BULSU SG Gender Equality, Diversity and Inclusion Committee

BULSU SG Gender Equality, Diversity and Inclusion Committee

Share

The Official page of the Bulacan State University Student Government - Gender Equality, Diversity, and Inclusion Committee.

Photos from BULSU Student Government's post 16/08/2026

NAGKAKAISANG PAHAYAG NG KONSEHO NG MAG-AARAL SA INIHAING PONDO NG NEP 2027 SA BULSU

Ang Konseho ng Mag-aaral ng Bulacan State University (BulSU) ay sama-samang naninindigan para sa nararapat na pag-angat ng pangkabuoang badyet na nakalaan para sa pamantasan.

Sa inilabas na proposed budget sa National Expenditure Program (NEP) para sa unibersidad, naitalang may nakalaan na P1,849,576,000 na halaga para sa susunod na taon. Bumaba ito ng P260,424,000 kumpara sa GAA 2026 budget na nagkakahalaga ng P2,110,000,000.

Habang kinikilala ng konseho ang pagtaas ng badyet para sa Free Higher Education ng 7.41% (₱41,847,000) na magbibigay karagdang akses sa libreng edukasyon para sa mga susunod na iskolar ng bayan, hindi dapat napag-iiwanan ang mahahalagang pasilidad, kagamitan, at proyekto na mas magbibigay espasyo sa mga mag-aaral.

Ayon sa NEP 2027, bumaba ng P277,340,000 ang Capital Outlays (CO) na siyang dapat sumusuporta para sa pagtatayo, pag-re-renovate, at pagdagdag pa sa mga long-term university facilities at equipment na susuporta sa inaasam na dagdag kapasidad sa bilang ng mga estudyante sa pamantasan.

Noong December 2025, sa isinapublikong pag-aaral ng Research and Development Committee napag-alaman na hindi sumasapat ang bilang at accomodation ng mga learning spaces sa pamantasan magmula sa mga seating capacity, ventillation at maayos na maintenance sa mga ito. Kaakibat pa nito ang natanggap na impormasyon ng Students’ Rights and Welfare Committee nitong July 2026 mula sa Office of the Academic Affairs at bawat Dean’s Office na nagsasabing walang unutilized rooms para sa mga student organizations at student sectors sa pamantasan dahil nakalaan na lahat ng espasyo na ito para sa mga pang-akademiko at administratibong espasyo.

Base sa mga datos na ito, maliwanag na kasabay dapat ng isang mas pinalalagong bilang sa pamantasan ang kalidad na pangmatagalang serbisyo na susuporta sa pag-aaral. Mula sa hindi matapos-tapos na mga pinondohang establisyimento sa Campus 2 hanggang sa simpleng paglalaan ng mga tunay na conducive classrooms na sasapat para sa lahat.

Ngunit hangga’t hindi pa tuluyang naisasabatas ang pondo na ito sa General Appropriations Act (GAA) ng taong 2027, panawagan natin sa Kongreso na agarang dinggin ang ipinasang GA Resolution ng Academic Affairs Committee noong 2025 para ipanawagan ang mas mataas na alokasyon ng pondo sa BulSU para sa GAA 2027 na talagang tutugon sa lahat ng aspeto ng pangangailangan sa unibersidad.

Ang daan para sa isang aksesibol at kalidad na edukasyon ay hindi dapat pababa: bagaman kinikilala ng konseho ang mas mataas na pondo sa ilang mahahalagang parte ng pangkabuoang badyet ay hindi dapat dito natatapos ito. Nananatili ang ating kagustuhan para sa pagdadagdag ng mga tao sa bakanteng plantilla positions, pondo sa scholarships, mainam na university facilities para sa bawat mag-aaral at grupo at iba pang mga primaryang pangangailangan ng mga BulSUans.

Ang edukasyon ay karapatan ng mamamayan na dapat nating IPAGLABAN!

Mga sanggunian:
BulSU NEP 2027:http://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/NEP2027/SUCS/E/E4.pdf
BulSU GAA 2026:https://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/GAA/GAA2026/VolumeIA/SUCS/F4.pdf
BulSU SG Research & Development Committee Classroom Capacity and Facilities Assessment: https://www.facebook.com/share/p/1bQnjEtUbm/

Mga Larawan:
Wheree
Pacesetter
Wikipedia
PDJ Campus
BulSU SG Research and Development
Bulacan State University
BulSU Capture
CAFA Sketch
Taytayan



14/08/2026

OFFICIAL STATEMENT OF BULSU SG GEDIC ON THE 17TH ANNIVERSARY OF R.A. 9710 OR MAGNA CARTA OF WOMEN

The BulSU SG Gender Equality, Diversity, and Inclusion Committee joins women and gender advocates nationwide in commemorating the 17th anniversary of Republic Act No. 9710, the Magna Carta of Women.

Seventeen years since its enactment, the Magna Carta of Women remains a significant legislative milestone in advancing the rights, dignity, protection, and substantive gender equality and women's rights in the Philippines. It affirms that women are entitled to equal opportunities, participation, protection, and access to resources and services, while recognizing the State's responsibility to eliminate discrimination and address the conditions that perpetuate women's inequality. Yet, the existence of a law does not automatically mean that equality has been fully realized.

Women and girls continue to confront discrimination, gender-based violence, economic insecurity, unequal opportunities, harassment, and barriers to meaningful participation in public and institutional life. These realities are further intensified for women who experience intersecting forms of marginalization, including LGBTQIA+ persons, women with disabilities, women from low-income communities, Indigenous women, and other historically underserved sectors. Within educational institutions, the struggle for gender equality remains equally urgent.

We call for the full and meaningful implementation of the Magna Carta of Women in BulSU and beyond. This includes strengthening gender-responsive policies and programs, ensuring accessible and survivor-centered mechanisms for addressing gender-based violence and harassment, expanding gender-responsive services, strengthening awareness and capacity-building programs, and ensuring that institutional decisions meaningfully consider the experiences and needs of women and marginalized sectors.

We urge the University to move beyond symbolic commitments and toward concrete reforms, adequate resources, accountability, and participatory policymaking. Gender equality must be reflected not only in statements but also in policies we implement, the budgets we allocate, the spaces we create, and the voices we recognize.

The Magna Carta of Women reminds us that true equality involves confronting structural barriers and creating conditions where everyone can participate with dignity and opportunity.

On this anniversary, we reaffirm:
• Women’s rights are human rights.
• Gender equality is non-negotiable.
• Safe and inclusive education is a right.
• And Gender-responsive policies are an ongoing institutional responsibility.

The struggle for equality does not end with the passage of a law. It continues in every classroom, organization, office, policy-making table, and community where women and marginalized sectors demand to be heard, respected, protected, and represented.

Para sa kababaihan.
Para sa pagkakapantay-pantay.
Para sa isang ligtas, makatarungan, at mapagpalayang pamantasan at lipunan.

# # #

Photos from BULSU SG Gender Equality, Diversity and Inclusion Committee's post 13/08/2026

[TW: Violence/Death]

Amidst the recent killing of Betty Benito last month, and the death of Bella Lutap last June, we’re deeply reminded that many trans people still face violence for being themselves.

Teddy S. Federico, 32 years old, a trans woman, an IP Youth Leader, and barangay agricultural worker from Brgy. Del Monte, Veruela, Agusan Del Sur. She had not been seen for eight days before her body was found buried on July 15, 2026. Her body had already begun to decompose, and her injuries were so severe that her mother could no longer recognize her face.

An investigation into Teddy’s death is ongoing. BulSU SG GEDIC urges the Philippine National Police (PNP) in Veruela and other concerned authorities to ensure a thorough, impartial, and timely investigation and to hold accountable those responsible amidst the unanimously adopted Resolution No. 346, Series of 2026 of the Sangguniang Bayan Veruela, urging the PNP–Veruela to expedite the investigation and submit a progress report to the Sangguniang Bayan.

On the other hand, Jang Caes Macawili, 17 years old, a trans woman who was reportedly shot multiple times inside an internet café in Sitio Laguna, Barangay Sambag Uno, Cebu City, at around 2:50 a.m. on August 10, 2026. The investigation remains ongoing.

We are all painfully reminded of the reasons why we all should strive for reform. Jang, beloved by her family, friends, and community, is the most recent documented case of transfemicide and is evidence of the persisting pattern of violence towards transpinays (trans women and transfeminine individuals) rampant in the Philippines. We remember Jang, Teddy, Betty, Bella, Ali, Kierra, Shalani, Ren, Cheska, Teacher Dan, Ampaw, Elie, and all trans lives lost to hate.

BulSU SG Gender Equality, Diversity, and Inclusion Committee demands accountability and justice for Jang’s and Teddy’s death and protection for the trans community. We refuse to let them become another forgotten names. Trans lives mattered. ✊🏼




Photos from Akbayan Youth's post 13/08/2026

𝗡𝗢 𝗧𝗢 𝗕𝗦𝗞𝗘 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗣𝗢𝗡𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧: 𝗧𝗛𝗘 𝗠𝗔𝗡𝗗𝗔𝗧𝗘 𝗜𝗦 𝗜𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗕𝗔𝗟𝗟𝗢𝗧, 𝗡𝗢𝗧 𝗜𝗡 𝗖𝗢𝗡𝗚𝗥𝗘𝗦𝗦!

Higit 100 kabataan, youth organizations, at mga indibidwal ang nagkaisa sa panawagan na ituloy ang 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections. Hindi dapat ipagpaliban ang halalan. Hindi dapat palawigin ang termino nang walang panibagong mandato mula sa taumbayan.

Kasama ang Akbayan Youth, Model SK Network (MSK), Center for Youth Advocacy and Networking (CYAN), Philippine Anti-Discrimination Alliance of Youth Leaders (PANTAY), Youth Against Kurakot, at iba pang mga organisasyon at indibidwal, naninindigan tayo: ang mandato ay nasa balota, wala sa Kongreso.Hindi pa huli para makiisa. Dagdagan pa natin ang bilang ng mga kabataang handang manindigan para sa karapatang bumoto.

Kung ikaw ay parte ng isang youth organization, youth leader, o indibidwal na sumasang-ayon, makiisa at maging signatory sa Unity Statement.

See full statement here: https://docs.google.com/document/d/1jP4nHkTmF56wDvjMmP-oej6Nq4SAFI-ACV28pQu89iQ/edit?usp=drivesdk

13/08/2026

Hindi kasarian ang batayan ng magaling na kalinga. Ibasura ang lumang patakaran, ipaglaban ang ligtas na espasyo at tunay na pagkilala. Tumindig ngayon para sa isang gender-inclusive na pamantasan!

Kaisa ang College of Nursing Local Student Council at ang Gender Equality, Diversity, and Inclusion Committee sa paninindigan na ang husay at kakayahan ng mga mag-aaral ay hindi kailanman nakasalalay o nasusukat sa kasarian ng isang tao. Ang bawat mag-aaral ay may karapatang matuto sa isang ligtas na espasyo kung saan nadarama nila ang tunay na pagkilala, pagtanggap, at paggalang sa kanilang indibidwal na pagkakakilanlan.

Sa patuloy na pagbuo ng isang ligtas, patas, at inklusibong pamantasan, kabilang ang paninindigan para sa isang gender-inclusive na kapaligiran sa College of Nursing at sa buong kampus, hinihikayat namin ang buong komunidad ng ating pamantasan na tumindig, makiisa, at aktibong suportahan ang pagtatatag ng isang gender-inclusive na pamantasan.

Kinokondena natin ang mga polisiyang mayroong diskriminasyon tungo sa mga mag-aaral. Oras na upang basagin ang mga makalumang limitasyon, tanggalin ang diskriminasyon, at itaguyod ang pantay-pantay na karapatan at oportunidad para sa lahat ng mga mag-aaral.






07/08/2026

MEMORANDUM ORDER NO. 07, s. 2026-2027

Today, Senator Harly Francisco, Chairperson of the Gender Equality, Diversity, and Inclusion Committee, issued this memorandum order regarding the conduct of the First Committee Hearing on the Draft Non-Financial Resolutions.

The First Committee Hearing is hereby scheduled on August 08, 2026, from 7:00 PM Onwards via Google Meet. Committee Vice Chairperson, Associates, Floor Leaders, and Author/s are mandated to attend and review the attached draft prior to the hearing session for an efficient deliberation of the Committee.

For your guidance and strict compliance.

With the on-going progress and urgent concerns from and for the studen body, the BulSU SG GEDIC A.Y. 2026-2027 remains committed in promoting safe spaces, inclusivity, and equality for all within and beyond the BulSU community.

You may access the full memorandum here:
tinyurl.com/GEDIC-MEMO-07-2026-2027



Photos from BULSU CCJE Local Student Council 's post 07/08/2026

MARIING PAGKONDENA NG LOKAL NA KONSEHO NG MAG-AARAL NG KOLEHIYO NG EDUKASYON SA HUSTISYANG PANGKRIMINALIDAD AT CCJE GEDIC SA CPTED RULES AND REGULATIONS

Mariing kinokondena ng Local Student Council ng College of Criminal Justice Education (CCJE) at CCJE Gender Equality, Diversity and Inclusion Committee (GEDIC) ang mga probisyong nakapaloob sa Rules and Regulations ng College of Professional Teacher Education (CPTED), partikular ang mga alituntuning naglilimita sa pananamit, hairstyle, accessories, at gender expression ng mga mag-aaral.

Bilang isang kolehiyong nagsusulong ng hustisya, karapatang pantao, at pantay na pagtrato sa bawat indibidwal, naninindigan tayo na ang anumang patakarang maaaring maglimita sa malayang pagpapahayag ng sariling identidad ng isang mag-aaral ay nararapat na masusing suriin at kwestyunin. Higit sa lahat, walang patakarang nagbubunga ng diskriminasyon ang dapat magkaroon ng puwang sa isang pamantasang nagsasabing ito ay ligtas, inklusibo, at para sa lahat.

Sa ilalim ng CPTED Rules and Regulations, nakasaad ang pagbabawal sa cross-dressing, maliban umano sa mga social occasions ng kolehiyo. Nakasaad din na ang mga lalaking may mahabang buhok ay kinakailangang “properly fixed,” habang ang “proper haircut” ay ibabatay sa mga rekisitong itinakda ng kani-kanilang kurso. Ipinagbabawal din ang pagsusuot ng hikaw ng mga lalaki, gayundin ang paggamit ng makeup at lipstick ng mga lalaki sa regular na araw ng klase.

Hindi lamang ito usapin ng dress code. Ito ay usapin ng dignidad. Ito ay usapin ng pagkakapantay-pantay. At higit sa lahat, ito ay usapin ng kung sino ang pinapayagang maging malaya sa loob ng isang institusyong pang-edukasyon.

Hindi dapat maging batayan ang kasarian sa kung sino ang maaaring magsuot ng hikaw, gumamit ng makeup, mag-lipstick, magpahaba ng buhok, o magsuot ng damit na naaayon sa kanilang gender expression. Ang pagtatakda ng magkakaibang pamantayan batay lamang sa pagiging lalaki o babae ay hindi tunay na inklusibo.

At higit na nakababahala, ang ganitong mga probisyon ay maaaring magkaroon ng direktang epekto sa mga transgender, gender-diverse, at gender non-conforming na mga mag-aaral — mga indibidwal na nararapat na magkaroon ng parehong karapatan sa edukasyon, dignidad, kaligtasan, at paggalang tulad ng sinumang mag-aaral sa pamantasan.

Ang paaralan ay hindi dapat maging lugar kung saan binubusalan ang kalayaan at ekspresyon ng mga mag-aaral. Dapat itong maging espasyo kung saan malayang naipapahayag ang kanilang pagkatao, ideya, at identidad — hangga't ito ay ginagawa nang may pananagutan at paggalang sa kapwa.

Nanawagan kami para sa isang bukas, makabuluhan, at inklusibong pamantasan, BulSU. Nanawagan tayo para sa muling pagsusuri sa mga probisyong ito at para sa mga patakarang nagtataguyod ng disiplina at propesyonalismo nang hindi isinasakripisyo ang dignidad, identidad, at kalayaan ng sinumang mag-aaral.

Hindi lamang tayo naninindigan sa laban ng CPTED. Naninindigan tayo laban sa anumang patakarang maaaring magtulak sa isang mag-aaral na maramdaman na hindi siya kabilang, hindi siya ligtas, o hindi siya karapat-dapat tanggapin sa sarili niyang paaralan dahil lamang sa kung sino siya.

Kaisa ng bawat mag-aaral.
Para sa hustisya.
Para sa pagkakapantay-pantay.
Para sa lahat ng BulSUan.



07/08/2026

[PARTNERSHIP]

MAGLINGKOD SA BAYAN, MAGING SA KAPWA 📦👥

Sa bawat donasyon na ating nalikom mula sa nagdaang pagdiriwang ng sa unibersidad, atin namang bigyang diwa ang paglilingkod sa bayan na tatagos sa bawat komunidad na nangangailangan.

Handog namin ang LINGKOD-KAPWA OUTREACH SERIES, serye ng mga outreach mission ng Freshie Union Committee katuwang ang bawat Local Student Council at ang ating mga project partners mula sa:

BULSU Office of the Student Regent
BULSU SG Office of the Vice President - OVP
BulSU Students' Rights and Welfare
BULSU SG Gender Equality, Diversity and Inclusion Committee
BULSU SG Bayanihan Tayo
Rotaract Club of Marilao Circle

Abangan ang mga nakalinya naming mga proyekto't inisyatibo sa mga susunod na araw 🤝

Illustration by: Denniel Alfonso
Graphics by: Yzadora Gabrielle




MAGLINGKOD SA BAYAN, MAGING SA KAPWA 📦👥

Sa bawat donasyon na ating nalikom mula sa nagdaang pagdiriwang ng sa unibersidad, atin namang bigyang diwa ang paglilingkod sa bayan na tatagos sa bawat komunidad na nangangailangan.

Handog namin ang LINGKOD-KAPWA OUTREACH SERIES, serye ng mga outreach mission ng Freshie Union Committee katuwang ang bawat Local Student Council at ang ating mga project partners mula sa:

BULSU Office of the Student Regent
BULSU SG Office of the Vice President - OVP
BulSU Students' Rights and Welfare
BULSU SG Gender Equality, Diversity and Inclusion Committee
BULSU SG Bayanihan Tayo
Rotaract Club of Marilao Circle

Abangan ang mga nakalinya naming mga proyekto't inisyatibo sa mga susunod na araw 🤝

Illustration by: Denniel Alfonso
Graphics by: Yzadora Gabrielle




Photos from BULSU SG Gender Equality, Diversity and Inclusion Committee's post 04/08/2026

MEMORANDUM ORDER NO. 06, s. 2026-2027

Today, Senator Harly Francisco, Chairperson of the Gender Equality, Diversity, and Inclusion Committee, issued this memorandum order regarding the Establishment of the Standardized Narrative Report Template for Gender-Based Discrimination Incidents

The Narrative Report aims to ensure consistent, comprehensive, and confidential documentation of incidents related to gender-based discrimination, facilitating effective response and record-keeping across all local committees.

With the on-going progress and urgent concerns from the student body, the BulSU SG GEDIC A.Y. 2026-2027 remains committed in promoting safe spaces, inclusivity, and equality for all, within and beyond the BulSU community.

You may access the Narrative Report Template here:
tinyurl.com/GEDICNarrativeReportTemplate

You may access the full memorandum here:
tinyurl.com/GEDIC-MEMO-06-2026-2027



20/07/2026

𝗔𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘀𝗸𝗿𝗶𝗺𝗶𝗻𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘆 𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗟𝘂𝗴𝗮𝗿 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻.

May mga estudyanteng pumapasok sa unibersidad upang matuto. Ngunit para sa ilan, ang unang aral na ibinibigay sa kanila ay kung paano mapahiya dahil lamang sa kanilang identidad.

Hindi ito disiplina.
Hindi ito biro.
Diskriminasyon ito.

Hindi kailanman dapat maging sandata ang awtoridad upang yurakan ang dignidad ng isang estudyante. Ang silid-aralan ay dapat maging espasyo ng pagkatuto, hindi ng panghuhusga. Walang g**o o sinuman ang may karapatang maliitin ang isang tao dahil sa kanyang kasarian, seksuwalidad, o paraan ng pagpapahayag ng sarili.

Kasabay nito, nananawagan ang Bayoguin na repasuhin ang mga umiiral na polisiya ng CPTED na patuloy na naglilimita sa gender expression sa ngalan ng "kaayusan" at "propesyonalismo." Ang mga patakaran ng isang progresibong pamantasan ay dapat nagtataguyod ng paggalang sa dignidad at pagkakapantay-pantay—hindi nagpapatibay ng diskriminasyon.

Hindi kami humihingi ng espesyal na pagtrato. Ang hinihingi namin ay isang pamantasang ligtas para sa lahat—kung saan walang estudyanteng kailangang mamili sa pagitan ng pagiging totoo sa sarili at ng paggalang na nararapat sa kanya.

Dahil kapag ang diskriminasyon ay hinayaang maging normal, ang katahimikan ay nagiging kasabwat.

Want your school to be the top-listed School/college in Malolos?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Malolos
3000