05/09/2026
MIDTERM EXAMS, IPAGPALIBAN! KALIGTASAN NG BULSUANS, IPAGLABAN!
Hindi pa tapos ang laban ng maraming BulSUans sa epekto ng nagdaang kalamidad. Habang patuloy na kinakaharap ng ating mga estudyante ang pagbaha, pagkawala ng kuryente, kawalan o mahinang koneksyon sa internet, at hirap sa ligtas na pagbiyahe, marami pa rin ang hindi nabibigyan ng sapat na pagkakataong makapagpahinga, makabawi, at makapaghanda para sa nalalapit na Midterm Examinations.
Bilang bahagi ng ating paninindigan para sa kapakanan at kaligtasan ng bawat BulSUan, nagsagawa ang Bayanihan Tayo Committee ng Student Weather Impact Sensing Form upang malaman ang aktuwal na kalagayan at mga hamong kinakaharap ng ating mga estudyante sa gitna ng patuloy na epekto ng kalamidad.
Batay sa 10,002 responses na nakalap:
โข 5,748 o 57.5% ng mga respondent ay kasalukuyang hindi makadalo sa face-to-face classes dahil sa mga alalahaning dulot ng panahon at kalamidad.
โข 8,924 o 89.2% ang nagsabing ang kanilang ruta patungo sa unibersidad ay alinman sa bahagyang accessible ngunit may kahirapan, o tuluyang hindi accessible at hindi ligtas na daanan.
โข 3,841 o 38.4% ang nakararanas ng knee-deep hanggang severe flooding sa kanilang lugar o sa kanilang karaniwang ruta patungo sa unibersidad.
โข 5,223 o 52.3% ang nagsabing limitado lamang ang kanilang oras upang makapag-review o tuluyang hindi sila makapag-review para sa nalalapit na Midterm Examinations.
โข 7,795 o 77.9% ang mayroon lamang hanggang dalawang oras na review time bawat araw, o tuluyang hindi nakakapag-review.
โข 8,557 o 85.6% ang walang maayos na environment para makapag-aral, nahihirapang magkaroon ng maayos na lugar para mag-review, o kasalukuyang nasa temporary/evacuation setting.
โข 9,236 o 92.3% ang nagsabing wala silang sapat na oras at pagkakataon upang makapaghanda nang maayos kung itutuloy ang Midterm Examinations sa kasalukuyang iskedyul, kabilang ang mga nagsabing โYes, but with difficulty.โ
Ipinapakita ng mga tugon na hindi pare-pareho ang sitwasyon ng bawat BulSUan. Habang may ilang estudyanteng ligtas at may pagkakataong makapag-review, mayroon ding mga BulSUans na patuloy na naaapektuhan ng pagbaha, nahihirapan sa pagbiyahe, walang maayos na study environment, at limitado o tuluyang walang pagkakataong makapaghanda para sa pagsusulit.
Hindi maaaring ipagpalagay na dahil ligtas at handa ang ilan, ligtas at handa na rin ang lahat.
Ang pagsusulit ay maaaring ipagpaliban. Ang kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante ay hindi dapat isugal.
Kaya naman, nananawagan kami sa administrasyon na IPAGPALIBAN MUNA ANG MIDTERM EXAMINATIONS at bigyan ang mga BulSUans ng sapat na panahon upang makabangon mula sa epekto ng kalamidad, matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan, at makapaghanda nang maayos para sa kanilang pagsusulit.
Sa panahong ito, hindi lamang akademikong kahandaan ang dapat nating isaalang-alang. Higit sa lahat, kailangan nating unahin ang kaligtasan, kapakanan, at pantay na pagkakataon ng bawat BulSUan.
Petition Link: https://tinyurl.com/4y34dnhc