BULSU Student Government

BULSU Student Government Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BULSU Student Government, College & University, Malolos.

AGAPAY 2026: Survey FormThe BulSU Student Government is planning to conduct another phase of Thesis Financial Assistance...
23/09/2026

AGAPAY 2026: Survey Form

The BulSU Student Government is planning to conduct another phase of Thesis Financial Assistance now expanding its scope to include not only thesis projects but also capstone projects and other research-related academic requirements.

This form aims to gather comprehensive data and information to ensure the success and satisfaction of this initiative.

Answer the Survey Form:
https://forms.gle/Co5DZGriub6j16uE6
https://forms.gle/Co5DZGriub6j16uE6
https://forms.gle/Co5DZGriub6j16uE6




Happy Bisexual Visibility Day! 💗💜💙Today, we celebrate the beauty, courage, and diversity of bisexual identities. May thi...
23/09/2026

Happy Bisexual Visibility Day! 💗💜💙

Today, we celebrate the beauty, courage, and diversity of bisexual identities. May this day remind us that every identity deserves to be celebrated.

To all our bisexual friends and community members: you are valid, you belong, and you are never alone. Your stories, identities, and experiences matter. ✨

Let’s continue building a community where everyone can live authentically, freely, and proudly. 🫶🌈



PANAWAGAN PARA SA MAS MATAAS AT SAPAT NA PONDO SA EDUKASYONG PUBLIKO!Ngayong araw, isinumite sa House of Representatives...
23/09/2026

PANAWAGAN PARA SA MAS MATAAS AT SAPAT NA PONDO SA EDUKASYONG PUBLIKO!

Ngayong araw, isinumite sa House of Representatives ang Position Paper on the Proposed FY 2027 Budget of Bulacan State University, bilang bahagi ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) Student Leaders’ Trooping for Higher Education Budget, kasama ang iba’t ibang student leaders mula sa buong bansa.

Kasabay nito, nagsumite rin sina Senator Tristan Bernal at Senator Nathalie Villanueva ng mga position paper na tumatalakay sa mga pangangailangan ng student organizations at student-athletes, upang mailapit sa budget deliberations ang mga usaping direktang nakaaapekto sa student participation, campus organizations, at student development.

Para sa BulSU, nakatuon ang position paper sa panukalang pagbaba ng pondo para sa FY 2027 at sa pangangailangang masusing suriin kung sapat ang nakalaang resources para sa patuloy na pangangailangan ng pamantasan. Kinikilala ng papel na malaking bahagi ng pagbaba ay kaugnay ng pagtatapos ng ilang malalaking capital projects noong nakaraang taon.

Gayunpaman, hindi nagtatapos sa infrastructure ang pangangailangan ng isang pamantasang patuloy na nagseserbisyo sa mga Iskolar ng Bayan. Patuloy ang pangangailangan para sa instruction, personnel, student services, research, extension, equipment, laboratories, facilities maintenance, at iba pang regular na operasyon ng pamantasan.

Binibigyang-diin din ng ating position paper ang pangangailangang suriin ang pondo para sa Higher Education Program, ang patuloy na operating requirements ng pamantasan, at ang ugnayan ng inilalatag na pondo sa inaasahang pangangailangan ng lumalaking student population. Anumang kakulangan na matukoy sa budget deliberations ay dapat maisaalang-alang sa final appropriation batay sa dokumentadong pangangailangan ng pamantasan.

Sa kabuuan, ang panawagan para sa mas mataas na pondo sa edukasyon ay panawagan para sa sapat na resources upang mapanatili at mapalakas ang mga serbisyong pang-edukasyon, student programs, organizations, athletics, research, extension, at iba pang pangangailangan ng mga pampublikong pamantasan.

Higher budget for BulSU and SUCs!
Ipaglaban ang sapat at makatarungang pondo para sa edukasyon!


WE RESIST BECAUSE WE REFUSE TO FORGET!Sa ika-54 na taon na paggugunita sa mga malagim na mga pangyayari noong Martial La...
21/09/2026

WE RESIST BECAUSE WE REFUSE TO FORGET!

Sa ika-54 na taon na paggugunita sa mga malagim na mga pangyayari noong Martial Law, nagbuklod ang masang BulSUan upang muling ialingawngaw sa pamantasan ang mga ingay na pilit binabaon sa limot.

Malaking pasasalamat sa mga naging katuwang natin mula sa iba't ibang organisasyon, publikasyon, sektor at mga ordinaryong estudyante na piniling lisanin ang kanilang klase upang gumawa ng sarili nating kasaysayan sa loob ng ating kampus.

Nariyan man ang presensiya ng mga panggigipit, hindi tayo nagpatinag. Isa itong tanda na sa gitna ng kadiliman, nariyan lagi ang kabataan upang tindigan ang tama!

BulSUan, tagumpay tayo ngayong araw ngunit hindi pa dito natatapos ang ating laban.

HINDI NA PIPIKIT AT MAS LALONG HINDI TAYO MAKALILIMOT!

Captured by: Aaron Teodoro & Katherine Santos




21/09/2026

SA LANSANGAN, NAKIKIBAKA ANG ISKOLAR NG BAYAN!

Matapos ang Campus Walkout at kilos-protesta sa BulSU, nakilahok ang mga BulSUans sa pambansang pagkilos sa Mendiola kasama ang mga kabataan at iba't ibang sektor ng lipunan.

Sa gitna ng mga sigaw na “Iskolar ng Bayan, ngayon ay lumalaban!”, ipinakita ng mga BulSUans na hindi nagtapos sa loob ng Pamantasan ang kanilang paninindigan. Mula kampus hanggang lansangan, sama-samang iginiit ang demokratikong karapatan at pakikiisa sa laban para sa pambansang demokrasya.

Iskolar ng Bayan, ngayon ay lumalaban!



HIGHLIGHTS | DAAN-DAANG BULSUANS, NAKIISA SA CAMPUS WALKOUT!Ngayong araw, daan-daang BulSUans ang lumiban muna sa klase,...
21/09/2026

HIGHLIGHTS | DAAN-DAANG BULSUANS, NAKIISA SA CAMPUS WALKOUT!

Ngayong araw, daan-daang BulSUans ang lumiban muna sa klase, lumabas ng kanilang mga silid-aralan, at nagkaisa sa ikinasang Campus Walkout bilang paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar at upang igiit ang kanilang demokratikong karapatan.

Sa kabila ng matinding sikat ng araw at mga hamong kinaharap, sama-samang nagmartsa ang mga Iskolar ng Bayan. Sa bawat hakbang palabas ng silid-aralan, ipinakita ng kabataan ang kanilang paninindigan laban sa paglimot at pagbura sa kasaysayan at sa mga usaping patuloy na humahamon sa kanilang mga karapatan.

Hindi lamang ito pagliban sa klase. Ito ay sama-samang pagtindig at pagkilos.

NEVER AGAIN, NEVER FORGET MARTIAL LAW!
TULOY ANG PAGKILOS NG MASANG ESTUDYANTE!

📸 Jham Maxine





'MARCOS-DUTERTE WALANG PINAG-IBA, PAREHONG TUTA, DIKTADOR, PASISTA!'Sa pagsuyod ng mga iskolar ng bayan sa bawat sulok n...
21/09/2026

'MARCOS-DUTERTE WALANG PINAG-IBA, PAREHONG TUTA, DIKTADOR, PASISTA!'

Sa pagsuyod ng mga iskolar ng bayan sa bawat sulok ng Bulacan State University, umalingawngaw ang tinig ng pag-aaklas ng bawat BulSUan.

Ginunita ngayong September 21 ang ika-54 na anibersaryo ng madilim na bahagi ng kasaysayan, ang deklarasyon ng Batas Militar sa ilalim ng diktadurang Marcos

Bilang simbolo ng paggunita at pakikiisa, nagsuot ng itim ang mga BulSUan, na nagsilbing tanda ng kanilang pag-alala sa mga karahasang naganap sa ilalim ng Batas Militar at patuloy na paninindigan laban sa paglimot sa kasaysayan. Isang tanda na hindi nababaon sa limot ang dilim ng nakaraan.

Sa kolektibong paglaban ng mga BulSUan. Sama-sama ang kanilang panawagan. "Ikulong mga kurakot! "CON, Stay on Main!" at marami pang umalingasaw sa bawat espasyo na kanilang binagtas. Tunay ang alab ng damdamin, marahil ang espasyo ay may kapangyarihan sa nasasakupan. Ang mga Iskolar ng bayan ang patunay na kaya nating bumalikwas sa nakasanayan at hindi masanay sa kung ano lamang ang ibinibigay at mayroon tayo.

Uulit-ulitin natin ang paglaban, at hindi tayo mapapagod na isigaw ito. Ang kolektibong panawagan ay pag-alala sa kapangyarihang naabuso at patuloy na inaabuso. Huwag na hintayin na malusaw pa ang ibang espasyo sa kapangyarihan na hindi sukat ang hangganan.




21/09/2026

MULA BULSU HANGGANG MENDIOLA, NAGPATULOY ANG PAGKILOS!

Nakiisa sa pagmartsa ang BulSU SG Office of the Vice President kasama ang mga progresibong grupo ng kabataan mula sa iba't ibang unibersidad, kasama ang iba't ibang sektor ng lipunan mula sa Liwasang Bonifacio tungong mendiola, bilang paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar at upang muling igiit ang demokratikong karapatan ng mamamayan.

Matapos ang isinagawang Campus Walkout ng mga BulSUans ngayong Lunes at ang kilos-protesta sa loob ng Pamantasan, hindi rito nagtapos ang pagkilos. Mula sa kampus, dinala ng mga estudyante ang kanilang mga panawagan hanggang sa lansangan.

Mula BulSU hanggang Mendiola, ipinakita ng kabataan na hindi natatapos sa loob ng kampus ang kanilang paninindigan.

BULSUANS, KABATAAN, AT MAMAMAYAN, MAGKAISA!
IGIIT ANG DEMOKRATIKONG KARAPATAN!



  | Petition for the Annual Remembrance of Martial LawToday, in conjunction with   Commemoration Day,the Public Relation...
21/09/2026

| Petition for the Annual Remembrance of Martial Law

Today, in conjunction with Commemoration Day,the Public Relations and Societal Affairs (PRSA) Committee officially submitted a petition stating the definite annual remembrance activities for Martial Law.

Attached with the document is the PRSA ordinance mandating the SG's commitment for a yearly exertion for activities every September 21.

The ordinance, likewise, seeks to urge the BulSU administration's endorsement for the said occassion to ensure that any attempts and/or acts to block the entry of black-colored clothing and class walkout protests shall be PROHIBITED.

The submitted petition was signed by a total of 104 signatories supporting the objectives of the documents.

Read the petition letter here:
tinyurl.com/mr43txbm
tinyurl.com/mr43txbm
tinyurl.com/mr43txbm

Read the passed ordinance here:
tinyurl.com/39ae7zx9
tinyurl.com/39ae7zx9
tinyurl.com/39ae7zx9

Never Again, Never Forget.




Address

Malolos
3000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BULSU Student Government posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share