpalubog sa maraming tahanan, na hanggang ngayon ay hindi pa ganap na nakaaahon.

Ngayon, binabaan ng administrasyon ang mga estudyante ng isang hindi makaestudyante, hindi inklusibo at hindi makatarungang pagpapasiya.

Hindi sapat na pagtugon ang "special examination" para sa mga hindi kayang kuhanin ang pagsusulit sa araw ng midterm dahil walang estudyante ang gusto nahuhuli sa pag-aaral na nagreresulta upang piliting pumasok. Magkakaiba ang danas ng mga estudyante at hindi dapat sinusukat sa "genuinely unable." Hindi dapat dinadagdagan ang pasahin ng mga estudyante sa panahong nilulubog ng sistema.

Hindi rin solusyon ang pagpapahintulot ng pagsusuot ng "decent and appropriate civilian attire" dahil ang tunay na usapin dito ay kung paano nila ihahanda ang sarili ngayong nasa gitna pa rin ng baha. Hindi sukatan ang pagiging maluwag sa magiging kasuotan ng damit upang masabing makaestudyante, dahil ang tunay na makaestudyante ay kinikilala ang mga hinaing ng mga mag-aaral.

Tunay na academic ease ang dapat ibigay sa mga BulSUan kung nakikita, naiintindihan, at nauunawan ng administrasyon ang kinakaharap na kalagayan ng mga estudyante.

Sa panahong lubog pa rin ang karamihan, unahin ang kaligtasan ng mga BulSUan!


MALIGAYANG KAARAWAN, HYPER! 🎉💛Ipinagdiriwang natin ngayong araw ang kaarawan ng isang patuloy na maninindigan, makikilah...
05/09/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, HYPER! 🎉💛

Ipinagdiriwang natin ngayong araw ang kaarawan ng isang patuloy na maninindigan, makikilahok at makikibahagi para sa nagkakaisang layunin. Nawa'y ang panibagong taong ito ay magbigay sa 'yo ng lakas para sa mas marami pang laban.

Hangad namin ang iyong kaligtasan at kasiyahan sa bawat hakbang na tatahakin. Maging makabuluhan din nawa ang lahat ng iyong gagawin upang makakamit ang ninanais.


ISANG ARAW NA LANG, MGA KATALISTA⏳💛Isang araw na lang ang natitira upang maging bahagi ng mas malawak na pagkilos para s...
30/07/2026

ISANG ARAW NA LANG, MGA KATALISTA⏳💛

Isang araw na lang ang natitira upang maging bahagi ng mas malawak na pagkilos para sa isang progresibo, makamasa, at palabang kolehiyo. Ang bawat bagong kasapi ay mga boses sa pagsusulong ng karapatan, kapakanan, at tunay na representasyon ng bawat Katalista.

I-scan lamang ang QR code na makikita o pindutin ang link sa ibaba:
https://forms.gle/uZX3E3ZtVsgp8rDU7
https://forms.gle/uZX3E3ZtVsgp8rDU7
https://forms.gle/uZX3E3ZtVsgp8rDU7

Kung naniniwalang mas malakas ang pagkilos kapag sama-sama, ito na ang iyong pagkakataon. Kaya't huwag nang hayaang lumipas ang huling araw nang hindi ka kabilang sa nagkakaisang layunin.


BUKAS NA ANG ONECAL MEMBERSHIP DRIVE! 💛📣Sa panahon na patuloy na hinahamon ang ating karapatan bilang isang estudyante, ...
18/07/2026

BUKAS NA ANG ONECAL MEMBERSHIP DRIVE! 💛📣

Sa panahon na patuloy na hinahamon ang ating karapatan bilang isang estudyante, kailangan nating makialam, kumilos, at tumindig para ipaglaban ang tama at ikabubuti ng bawat isa.

Ito na ang pagkakataon mong maging bahagi ng isang samahang progresibo, makasama at palabang organisasyon na nagsusulong ng isang nagkakaisang layunin para sa kolehiyo, pamantasan at bayan.

Pindutin lamang ang form na nasa ibaba:
https://forms.gle/uZX3E3ZtVsgp8rDU7
https://forms.gle/uZX3E3ZtVsgp8rDU7
https://forms.gle/uZX3E3ZtVsgp8rDU7

Tuloy tayo sa ating mga adbokasiya at panawagan, kaya't pumabilang sa hanay ng mga estudyanteng may paninindigan.


MALIGAYANG KAARAWAN, IVAN! Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang kaarawan ng isa sa mga lider-estudyanteng naging lun...
17/07/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, IVAN!

Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang kaarawan ng isa sa mga lider-estudyanteng naging lunduyan para sa isang nakakaisang layunin. Ang iyong paglaban at pagtindig katuwang ang mga Katalista ay salamin ng tunay na malasakit para sa kolehiyo, pamantasan at bayan.

Nawa'y ang taong paparating sa iyo ay magbigay ng kasiyahan, kapayapaan at makabuluhang buhay para sa pagpapatuloy ng paglilingkod sa lipunan.


Address

Malolos

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BulSUONE CAL posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share