BulSU COED Local Student Council

BulSU COED Local Student Council Ito ang opisyal na pahina ng Lokal na Konseho ng Mag-aaral ng Kolehiyo ng Edukasyon.

Good luck, 4th YEARS! โœจHangad namin ang inyong matagumpay na Demonstration Teaching! Ipakita ang inyong kaalaman, paghah...
24/09/2026

Good luck, 4th YEARS! โœจ

Hangad namin ang inyong matagumpay na Demonstration Teaching! Ipakita ang inyong kaalaman, paghahanda, at puso sa pagtuturo. Magtiwala sa inyong kakayahan at sa lahat ng paghahandang inyong ginawa.

Kaya ninyo โ€˜yan, mga future teachers! ๐Ÿ€


NGAYON | ML54Labing-apat na taong sapilitang katahimikan. Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1081, isinailalim ni ...
20/09/2026

NGAYON | ML54

Labing-apat na taong sapilitang katahimikan.

Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1081, isinailalim ni Ferdinand Marcos ang buong bansa sa Batas Militar noong ika-21 ng Setyembre; isang rehimeng nagkait ng kalayaan at boses sa mga Pilipino.

Sa ngalan ng batas at kaayusan, libo-libo ang naging biktima ng pang-aabuso. Mga mamamahayag, aktibista, at inosenteng mamamayan ang pinatahimik. Libu-libong Pilipino ang ikinulong, pinahirapan, at pinaslangโ€”sumasalamin sa tindi ng tiraniya at kasakiman sa kapangyarihan.

Ito ay paalala na ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay bunga ng pakikibaka ng mga nauna sa atin. Kaya tungkulin nating alalahanin, matuto, at patuloy na lumaban kontra sa anumang anyo ng opresyon, inhustisya, at pagbaluktot sa katotohanan.

Ngayon, 54 taon matapos ang deklarasyon, kaisa pa rin ang Komite ng Students Right and Welfare at Lokal na Konseho ng Kolehiyo ng Pamprupesyunal na Gurong Edukasyon ng mga biktima at ng sambayanang Pilipino sa matatag na paninindigan laban sa anumang anyo ng tiraniya, inhustisya, at pagbaluktot ng kasaysayan.

Tungkulin nating alalahanin.
Tungkulin nating lumaban.
Tungkulin nating lumaya.


KASALANAN ANG MAKALIMOT. KASALANAN ANG MANAHIMIK. KASALANAN ANG MASANAY.Sa harap ng mga usaping patuloy na humuhubog sa ...
20/09/2026

KASALANAN ANG MAKALIMOT. KASALANAN ANG MANAHIMIK. KASALANAN ANG MASANAY.

Sa harap ng mga usaping patuloy na humuhubog sa ating lipunan, mahalagang alalahanin ang kasaysayan, suriin ang mga umiiral na polisiya, at manatiling mapanuri sa mga pangyayari sa kasalukuyan.

Sa Setyembre 21, 2026, magkakaroon ng pagkilos sa 12:30 PM, sa harap ng Roxas Hall, bilang paggunita at pagpapahayag ng paninindigan kaugnay ng mga isyung panlipunan.

Hindi lamang ito tungkol sa pag-alalaโ€”ito ay tungkol sa pag-unawa, pagtatanong, at pakikilahok.


Para sa mga LET takers ng CPTED! โœ๏ธIsang malaking hakbang na naman tungo sa pagiging ganap na g**o. Baunin ang lahat ng ...
19/09/2026

Para sa mga LET takers ng CPTED! โœ๏ธ

Isang malaking hakbang na naman tungo sa pagiging ganap na g**o. Baunin ang lahat ng inyong pinag-aralan, paghahanda, at tiwala sa sarili.

Huwag kalimutang magpahinga, huminga, at maniwala sa inyong kakayahan. Good luck, future LPTs! ๐Ÿ’™

Ipanalo ninyo ang pangarap na maging g**o! โœŠ


MAAYOS NA KALUSUGAN PARA SA BULSUAN | 2026 MEDICAL MISSIONIsang simpleng hakbang para mas maalagaan ang sarili.May pagka...
19/09/2026

MAAYOS NA KALUSUGAN PARA SA BULSUAN | 2026 MEDICAL MISSION

Isang simpleng hakbang para mas maalagaan ang sarili.

May pagkakataong kumustahin ang sarili, at magandang magsimula sa kalusugan. Sa Setyembre 23, may Medical Mission sa Valencia Hall para sa mga BulSUan na gustong magpatingin at mas alagaan ang kanilang kalusugan.

Ngayong Setyembre 23, magkakaroon ng Medical Mission sa Valencia Hall para sa mga BulSUan na nangangailangan ng serbisyong medikal.

๐Ÿ“ Valencia Hall
๐Ÿ“… Setyembre 23, 2026
โฐ 7:00 AM onwards

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng katuwang na organisasyon at indibidwal na nakibahagi upang maisakatuparan ang gawaing ito. Sa ganitong pagtutulungan, mas nagiging abot-kamay ang serbisyong pangkalusugan para sa komunidad ng BulSUan.

Kung may pagkakataong magpatingin at maalagaan ang sarili, huwag nang palampasin.


MAAYOS NA KALUSUGAN PARA SA BULSUAN | 2026 MEDICAL MISSION

Isang simpleng hakbang para mas maalagaan ang sarili.

May pagkakataong kumustahin ang sarili, at magandang magsimula sa kalusugan. Sa Setyembre 23, may Medical Mission sa Valencia Hall para sa mga BulSUan na gustong magpatingin at mas alagaan ang kanilang kalusugan.

๐Ÿ“ Valencia Hall
๐Ÿ“… Setyembre 23, 2026
โฐ 7:00 AM onwards

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng katuwang na organisasyon at indibidwal na nakibahagi upang maisakatuparan ang gawaing ito. Sa ganitong pagtutulungan, mas nagiging abot-kamay ang serbisyong pangkalusugan para sa komunidad ng BulSUan.

Kung may pagkakataong magpatingin at maalagaan ang sarili, huwag nang palampasin.


Sobrang proud ako sa'yo โ€” sa lahat ng kinaya mo, sa hindi mo pagsuko, at sa pagpapatuloy kahit mahirap.Sa katatapos lang...
18/09/2026

Sobrang proud ako sa'yo โ€” sa lahat ng kinaya mo, sa hindi mo pagsuko, at sa pagpapatuloy kahit mahirap.

Sa katatapos lang na Midterm Examination, i-tap mo ang balikat mo at sabihin sa sarili na "sobrang proud ako sa'yo, self."

Magpahinga at bumawi sa sarili.

Padayon!


PAGBATI, BULSUAN! ๐Ÿ’™Isang taos-pusong pagbati sa BulSU Saring Himig Chorale sa pagkamit ng Kampeonato sa The Voice of ASE...
18/09/2026

PAGBATI, BULSUAN! ๐Ÿ’™

Isang taos-pusong pagbati sa BulSU Saring Himig Chorale sa pagkamit ng Kampeonato sa The Voice of ASEAN: The Central Luzon Premier Chorale Competition 2026! ๐ŸŽถ๐Ÿ†

Kasama rin sa tagumpay na ito si Lorraine Arabella Quilang, isang proud na estudyante ng CPTED at bahagi ng BulSU Saring Himig Chorale. Ipinagmamalaki namin ang iyong talento at dedikasyon na patuloy na nagbibigay ng karangalan sa ating kolehiyo at sa buong Bulacan State University.

Mula sa CPTED, ipinagmamalaki ka namin! ๐Ÿ’™๐ŸŽถ


Hey, Future Educators!This is your time to shine! The CPTED Local Student Council is beyond excited to launch EDUCREATE:...
18/09/2026

Hey, Future Educators!

This is your time to shine! The CPTED Local Student Council is beyond excited to launch EDUCREATE: CPTED Merchandise Design Contest for A.Y. 2026-2027.

Ever dreamed of seeing your own design worn by the whole college? Ito na ang chance mo! We are officially searching for original and creative designs for our beloved college merch. Siyempre, ang ating classic CPTED Polo Shirt, everyday Tote Bag, at ID Lace with Lanyard na hindi nawawala sa atin.

We are looking for a design na talagang sumasalamin sa atin. Yung passion ng pagiging future educator at yung pride ng pagiging tunay na BulSUan. Kahit simple lang, basta may puso at may kwento, pasok yan!

So ano pang hinihintay mo? Don't just wear the merch, ikaw mismo ang gumawa! Join EDUCREATE now and let your creation be part of CPTED's legacy.

Tara na, future Ma'am/Sir, sali ka!

Submit here!

Polo Shirt: https://forms.gle/8i9qGG7g6KxYEyS4A
Lanyard: https://forms.gle/LTRh8hMdtFsUsYFx7
Tote Bag: https://forms.gle/7U3gkknW53mG1rvk9


๐’๐€๐‹๐ˆ๐Š๐’๐ˆ๐Š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐“๐š๐ฅ๐ž๐ง๐ญ๐จ ๐ฌ๐š ๐”๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐ข๐๐š๐ ๐ŸŽญ๐Ÿ“– ๐ŸŽจ๐ŸŽถ๐—ง๐—ฒ๐—บ๐—ฎ:โ€œ๐™Ž๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ ๐™†๐™ช๐™ก๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™‚๐™ž๐™ฉ๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™ช๐™ฏ๐™ค๐™ฃ: ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™œ๐™ ...
13/09/2026

๐’๐€๐‹๐ˆ๐Š๐’๐ˆ๐Š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐“๐š๐ฅ๐ž๐ง๐ญ๐จ ๐ฌ๐š ๐”๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐ข๐๐š๐ ๐ŸŽญ๐Ÿ“– ๐ŸŽจ๐ŸŽถ

๐—ง๐—ฒ๐—บ๐—ฎ:
โ€œ๐™Ž๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ ๐™†๐™ช๐™ก๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™‚๐™ž๐™ฉ๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™ช๐™ฏ๐™ค๐™ฃ: ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ ๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™™๐™–๐™ž๐™œ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ฃ๐™จ๐™ฅ๐™ž๐™ง๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃโ€

Panahon na upang ipamalas ang iyong talento, pagkamalikhain, at husay! ๐ŸŒŸ

Inaanyayahan ang lahat ng lehitimong estudyante ng Bulacan State University na lumahok sa taunang Saliksik 2026, isang gawaing handog ng BulSU Office of Culture and Arts at Bulacan State University.

Sa Saliksik 2026, binibigyan natin ng espasyo ang sining, kultura, at mga talento ng bawat Iskolar ng BulSU. Mula sa pagguhit at musika hanggang sa pag-awit at pagsusulat dahil ang bawat likha ay may kuwentong maaaring maging inspirasyon. ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

๐™„๐™ฅ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฉ๐™– ๐™ข๐™ค. ๐™„๐™—๐™–๐™๐™–๐™œ๐™ž ๐™ข๐™ค. ๐™„๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ข๐™–๐™ก๐™–๐™ ๐™ž ๐™ข๐™ค.

GFORMS:
https://bit.ly/4xRhjXR?r=qr
https://bit.ly/4xRhjXR?r=qr
https://bit.ly/4xRhjXR?r=qr

For guidelines, kindly visit the page of BulSU Office of the Culture and Arts.



Address

Malolos
3000

Opening Hours

Monday 8am - 8pm
Tuesday 8am - 8pm
Wednesday 8am - 8pm
Thursday 8am - 8pm
Friday 8am - 8pm
Saturday 8am - 8pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BulSU COED Local Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to BulSU COED Local Student Council:

Shortcuts

Share