21/08/2026
Tayo’y hawak kamay na magtulong-tulong upang lumikha ng isang espasyong nagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng ating identidad at nagtataguyod ng tunay na inklusyon!
Walang Tunay na Inklusyon Kung May Nakasulat pa ring Diskriminasyon!
Kolektibong tumitindig ang Lokal na Konseho ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan ag Pilosopiya, League of Class Mayors, mga Organisasyon at Socio-Cultural Groups ng CSSP sa mariing pagkundena ng mga diskriminatoryong probisyon ng College of Professional Teachers Education (CPTED). Kami ay taos pusong nakikiisa sa buong kapulungan ng mga mag-aaral, lalo na sa ating mga transgender at gender non-conforming (TGNC) na estudyante, na ang mga batayang karapatan ay tahasang pinaglalapastanganan.
As future social science practitioners, educators, and leaders, we have a mandate to uphold justice and equality in the midst of these prevailing discriminatory beliefs. We believe that professionalism is not found in policing bodies and gender expression. Sa halip na magtaguyod ng ligtas na lipunan, mas lumilikha lamang ito ng kapaligirang puno ng takot, diskriminasyon, at paghihigpit sa malayang pagpapahayag ng sarili. Higit pa rito, isa itong nakakahawang sakit—kapag nakita ng ibang kolehiyo na ang ganito klase ng pag-aalipusta ay mapapayagan at maisasakatuparan, maaari rin nilang gayahin at ipatupd ang patakarang ito.
Kung kaya’t nananawagan kami sa pamunuan ng Bulacan State University at ng College of Professional Teachers na muling suriin ng lubos ang mga alituntuning ito sa pamamagitan ng inklusibo at malinaw na konsultasyon kasama ang lahat ng mag-aaral. Tayo’y hawak kamay na magtulong-tulong upang lumikha ng isang espasyong nagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng ating identidad at nagtataguyod ng tunay na inklusyon!
🖼️: Jasmine Nicole Aranas