15/06/2026
Happy Birthday to the loving mother of District 1, Dr. Benilda B. Agustin!
Wishing you a wonderful birthday filled with joy, laughter, and countless blessings. May this special day bring you happiness, good health, and success in all your endeavors. May the year ahead be filled with new opportunities, meaningful experiences, and cherished moments with your family and friends.
We love you Doc Nildes!
-From your CMSHS Family
08/06/2026
Welcome back to school!
Isang panibagong yugto ng pagkatuto, paghubog ng pangarap, at pagtuklas ng mga bagong oportunidad ang ating sinimulan ngayong araw.
Nagsagawa tayo ng iba't ibang aktibidad na may kaugnayan sa opening block tulad ng Psychosocial and Emotional Well Being Check para sa mga mag-aaral na pinangunahan ni Ma'am Loice Crisostomo, Values Formation and Career Guidance sa pangunguna ng Career Advocate ng paaralan na si Ma'am Geann Hutalle Loterte , Annual Health Monitoring Check sa pangunguna ni Ma'am Joan Aquino Martin, at diskusyon ng School Anti-Bullying Campaign at Child Protection Policy na pinangunahan naman ng ating School Principal Sir Philip Ariel Reyes Estrella.
Sama-sama nating buksan ang mga pintuan ng karunungan at pag-asa para sa mas maliwanag na kinabukasan.
Maligayang Balik-Eskwela!
06/06/2026
Calling the attention of CMSHS ALS Learners!
Sa darating na Martes, Hunyo 09, 2026 ay magkakaroon ng ALS-SHS General Assembly & Orientation sa ganap na ika-12:00 ng tanghali. Tatalakayin dito ang mahahalagang bagay na may patungkol sa pagpapatupad ng ALS-SHS at mga bagong reporma sa edukasyon ngayong taon, maging ang pagbibigay ng mga learning materials.
Inaasahan namin ang inyong pagdalo sa mahalagang gawaing ito.
06/06/2026
PAANYAYA
Inaanyayahan ang lahat ng mga mag-aaral at kawani ng paaralan sa gaganaping Flag Raising Ceremony sa pagbubukas ng taong panuruan 2026-2027 sa Hunyo 08, 2026 sa ganap na ika-6:45 ng umaga. Ito ay pangungunahan ng ating Supreme Secondary Learner Government, inaasahan namin ang inyong pakikisa sa mahalagang gawaing ito.
04/06/2026
ππ€ **BRIGADA ESKWELA 2026** π€π
Sa diwa ng bayanihan at sama-samang pagkilos, matagumpay na isinagawa ng City of Malolos Senior High School ang Brigada Eskwela 2026 na may temang: Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa Para sa Kaayusan at Kaalaman. Ang aktibidad na ito ay naging daan upang maihanda ang ating paaralan para sa ligtas, malinis, at maayos na pagbubukas ng klase.
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang, mag-aaral, g**o, alumni, stakeholders sa pangunguna ng Barangay Guinhawa Council sa pamumuno ng ating Chairman Paul Richard Concepcion, at mga boluntaryong nakiisa at naglaan ng kanilang oras, talento, at suporta para sa ikatatagumpay ng gawaing ito.
Ang inyong malasakit at pakikiisa ay patunay na ang edukasyon ay isang responsibilidad na pinagtutulungan ng buong komunidad.
30/05/2026
Happy Birthday to our hardworking ASDS! ππ
Wishing you a very happy birthday filled with joy, laughter, and countless blessings. May this special day bring you happiness, good health, and wonderful memories to cherish throughout the year.
From CMSHS family
26/05/2026
Call for donations!
Ano man pong inyong makakaya ay buong puso naming pasasalamatan β€οΈ
Sumadya lamang po sa aming paaralan o makipag ugnayan sa punungg**o, mga g**o at kawani ng paaralan.
Maraming salamat po!
Tara na! Maki-Brigada na!
24/05/2026
Ang pamunuan ng CMSHS ay taos-pusong nag-aanyaya sa inyong lahat na makiisa sa gaganaping Brigada Eskwela 2026 na may temang:
βBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalamanβ.
Ito ay gaganapin sa CMSHS mula June 01 hanggang June 05, 2026.
Sa darating na June 02, 2026 gaganapin ang school kick-off program sa ating paaralan sa ganap na ika-7 ng umaga.
Layunin ng Brigada Eskwela na maihanda ang ating paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa pamamagitan ng paglilinis, pagkukumpuni, pagpipintura, at iba pang gawaing makatutulong upang maging ligtas at kaaya-aya ang kapaligiran ng pagkatuto ng ating mga mag-aaral.
Inaanyayahan namin ang bawat isa na magbahagi ng oras, talento, kagamitan, o anumang tulong na makapagpapakita ng bayanihan at malasakit sa edukasyon ng kabataan.
Ang inyong pakikiisa ay malaking ambag sa tagumpay ng ating paaralan at sa mas magandang kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
Maraming salamat po at umaasa kami sa inyong buong suporta at pakikilahok.
18/05/2026
β¨ WHY CHOOSE CMSHS STEM?
City of Malolos Senior High School proudly offers the
π¬ SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING, AND MATHEMATICS (STEM) Strand
under both the Strengthened Senior High School Curriculum for Incoming Grade 11 learners and the Old SHS Curriculum for Grade 12 learners.
π Our STEM program offers specialized elective subjects designed to prepare learners for:
βοΈ Engineering Courses
π©Ί Medical and Allied Health Courses
π» Technology and Innovation Fields
π¬ Science and Research-Oriented Programs
Build a strong foundation for your future career through quality instruction, relevant learning experiences, and career-focused preparation.
π Academic Offerings for SY 2026β2027
π Grade 11 β Strengthened SHS Programs
π¬ Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM)
π Social Sciences and Humanities
π¨ Hospitality and Tourism
π» ICT Support and Computer Programming Technologies
π Grade 12 β SHS Programs (Old Curriculum)
π¬ Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM)
π Humanities and Social Sciences (HUMSS)
π³ TVL β Home Economics (HE)
π₯οΈ TVL β ICT Computer Systems Servicing (CSS)
π Admission Requirements
To be officially enrolled, please submit on June 1β5, 2026:
βοΈ Report Card
βοΈ Photocopy of Birth Certificate
βοΈ Basic Education Enrollment Form (BEEF) (to be provided by the school)
π ONLINE ENROLLMENT for SY 2026β2027 is NOW OPEN!
For Incoming Grade 11, Grade 12 Learners, and ALS Learners
(19 years old and above or with special condition)
π Register through the link below:
https://tinyurl.com/CMSHS-EnrollmentSY26-27
π Visit Us:
City of Malolos Senior High School
Remedios Street, Guinhawa, City of Malolos, Bulacan
(Behind Sacred Heart Hospital & Jollibee Crossing)
π Enroll now and be part of the growing CMSHS community!
Your future starts here at CMSHS!
06/05/2026
HANDANG-HANDA PARA SA SY 2026-2027: TUNGO SA MAAYOS NA PASILIDAD PARA SA CMSHS! π«β¨
Maraming salamat sa mga bagong supplies at appliances na ipinagkaloob sa ating paaralan mula sa Special Education Fund (SEF) ng ating mahal na Lungsod ng Malolos. Ang mga kagamitang ito ay naglalayong higit pang mapaganda ang kalidad ng edukasyon at serbisyo para sa ating mga mag-aaral. ππ»
Lubos na pasasalamat din ang aming ipinaaabot kay Sir Salvador Lozano sa walang sawang paggabay at pag-facilitate upang matiyak na makarating ang grant na ito sa ating paaralan. π€
Gayundin sa Brgy. Guinhawa, sa pangunguna ng ating masipag na Brgy. Captain, Igg. Paul Richard D.C. Concepcion, para sa pagbibigay ng transportasyon upang maging ligtas at mabilis ang paghahatid ng mga kagamitang ito. π
Ang pagkakaisa ng ating lokal na pamahalaan, barangay, at paaralan ang susi sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga kabataan. Patuloy tayong magtulungan para sa mas handang CMSHS! ππ’