23/09/2026
๐๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ง๐๐ -๐ข๐ข๐ฌ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐ข๐ค ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐๐๐ซ๐๐! ๐ฆ
Isang napakalaking tagumpay na naman ang naiuwi ng ating mga pambato! Boung-pusong pagbati sa ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ sa pagtatagumpay bilang ๐๐ฌ๐ญ ๐๐ฅ๐๐๐ sa ๐ฝ๐๐พ๐ผ๐ผ ( ๐ฝ๐ช๐ก๐๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐๐ซ๐๐ง๐จ๐๐ฉ๐๐๐จ ๐๐ฃ๐ ๐พ๐ค๐ก๐ก๐๐๐๐จ ๐ผ๐ฉ๐๐ก๐๐ฉ๐๐ ๐ผ๐จ๐จ๐ค๐๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ) 2026 Cheerdance Competition! Muli ninyong pinatunayan na ang disiplina, hirap, at sakripisyo ay nag bubunga ng ginto sa huli.
Isang mataas at espesyal na pagkilala sa ating ๐๐ญ๐ฎ๐๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ข๐๐๐ง๐ญ, ๐๐ก๐จ๐ง ๐๐๐ฎ๐ฅ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ง. Maraming salamat sa iyong pambihirang dedikasyon at passionโhindi lamang sa pamumuno sa ating pamantasan at kapwa mag-aaral, kundi pati na rin sa pagiging matatag na Captain ng BPC Green Hawks. Tunay ngang napakahusay mo; ikaw ay isang huwaran ng tunay na lider na sabay na inaaruga ang responsibilidad at ang sining ng pag-cheer.
Sa Butihing ๐๐จ๐๐๐ก ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐ซ. ๐๐จ๐ก๐ง ๐๐๐ฐ๐๐ซ๐๐ฌ๐จ๐ง "Sir Kenneth" ๐๐๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐จ๐ maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang dedikasyon, taos-pusong pagtitiwala, at sa pagbibigay ng mahabang pasensya sa buong koponan ng BPC Green Hawks. Kung nasaan man ang PEP SQUAD ngayon, ito ay dahil sa inyong matatag na gabay, husay, at paniniwala sa bawat isa sa kanila sa bawat hakbang ng paghahanda hanggang sa ibabaw ng entablado.
Para sa ating mahuhusay na Coach ๐๐๐ฆ๐ฉ ๐๐ง๐๐ซ๐๐ ๐๐ญ ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐๐๐ก ๐๐ฌ๐ก๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ซ๐๐ฎ๐ง๐โmaraming-maraming salamat po sa inyong walang-sawang pagtuturo, sakripisyo, at paggabay sa BPC GREEN HAWKS. Hindi lamang po ninyo hinubog ang kanilang mga kakayahan sa bawat stunt, sayaw, at galaw, kundi itinuro rin ninyo ang kahalagahan ng disiplina, katatagan, at pagkakaisa bilang isang groupo. Sa kabila ng mga pagod, puyat, at hirap ng ensayo, nandiyan kayo palagiโarmado ng mahabang pasensya at pusong nagmamahal sa koponan. Ang tagumpay na ito ay patunay ng inyong husay at hindi matatawarang dedikasyon.
Sa buong pamilya ng ๐๐๐ ๐๐ซ๐๐๐ง ๐๐๐ฐ๐ค๐ฌ, muli ninyong sinungkit at pinatunayan na sa larangan ng kompetisyon, ang inyong puso at determinasyon ang mangunguna. Kayo ay inspirasyon sa bawat isang BPCians.