27/07/2026
𝐒𝐎 ano 𝐍g𝐀?
Ang katatapos lamang na State of the Nation Address (SONA) ni Marcos Jr. ay isa na namang dagdag sa mahaba at masakit na kasaysayan ng pagkabigo at pagkadismaya. Dalawampu’t anim (26) na taon na nating tinatahak ang daan para sa SOGIESC Equality Bill, hindi tayo sumuko, hindi tayo tumigil lumaban, at sa kabila ng lahat ay patuloy tayong tumatayo para sa karapatan bawat isa sa mas ligtas na espasyo!
Ngunit sa talumpati ni Marcos Jr., muli tayong binalewala: WALA NI ISANG BANGGIT, WALANG KAHIT ANONG PAGKILALA ang ibinigay sa LGBTIQ+ Community, maging ang sektor ng Kababaihan at Katutubong Pilipino at iba pa na matagal nang isinasantabi.
Hindi ito simpleng pagkakalimot. Isa itong tahasang pagbubura at pagbubulag-bulagan sa ating pag-iral, dignidad, at karapatan bilang mamamayan. Sa kabila ng lumalawak na suporta ng taumbayan, ng pagbabago sa kamalayan ng lipunan, at ng patuloy nating pagpapatunay na tayo ay lumilikha, naglilingkod, at nakikibahagi sa pag-unlad ng bayan, nananatili tayong isinasantabi ng estado.
Habang ipinagmamalaki ni Marcos Jr. ang “Bagong-Pilipinas,” malinaw na hindi kasama rito ang mga sektor na matagal nang ipinagkakait ang pagkilala at proteksiyon. Muli na namang ipinakita na sa ganitong mga pahayag at prayoridad, malabo pa rin ang puwang ng ating mga karapatan.
Dalawampu’t anim na taon na nating ipinaglalaban ang SOGIESC Equality Bill. Dalawampu’t anim na taon na rin tayong naghihintay na magkaroon ng batas na magbibigay ng malinaw na proteksiyon laban sa diskriminasyon.
Malinaw ang ating panawagan: ipasa ang SOGIESC Equality Bill, wakasan ang lahat ng anyo ng diskriminasyon at karahasang nakabatay sa S*xual Orientation, Gender Identity, Gender Expression, at S*x Characteristics (SOGIESC), tiyakin ang pantay na pagtrato at access sa edukasyon, trabaho, serbisyong pangkalusugan, at iba pang batayang serbisyo, at panagutin ang mga lumalabag sa karapatang ito.
Hindi tayo titigil hangga’t may mga buhay na patuloy na binabalewala, may mga karapatang ipinagkakait, at may mga tinig na pilit pinatatahimik. Ang ating pakikibaka ay hindi matatapos sa paghihintay.
Patuloy nating igigiit na ang bawat kulay ay makita, marinig, at kilalanin bilang kapantay na mamamayang may buong dignidad, kalayaan, at karapatang dapat igalang, ipagtanggol, at isabuhay!
ANG TUNAY NA SONA AY ANG DALAWAMPU’T ANIM NA TAON NG PAGHIHINTAY SA SOGIESC EQUALITY BILL—AT ANG PATULOY NA PAGLABAN PARA SA PANTAY NA KARAPATAN.
IPASA ANG SOGIESC EQUALITY BILL, NOW NA!
25/07/2026
Ano baks? ResBAKS! 🤩
Today is the big day! We are officially sending out emails for our Ano Baks? resBAKS! Membership Drive! We are so happy to share updates with every single one of you who took the brave, wonderful step to apply and join our organization. Please don’t panic if you haven’t seen anything in your inbox yet, we are working through every single entry, so kindly hang tight and wait for our message to arrive anytime today! 💖✨
If by the end of the day you still haven’t received any email or message from us, please don’t hesitate to reach out to us directly! We’d be more than happy to assist you, answer all your questions, and make sure nothing gets lost along the way. Thank you so much for your patience, excitement, and for choosing to build a safer, brighter university with us. We can’t wait to welcome you all! ✨🏳️🌈
Maki beki, ‘Wag Mashokot!
24/07/2026
🌈 Inclusive Education Now! 🌈
Last July 16–20, 2026, BulSU Bahaghari proudly took part in Camp SIKAT 2026 held at B-Hotel Quezon City! This 3-day leadership training brought together student leaders and organizations from all over the Philippines to learn, unlearn, and grow as advocates for our communities. We also shared this meaningful experience alongside our fellow BulSU organizations: BulSU Samo’t Sari, BulSU Balangay, BulSU Bayoguin, and BulSU Maharlika, it was so much more powerful moving forward as one BulSU delegation ✨
We dived deep into sessions on Social Behavioral Change (SBC) Campaigns, SOGIESC Training of Trainers, Child Rights, Gender Norm Analysis, and Organizational Sustainability, all essential lessons to strengthen our work back on campus.
None of this would have been possible without the hard work, guidance, and careful preparation of Babaylanes Inc., thank you for creating such a safe and empowering space for all of us! 🤎
Most importantly, we carry home a clearer commitment: inclusive education is not just an idea, it is a right for every students, no exceptions. We are bringing all these learnings back to continue building a campus where every identity is seen, respected, and valued. ✨🏳️🌈
16/07/2026
Today, we celebrate the artists who continue to challenge norms, inspire communities, and redefine what self-expression can look like. From powerful looks to witty personas, they stand as the personification of confidence and courage to be unapologetically yourself.
Through creativity and courage, drag has become a powerful force for visibility, storytelling, and social change.
As they serve as role models in embracing a world where expression knows no limits, may we all learn from their boldness and be free to bloom as our authentic selves. 🌸🩷
Happy International Drag Day! 👑🌈
15/07/2026
DISCRIMINATIVE CLAUSES SA CPTED RULES AND REGULATION, IBASURA!
Mariing kinokondena ng BulSU BAHAGHARI ang mga mapanupil at diskriminatibong probisyon sa bagong College of Professional Teacher Education (CPTED) Rules and Regulations na tahasang umaatake sa karapatan, dignidad, at pagkatao ng transgender at gender non-conforming (TGNC) na mga estudyante.
Sa ilalim ng nasabing polisiya, malinaw na nakasaad ang mga sumusunod:
Rule B.7: “Cross-dressing is not allowed, except on social occasions like College Night and Students’ Ball.”
Rule C.1: “Male student who has long hair shall be properly fixed. Proper haircuts will depend on the prescription required by the respective courses.”
Rule D: “The wearing of earrings among male students is prohibited…”
Rule No. 6: “Male students shall adhere to the proper haircut prescribed by the college which shall be short and not touching the collar of their polo shirt and not covering their ears.”
Rule No. 7: “Male students are not allowed to wear make-ups and lip sticks during regular school days…”
Ang mga probisyong ito ay hindi simpleng regulasyon sa pananamit. Ito ay institutionalized discrimination laban sa mga transgender at gender non-conforming na estudyante. Sa halip na kilalanin ang kanilang gender identity at gender expression, pinipilit silang sumunod sa isang makaluma, konserbatibo, at binary views ng kasarian na matagal nang kinukwestyon maging sa larangan ng edukasyon, sa mismong bulwagang kinatatayuan ng institusyon.
Mas lalong nakapanghihina ng loob na ang mga patakarang ito ay nagmumula mismo sa College of Professional Teacher Education (CPTED), isang kolehiyong nagtuturo ng inclusive education, child-centered pedagogy, at paggalang sa diversity. Paano kayo makapaghuhubog ng g**ong inklusibo kung sa sarili ninyong kolehiyo ay hindi ninyo kayang maging inklusibo?
Hindi propesyonalismo ang sapilitang pagpapagupit ng buhok ng isang trans woman. Hindi disiplina ang pagbabawal sa kanya na magsuot ng make-up o hikaw. Hindi ito paghuhubog ng magiging g**o, ito ay paghuhubog ng kultura ng takot, pagsunod, at diskriminasyon.
Higit sa lahat, ang mga patakarang ito ay taliwas sa umiiral na mga batas at lokal na polisiya na kumikilala sa dignidad ng bawat tao:
Ang Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act ay malinaw na kinikilala ang gender identity and expression, kabilang ang paraan ng pananamit at pagpapahayag ng kasarian, at nag-aatas sa mga institusyong pang-edukasyon na tiyakin ang ligtas at hindi diskriminatibong kapaligiran para sa lahat ng mag-aaral.
Higit pa rito, ang City Ordinance No. 03-2022 ng Lungsod ng Malolos ay nagtataguyod ng diversity and equality at tahasang nagbabawal sa diskriminasyon, paninira, at harassment batay sa S*xual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIESC). Ang mismong lokal na pamahalaan kung saan matatagpuan ang Bulacan State University ay mayroon nang ganitong proteksyon.
Hindi namin matatanggap ang depensang “sumunod na lang sa patakaran.” Hindi nagiging makatarungan ang isang patakaran dahil lamang ito ay isinulat ng administrasyon. Ang mga polisiyang lumalabag sa dignidad at karapatan ng tao ay dapat kinukwestyon, hindi bulag na sinusunod.
Ang sukatan ng pagiging mahusay na g**o ay hindi haba ng buhok.
Hindi make-up.
Hindi hikaw.
Hindi pananamit.
Ang tunay na sukatan ay ang kakayahang magturo nang may kritikal na pag-iisip, malasakit, at paggalang sa dignidad ng bawat tao.
Isa ito sa mga rason kung bakit napakahalaga na maipasa ang TGNC (Transgener and Gender Non-conforming) Guidelines. Dahil dito, kinikilala ang bawat estudyante sa kung sino sila, hindi sa kung ano ang inaasahan ng lipunan na dapat silang maging. Tatanggalin nito ang mga patakarang naghahati at naglilimita base lang sa kasarian, at sisiguraduhing pantay na pagtrato, respeto, at kalayaang ipahayag ang sarili ang matatanggap ng lahat. Mula sa pananamit, itsura, hanggang sa paggamit ng tamang pangalan at panghalip. Higit sa lahat, magsisilbi itong pundasyon ng tunay na inklusibong edukasyon, kung saan walang estudyanteng mapipilitang itago ang pagkatao nila para lang makapag-aral nang payapa at ligtas.
Hindi maituturo ang inclusive education kung ang mismong institusyon ay nagtataguyod ng exclusion!
Ibasura ang mga transphobic na mga clauses sa polisiya.
Ipaglaban ang makatao, siyentipiko, at mapagpalayang edukasyon.
14/07/2026
International Non-Binary People’s Day 💛🤍💜🖤
Flowers do not box themselves into rigid labels, they simply bloom as they are, unbound by fixed ideas of what they “should” be. Just like these flowers bloom, non-binary identities exist beyond narrow categories, flowing freely and authentically in every form they take. ✨
Non-Binary individuals have always existed and they always will. True inclusion means acknowledging, respecting, and providing a space where everyone is free to live authentically.
As we shed light upon the identities of Non-Binary individuals, we must be reminded of the defiance and erasure they have challenged and faced with resilience. Like wildflowers that push through cracks to show their true colors, you have grown unapologetically even when the world tried to limit you. 🌈
12/07/2026
Presenting the BulSU Bahaghari Executive Committee for the academic year 2026-2027! 🏳️🌈
Like stars scattered across the darkest sky, each of us carries a unique light, bright enough to guide, warm enough to welcome, and steady enough to stand for every voice in the LGBTIQ+ community. We do not shine alone: together, we form constellations of courage, compassion, and purpose. ✨
We will rise to illuminate paths for belonging, advocate for equality, and build a safe space where every identity is seen, celebrated, and cherished.
Let our light lead the way. Let our colors shine as bright as the stars above. 🌈
08/07/2026
🌈📢 ano na baks? resBAKS na!
Be part of region III and Bulacan State University’s very first recognized LGBTIQ+ student organization! Stand with us as we fight for every BulSUan’s rights, and build spaces where we all feel seen, safe, and free, inside our classrooms and out.
you’re welcome to join if you:
✅ are a current, non-graduating BulSU student (satellite campus babies, we see you too! ✨)
✅ want to learn, grow, and stand with us in our fight for equality and inclusion
✅ identify as LGBTIQ+ OR are a proud ally 🫂
✅ and yes, membership is 100% FREE, no fees at all! 🎉
sign-ups will close at July 10, 2026. 11:59 pm.
sign up here:
🔗 https://bit.ly/JoinJuhag2026
🔗 https://bit.ly/JoinJuhag2026
🔗 https://bit.ly/JoinJuhag2026
04/07/2026
Happy Pride! 🌈
Nakiisa ang BulSU Bahaghari sa makulay at makabuluhang LOVELAB4N Pride PH Festival 2026 na ginanap noong nakaraang ika-27 ng Hunyo sa UP Diliman, Quezon City. Hindi lamang ito simpleng pagdiriwang ng pagmamahal at pagkakakilanlan, kundi isa rin itong matibay na pagtindig kasama ang buong komunidad upang ipaglaban ang ating karapatan. Dala ng bawat isa ang paninindigan na ang pagkakapantay‑pantay ay dapat makamit ng lahat, anuman ang kasarian o oryentasyon.
Ang Pride ay protesta. Ito rin ay isang matapang na pagtutol at patuloy na pakikibaka laban sa diskriminasyon at kawalan ng katarungan. Ipinapaalala natin sa lahat na ang ating pag-iral ay karapatan, at ang ating boses ay hindi dapat patigilin. Kasama ang bawat organisasyon at indibidwal, patuloy tayong lalakad pasulong hanggang sa maging ganap na katotohanan ang pantay na pagtingin at pagtrato para sa bawat isa. 🏳️🌈✨
Maki beki, ‘wag mashokot!