Samafil-MCHS-Santisima Trinidad

Samafil-MCHS-Santisima Trinidad "Higit pa sa Ginto at Pilak ang nakukuha ng taong Mahilig Magbasa"

โœ๐Ÿป PAGGAWA NG ISLOGAN AT POSTER ๐ŸŽจIpakita ang iyong pagkamalikhain, kaalaman, at pananaw sa temang:โ€œWikang Filipino at AI...
31/08/2026

โœ๐Ÿป PAGGAWA NG ISLOGAN AT POSTER ๐ŸŽจ

Ipakita ang iyong pagkamalikhain, kaalaman, at pananaw sa temang:
โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€

โœจ Para sa Islogan:
Gumawa ng sariling islogan na tumatalakay sa kahalagahan ng Wikang Filipino at AI sa pananaliksik at pag-access ng impormasyon.

๐ŸŽจ Para sa Poster:
Lumikha ng makabuluhan at malikhaing poster na nagpapakita kung paano nagiging kasangkapan ang Wikang Filipino at AI sa pagkatuto, pananaliksik, at pagbabahagi ng impormasyon.

Pagsusumite ng Poster/Islogan:
May nakahandang Google Drive link para sa pagsusumite ng inyong mga entry. Mag-upload ng litrato at bidyo habang ginagawa ang inyong Poster/Islogan bilang patunay ng proseso ng paggawa.
Siguraduhing maayos, malinaw, at kumpleto ang mga kinakailangang impormasyon bago ito i-upload sa itinakdang Google Drive link.

๐Ÿ”— GOOGLE DRIVE LINK: https://drive.google.com/folderview?id=1HdSinBXCPDIW_fg5cEgkl2KPe5MVAfuY

๐Ÿ“… Petsa ng Pagpapasa: Setyembre 7, 2026

๐Ÿ† PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Poster at Islogan โ€” 100%

Orihinalidad - 30%
* Orihinal ang disenyo at mensahe, at hindi basta kinopya sa anumang sanggunian.

Nilalaman โ€“ 25%
* Malinaw, makabuluhan, at may kaugnayan sa paksa ang nilalaman ng poster at islogan.

Akma sa Ibinigay na Tema โ€“ 20%
* Ang mensahe at disenyo ay angkop sa tema ng patimpalak.

Kalinisan ng Gawa โ€“ 15%
* Maayos, malinis, at hindi magulo ang pagkakagawa ng poster.

Kabuuang Epekto โ€“ 10%
* Kaakit-akit at madaling maunawaan ang poster at islogan; may malakas na dating sa tumitingin.

Gamitin ang wika. Yakapin ang teknolohiya. Ibahagi ang kaalaman. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿค–โœจ

๐—•๐—œ๐——๐—ฌ๐—ข๐—ž๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ฌ๐—”! ๐ŸŽฌPaligsahan sa Wastong paggamit ng AiHanda na ba kayong gamitin ang inyong pagkamalikhain, kaalaman, at hus...
31/08/2026

๐—•๐—œ๐——๐—ฌ๐—ข๐—ž๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ฌ๐—”! ๐ŸŽฌ

Paligsahan sa Wastong paggamit ng Ai
Handa na ba kayong gamitin ang inyong pagkamalikhain, kaalaman, at husay sa paggawa ng bidyo upang maghatid ng isang makabuluhang mensahe? Sa BidyoKasiya, bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na lumikha ng isang maikli ngunit makabuluhang advocacy video tungkol sa AI, impormasyon, digital space, at wika.

Narito ang mga mekaniks at gabay ng paligsahan:

๐— ๐—˜๐—ž๐—”๐—ก๐—œ๐—ž๐—ฆ

1. Mga Kalahok
Ang paligsahan ay bukas para sa mga mag-aaral mula Grade 7โ€“10.

2. Bilang ng Miyembro
Ang bawat pangkat ay bubuuin ng 3โ€“5 miyembro.

3. Haba ng Bidyo
Ang bawat pangkat ay gagawa ng 2โ€“3 minutong advocacy video. Maaaring magkaroon ng deduction kung lalampas o kukulang sa itinakdang oras.

4. Mga Maaaring Paksain
Dapat tumalakay ang video sa isang malinaw at makabuluhang isyu tungkol sa alinman sa mga sumusunod:

* AI at Pananaliksik
* Misinformation at Disinformation
* Filipino sa Digital Space
* Ethical AI Use
* Information Literacy
* Academic Literacy
* Pangangalaga ng Katutubong Wika

5. Tatlong Mahalagang Elemento
Kailangang malinaw na makita sa video ang sumusunod:

* Problema โ€” Ano ang isyung tinatalakay?
* Mensahe/Solusyon โ€” Ano ang dapat malaman o gawin?
* Call to Action โ€” Ano ang hinihikayat na gawin ng manonood?

6. Wika
Kailangang gumamit ng Filipino o kombinasyon ng Filipino at katutubong wika, kung naaangkop.

7. Paggamit ng AI
Maaaring gamitin ang AI para sa brainstorming, research assistance, script refinement, visual planning, editing assistance, subtitles, o voice-support tools.

8. Pagdedeklara ng AI Use
Ang anumang paggamit ng AI ay kailangang ideklara ng pangkat.

9. Pagberipika ng Impormasyon
Kailangang i-verify ang mga factual claims na nakuha mula sa AI gamit ang mapagkakatiwalaang sources.

10. Sariling Produksyon
Ang video ay kailangang sariling produksyon ng grupo.

11. Petsa ng Pagpapasa
Setyembre 7, 2026

12. Pagsusumite ng Bidyo
May nakahandang Google Drive link para sa pagsusumite ng inyong mga entry. Doon lamang ipapasa ang final video ng bawat pangkat. Siguraduhing maayos ang file at kumpleto ang kinakailangang impormasyon bago ito i-upload.

๐Ÿ”— GOOGLE DRIVE LINK: https://drive.google.com/folderview?id=1HdSinBXCPDIW_fg5cEgkl2KPe5MVAfuY

๐Ÿ† ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐— ๐—”๐— ๐—”๐—ฅ๐—ž๐—”

๐Ÿค– PINAKAMAKABULUHANG PAGGAMIT NG AI โ€” 100%

โ€ข Makabuluhang paggamit ng AI โ€” 30%
โ€ข Angkop na paggamit ng mga kagamitang AI โ€” 25%
โ€ข Malikhaing pagsasama ng AI โ€” 20%
โ€ข Ambag ng AI sa mensahe at presentasyon โ€” 15%
โ€ข Teknikal na kahusayan sa paggamit ng AI โ€” 10%

๐Ÿ“ขPINAKAMAGANDANG MENSAHE SA PANANAWAGAN โ€” 100%

โ€ข Linaw ng mensahe โ€” 30%
โ€ข Kaugnayan sa tema/isyu โ€” 25%
โ€ข Lalim at kabuluhan ng mensahe โ€” 20%
โ€ข Lakas ng panghihikayat โ€” 15%
โ€ข Epekto sa manonood โ€” 10%

๐Ÿ’กPINAKAMALIKHAING KONSEPTO โ€” 100%

โ€ข Orihinalidad ng konsepto โ€” 30%
โ€ข Pagkamalikhain โ€” 25%
โ€ข Pagiging natatangi โ€” 20%
โ€ข Malikhaing pagkukuwento at presentasyon โ€” 15%
โ€ข Kabuuang malikhaing epekto โ€” 10%

โœฆ ๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐——๐—ฌ๐—ข. ๐— ๐—”๐—š๐—›๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ก๐—š ๐— ๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—”๐—›๐—˜. ๐—š๐—”๐— ๐—œ๐—ง ๐—ก๐—š ๐—”๐—œ ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—”๐—•๐—Ÿ๐—˜.

BidyoKasiya โ€” Malikhaing ideya, responsableng paggamit ng AI, at mensaheng may kabuluhan. ๐ŸŽฌ

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž | ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€Ngayong Agosto, nakikiisa ang Malolos City High School-Santisima Trinidad sa  pagdiriwa...
31/08/2026

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž | ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€

Ngayong Agosto, nakikiisa ang Malolos City High School-Santisima Trinidad sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa bilang pagkilala sa kahalagahan ng wikang Filipino sa pagkatuto, pananaliksik, at pagbabahagi ng impormasyon. Sa temang ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ญ ๐€๐ˆ: ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐š๐ญ ๐“๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐˜๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ˆ๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐งโ€

09/10/2025
28/08/2025

โœจ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐™ˆ๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™” ๐™๐™๐™„๐™‰๐™„๐˜ฟ๐˜ผ๐™๐™„๐˜ผ๐™‰๐™Ž๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

Ating salubungin ng masigabong palakpakan ang Kalahok bilang 1: Samantha Faye Cervania mula sa 10 โ€“ Gumamela! Sa entabladong ito, siyaโ€™y magtatanghal bilang si Crispin, at ipapamalas ang kanyang galing sa sining ng deklamasyon. ๐ŸŽ™๏ธโœจ

28/08/2025

โœจ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐™ˆ๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™” ๐™๐™๐™„๐™‰๐™„๐˜ฟ๐˜ผ๐™๐™„๐˜ผ๐™‰๐™Ž๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

Ating salubungin ng masigabong palakpakan ang Kalahok bilang 7: Nicole C. Odtuhan mula sa 10 โ€“ Jasmine! Sa entabladong ito, siyaโ€™y magtatanghal bilang si Donya Victorina, at ipapamalas ang kanyang galing sa sining ng deklamasyon. ๐ŸŽ™๏ธโœจ

28/08/2025

โœจ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐™ˆ๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™” ๐™๐™๐™„๐™‰๐™„๐˜ฟ๐˜ผ๐™๐™„๐˜ผ๐™‰๐™Ž๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

Ating salubungin ng masigabong palakpakan ang Kalahok bilang 8: Anna Marie V. Pascual mula sa 10 โ€“ Rosal! Sa entabladong ito, siyaโ€™y magtatanghal bilang si Donya Victorina, at ipapamalas ang kanyang galing sa sining ng deklamasyon. ๐ŸŽ™๏ธโœจ

28/08/2025

โœจ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐™ˆ๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™” ๐™๐™๐™„๐™‰๐™„๐˜ฟ๐˜ผ๐™๐™„๐˜ผ๐™‰๐™Ž๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

Ating salubungin ng masigabong palakpakan ang Kalahok bilang 6: Laylah Marie C. Sacdal mula sa 10 โ€“ Waling-waling! Sa entabladong ito, siyaโ€™y magtatanghal bilang si Donya Victorina, at ipapamalas ang kanyang galing sa sining ng deklamasyon. ๐ŸŽ™๏ธโœจ

28/08/2025

โœจ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐™ˆ๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™” ๐™๐™๐™„๐™‰๐™„๐˜ฟ๐˜ผ๐™๐™„๐˜ผ๐™‰๐™Ž๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

Ating salubungin ng masigabong palakpakan ang Kalahok bilang 5: Ashleyn Mae E. Ocenar mula sa 10 โ€“ Gumamela! Sa entabladong ito, siyaโ€™y magtatanghal bilang si Donya Victorina, at ipapamalas ang kanyang galing sa sining ng deklamasyon. ๐ŸŽ™๏ธโœจ

28/08/2025

โœจ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐™ˆ๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™” ๐™๐™๐™„๐™‰๐™„๐˜ฟ๐˜ผ๐™๐™„๐˜ผ๐™‰๐™Ž๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

Ating salubungin ng masigabong palakpakan ang Kalahok bilang 4: Samantha Nicole M. Galang mula sa 9 โ€“ Aster! Sa entabladong ito, siyaโ€™y magtatanghal bilang si Donya Victorina, at ipapamalas ang kanyang galing sa sining ng deklamasyon. ๐ŸŽ™๏ธโœจ

Address

Malolos
3000

Opening Hours

6am - 10pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samafil-MCHS-Santisima Trinidad posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category