BULSU Office of the Student Regent

BULSU Office of the Student Regent The Official page of the Office of the Student Regent of Bulacan State University

BULSU STUDENT CONSULTATION | Safe to Learn Policy and Care within Reach PolicyKapwa BulSUans, alam nating hindi madali a...
11/10/2026

BULSU STUDENT CONSULTATION | Safe to Learn Policy and Care within Reach Policy

Kapwa BulSUans, alam nating hindi madali ang bawat pagpasok sa Pamantasan. May mga araw na sumusugod tayo sa baha o init para lang makapasok at may mga panahong mabigat ang loob pero walang malapitan. Panahon na upang magkaroon ng polisiyang tunay na may direktang aksiyon para sa atin.

Kaya inihahain ng BulSU Office of the Student Regent, katuwang ang Student Government, ang dalawang panukalang polisiya sa ilalim ng BulSU Student Consultation: ang “Safe to Learn” All-Hazards Policy Guidelines at ang “Care Within Reach” Mental Health Policy.

Layunin ng “Safe to Learn,” na hindi na natin kailangang manghula at makaramdam kung may pasok tuwing may kalamidad. Magkakaroon ng iisang balangkas at malinaw na batayan para sa suspensyon ng klase, kasama ang napapanahon at maaasahang anunsyo. Papayagan ang mas komportableng kasuotan tuwing matinding init at kalamidad. Titiyakin din ang patas na konsiderasyong akademiko at may flexible learning kapag naaabala ang klase.

Gayundin, nais ng “Care Within Reach,” na mas maging aksesible ang mental health services sa loob ng pamantasan. Magkakaroon ng dagdag plantilla position para sa ating mental health workers, revision ng 3-day Health Break na magiging 1-week Wellness Break, at bubuo ng University Mental Health Council na mangangalaga at mangunguna sa mga serbisyong ito. Gayundin, sasaklawin na ng Student Insurance ang Mental Health Consultation at mga iniresetang gamot pang-psychiatric. Magkakaroon din ng College and Campus Wellness Based Center kung saan may mas agarang suporta.

Bubuo tayo ng tulay tungo sa isang Unibersidad na tunay na tumutugon sa esensyal na pangangailangan ng mga BulSUan. Magkakaroon ng malinaw na linya upang maging mas ligtas sa kalamidad ang mga BulSUans at panukalang yumayakap sa pangkaisipan ng bawat mag-aaral.

Ngunit hindi ito maisasakatuparan kung wala ang boses mo, BulSUan. Mahalaga ang bawat suhestiyon at rekomendasyon nang sa gayon ay mas maging malakas ang mga polisiya.

Basahin ang buong guidelines at ibahagi ang iyong saloobin. Sama-sama nating hubugin ang Pamantasang tunay na nakikinig at kumakalinga sa bawat BulSUan.

Basahin nang buo ang Proposed "Safe to Learn" Policy: https://bit.ly/3Ufy8x0
Iparinig ang iyong tindig: https://bit.ly/4B1AaRO

Basahin nang buo ang Proposed "Care within Reach" Policy: https://bit.ly/3TREp1O
Iparinig ang iyong tindig: https://bit.ly/4dAqiVj


REQUEST TO SUSPEND CLASSES IN ALL CAMPUSES ON OCTOBER 13 AND 14 DUE TO THE WATER SERVICE INTERRUPTION IN BULACANYesterda...
11/10/2026

REQUEST TO SUSPEND CLASSES IN ALL CAMPUSES ON OCTOBER 13 AND 14 DUE TO THE WATER SERVICE INTERRUPTION IN BULACAN

Yesterday, the Office of the Student Regent officially submitted a letter to the Office of the University President, raising concerns about student welfare amid the expected water service interruption in Bulacan.

The request comes from the fact that schooling will be affected due to the said interruption, thereby making it hard for the stakeholders of the community to promptly attend classes.

Read the full letter: https://bit.ly/4B1PSfW


The World is Brighter with You in Here, BulSUan | October 10, World Mental Health Day This World Mental Health Day, we a...
10/10/2026

The World is Brighter with You in Here, BulSUan | October 10, World Mental Health Day

This World Mental Health Day, we are not celebrating the mere existence of mental health awareness, but every story and every quiet battle that has been fought.

Para sa mga taong nakararamdam ng pagkapagod, kawalan ng katiyakan, at kawalan ng pag-asa, nawa'y malaman ninyo na hindi kayo kailanman nag-iisa. May mga taong handang makinig, umunawa, at samahan kayo sa mga panahong tila napakabigat ng lahat. At kung minsan, kahit isang taong handang manatili sa tabi ninyo ay sapat na upang ipaalala na may karamay kayo sa inyong pinagdaraanan.

The Office of the Student Regent (OSR) hopes you know that you do not have to have everything figured out to deserve to be here. You do not have to be strong all the time, and you do not have to carry every burden on your own.

Your feelings are valid, your struggles matter, and your presence makes a difference in ways you may not even realize.

Ngayon BulSUan, piliin mo naman ang iyong sarili. Because the world is brighter with you in it. Para sa Isang Malay, Malaya, at Mapagpalayang Kaisipan! 🤍💚



PONDO SA EDUKASYON, HINDI SA KORAPSYON! Ang pondo ay dapat nakasentro direkta sa mga estudyante, hindi sa iilan. Idinaos...
10/10/2026

PONDO SA EDUKASYON, HINDI SA KORAPSYON!

Ang pondo ay dapat nakasentro direkta sa mga estudyante, hindi sa iilan.

Idinaos ang ‘NUSP: All Leaders Meeting for Education Budget’ nitong October 9, 2026 na dinaluhan ng iba’t ibang lider ng mga State Universities (SUCs) at ni Kabataan Partylist Representative Atty. Renee Co. sa pangunguna ng National Union of Students of the Philippines (NUSP).

Naging sentro sa talakayan ang proposed budget ng Department of Budget and Management (DBM) para sa taong 2027 sa mga SUCs.

Makikita sa datos na maraming SUCs ang nakaranas ng budget cut para sa taong 2027, kasama rito ang Bulacan State University na natapyasan ng mahigit kumulang ₱181.2M o 8.6% na pagbaba mula sa ₱2.110B fiscal year (FY) 2026 na kasalukuyang budget tungo sa ₱1.929B na proposed budget ng DBM para sa taong 2027.

Makikita na patuloy na ginigipit ang mga Iskolar ng bayan sa gitna ng paghihikahos nito sa gastusin sa pag-aaral.

Kaya patuloy tayong mananawagan na taasan pa ang budget sa edukasyon at huwag hayaang mapunta ito sa korapsyon.


[PARTNERSHIP]𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐊𝐚𝐲 𝐁𝐮𝐥𝐢𝐥𝐢𝐭: 𝐃𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 🧺Isang mapagpalang araw sa ating lahat! 🌟Ang 𝗕𝗮𝗿𝗸𝗮𝗱𝗮 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗗𝗿𝗼𝗴𝗮, 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮...
08/10/2026

[PARTNERSHIP]

𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐊𝐚𝐲 𝐁𝐮𝐥𝐢𝐥𝐢𝐭: 𝐃𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 🧺

Isang mapagpalang araw sa ating lahat! 🌟

Ang 𝗕𝗮𝗿𝗸𝗮𝗱𝗮 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗗𝗿𝗼𝗴𝗮, 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗶𝗿 𝗜𝗻𝗶𝘁𝗶𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲, at mga mag-aaral mula 𝗕𝘂𝗹𝗮𝗰𝗮𝗻 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 – 𝗕𝗣𝗔 𝟭𝗕 ay kumakatok po sa inyong mga puso.

Ang 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐊𝐚𝐲 𝐁𝐮𝐥𝐢𝐥𝐢𝐭 ay isang inisyatibo na sinimulan ng Barkada Kontra Droga, katuwang ang Kabataan Boluntir Initiative sa 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗮𝘁𝗺𝗼𝗻 na naglalayong gabayan ang mga bata sa kanilang paglaki. Tuwing 𝗦𝗮𝗯𝗮𝗱𝗼, nagkakaroon kami ng sayawan, kantahan, at nagtuturo kung paano maging mabuting kaibigan, mga life lessons, at mga Bible stories. 📚

Gayunpaman, dulot ng tuloy-tuloy at malakas na 𝘱𝘢𝘨-𝘶𝘭𝘢𝘯, lumubog sa hanggang baywang na baha ang ating komunidad na pinagtuturuan. 𝗟𝘂𝗯𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗮𝗽𝗲𝗸𝘁𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗺𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼 ang mga bata at pamilyang naninirahan sa nasabing lugar, na kasalukuyang nangangailangan ng 𝐚𝐠𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 at 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚.

Kaya naman, ninanais namin na magkaroon ng isyang 𝗲𝘀𝗽𝗲𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗴𝗵𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝘂𝗹𝗶𝗹𝗶𝘁 ngayong paparating na 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟔. 🗓️ Hindi lamang ito simpleng pag-abot ng tulong; layunin din nating magdala ng 𝗻𝗴𝗶𝘁𝗶 sa pamamagitan ng mga 𝗹𝗮𝗿𝘂𝗮𝗻 at 𝗺𝗮𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝗮 para sa mga bata pati na rin ang paghahanda ng 𝐡𝐨𝐭 𝐦𝐞𝐚𝐥𝐬, 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐦𝐢𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐥𝐢𝐞𝐟 𝐠𝐨𝐨𝐝𝐬, 𝐚𝐭 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧. 🧑‍🧑‍🧒

Kaya buong puso naming hinihiling ang inyong 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴. Kahit maliit na halaga, sapat na ito upang maghatid ng 𝗻𝗴𝗶𝘁𝗶 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝘂𝗹𝗶𝗹𝗶𝘁 𝗮𝘁 𝘁𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻. ❤️

Maraming salamat sa mga buhay at puso niyo, nawa’y patuloy pa kayong pagpalain pa. 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐢𝐢𝐰𝐚𝐧. 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐊𝐚𝐲 𝐁𝐮𝐥𝐢𝐥𝐢𝐭. 💫

Kung may mga katanungan at gusto magbahagi ng mga 𝗱𝗼𝗻𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻, narito ang mga taong maaaring lapitan:

𝐀𝐥𝐚𝐢𝐧𝐧𝐚 𝐁𝐨𝐜𝐚𝐫
BKD President
0968 751 6114

𝐋𝐨𝐮𝐢𝐬𝐞 𝐋𝐨𝐥𝐚 𝐃𝐞 𝐉𝐞𝐬𝐮𝐬
BKD External Vice President
0961 358 4731

𝐋𝐨𝐯𝐞𝐥𝐲 𝐁𝐨𝐧𝐝𝐨𝐜
KBI Provincial, Comm Head for Documentation
09289753523

𝐊𝐫𝐢𝐳𝐞𝐥𝐥𝐞 𝐀. 𝐒𝐚𝐧 𝐏𝐞𝐝𝐫𝐨
BulSU BPA 1B Volunteer
09491812889

𝐒𝐡𝐚𝐫𝐥𝐞𝐚𝐧 𝐆𝐚𝐛𝐢𝐚𝐧𝐞
BulSU BPA 1B Volunteer
09658036305

CALL FOR FIRST-YEAR SCHOLARSHIP APPLICANTSPatuloy ang paghahanap ng mga oportunidad para sa mga bagong BulSUan na nangan...
08/10/2026

CALL FOR FIRST-YEAR SCHOLARSHIP APPLICANTS

Patuloy ang paghahanap ng mga oportunidad para sa mga bagong BulSUan na nangangailangan ng tulong pinansyal upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa pamamagitan ng scholarship assistance, hangad nating mabuksan ang mas maraming pagkakataon para sa mga estudyanteng nangangarap at nagsisikap makapagtapos.

Para ito sa mga first-year students na hindi nakapag-apply sa mga naunang scholarship opportunities dahil sa dami ng mga gawain at kailangang asikasuhin sa pagsisimula ng kanilang buhay-kolehiyo. Patuloy tayong naghahanap ng iba pang pagkakataon upang mabigyan sila ng pagkakataong makapag-apply at makatanggap ng tulong pinansyal.

Kung may kakilala, organisasyon, institusyon, o scholarship leads na maaaring makatulong sa pagpapalawak ng mga oportunidad para sa ating mga kapwa BulSUan, malugod naming tinatanggap ang inyong mga mungkahi at rekomendasyon.

Mga Kinakailangang Dokumento:

1. Barangay Certificate of Indigency
2. Certificate of Registration (COR) for 1st Semester, A.Y. 2026–2027
3. Report Card for A.Y. 2025–2026 na may General Weighted Average (GWA) na 91% pataas
4. Dalawang (2) photocopies ng National ID o School ID (front and back), na may sulat-kamay na buong pangalan at lagda, kumpletong address, at contact number

Sama-sama nating palawakin ang mga oportunidad para sa bawat BulSUan. Dahil ang bawat pagkakataon ay maaaring maging hakbang tungo sa katuparan ng kanilang mga pangarap.

Paalala na limitado lamang ang slots nito. Ang mga slots ay nakalaan lamang sa mga wala pang scholarship assistance. Kung interesado, ihanda ang kumpleto at hinihinging dokumento, at i-chat lamang ang BulSU Office of the Student Regent page para mag-apply.


CALL FOR 1ST YEAR SCHOLARSHIP APPLICANTS Sa patuloy nating pagsusumikap na mabigyan ng bawat oportunidad ang bawat BulSU...
02/10/2026

CALL FOR 1ST YEAR SCHOLARSHIP APPLICANTS

Sa patuloy nating pagsusumikap na mabigyan ng bawat oportunidad ang bawat BulSUan, patuloy din nating hinahanap ang mga paraan upang mas mapalawak pa ang mga pagkakataong maaaring makatulong sa ating mga estudyante.

Kung mayroon pa kayong mga kakilala, organisasyon, institusyon, o leads na maaaring makatulong upang makapaghatid pa tayo ng mas maraming scholarship opportunities sa ating mga kapwa BulSUan, huwag mag-atubiling ipaalam sa amin.

Para sa BulSUan, laging may paraan. Para sa bawat oportunidad, sama-sama nating hanapin.

Requirements:
1. Barangay Certificate of Indigency
2. Certificate of Registration (COR), 1st Semester A.Y. 2026-2027
3. Report Card A.Y. 2025-2026 with GWA of 91% and above
4. Photocopy of National ID or School ID (2 copies, front and back, with handwritten complete name and signature, complete address, and contact number)

Mga Kwalipikasyon ng Aplikante

1. Ang aplikante ay dapat na lehitimong residente ng lalawigan ng Bulacan anumang kasarian, edad, estado, lahi, kultura at relihiyon;
2. Ang aplikante ay kinakailangang mag-aaral sa mga otorisadong institusyon, paaralan, kolehiyo o unibersidad sa loob man o labas ng lalawigan;
3. Ang aplikante ay dapat walang BAGSAK NA MARKA sa alinmang asignatura sa loob ng kanyang pag-aaral. Kasama na din dito ang hindi pagkakaroon ng INCOMPLETE GRADES o UNOFFICIALLY DROPPED na magiging batayan din upang awtomatikong matanggal sa opisyal na talaan; (GRADE 12 CARD)
4. Ang aplikante ay kinakailangang na may General Weighted Average (GWA) na 91% pataas. Gayundin, kinakailangang panatilihin ang GWA o gradong 1.5 o pataas (base sa sistema ng pagmamar­ka ng paaralan). Sa pagkakataon na ito ay bumaba sa 1.5, ito ay nangangahulugan ng awtomatikong pagkakatanggal sa opisyal na talaan;
5. Ang aplikante ay kinakailangang incoming freshmen o incoming 1st year college (or currently enrolled as first year)

Mga Paalala sa Pagsusumite

✓ Mangyaring siguraduhin na TAMA, KUMPLETO, CLEAR AT READABLE ang lahat ng dokumento na ipapasa. Sa pagkakataon na ito ay mali o kulang, ito po ay hindi tatanggapin.
✓ Walang kasalukuyang scholarship.

Paalala na limitado lamang ang slots nito. Kung interesado, ihanda ang kumpleto at hinihinging dokumento, at i-chat lamang ang BulSU Office of the Student Regent page para mag-apply.


01/10/2026

SAMPUNG TAON NANG LUMALAKAD, PATULOY NA NANININDIGAN!

Sampung taon na, ngunit kailanman hindi kukupas ang panawagan.

Muling pinuno ng kulay ang BulSU grounds habang sama-samang lumakad ang mga Bulsuan para igiit ang isang pamantasang may espasyo para sa lahat.

Hindi lang basta paglalakad ang Rainbow Walk sa bawat kalsada ng pamantasan. Sa bawat pagtapak at paghakbang ay nagpapaalala sa atin na may mga karapatan at pagkilalang hindi dapat nagiging isang pribilehiyo, ito ay karapatan na dapat natatamasa ng bawat isa.

Sampung taon na ang Rainbow Walk, pero hindi rito nagtatapos ang laban. Kung tunay na para sa lahat ang BulSU, dapat makita at maramdaman ang inclusivity hindi lang sa isang araw ng pagdiriwang, kundi sa mismong sistema at araw-araw na buhay ng bawat Bulsuan.

Habang patuloy na sinisiil ang karapatan ng mga BulSUans patungkol sa kanilang ekspresyon pagdating sa kanilang kasarian, hanggat hindi naipapasa ang TGNC guidelines, ang paggamit ng Lived Names, at hindi mabasura ang CPTED guidelines, hindi tayo titigil na ipanawagan ang isang makulay at inklusibong pamantasan.

Patuloy tayong lumakad at manindigan. Dahil ang isang inklusibong pamantasan ay hindi lamang ipinapangako, pinatutunayan ito sa gawa.

Dahil mas lovely kapag may equality!


Address

Malolos
3000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BULSU Office of the Student Regent posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to BULSU Office of the Student Regent:

Shortcuts

Share