22/05/2026
โ๐๐๐ ๐ข๐ค๐จ๐ฉ ๐๐๐๐ช๐ฉ๐๐๐ช๐ก ๐๐๐๐๐๐ซ๐๐ข๐๐ฃ๐ฉ๐จ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐ฃ๐๐จ ๐๐ช๐๐ก๐ฉ ๐ฆ๐ช๐๐๐ฉ๐ก๐ฎ ๐ฉ๐๐ง๐ค๐ช๐๐ ๐จ๐๐๐ง๐๐๐๐๐, ๐ฅ๐๐ฉ๐๐๐ฃ๐๐, ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ง๐จ๐๐ซ๐๐ง๐๐ฃ๐๐.โ
There are no enough words to describe how proud we are of all of you today. Seeing your names finally attached to this achievement feels emotional in the most beautiful way.
Behind every smile in your graduation photos are years of sacrifices, sleepless nights, silent battles, pressure, and hard work that not everyone gets to see. And today, all of it finally paid off.
You all made it.
As your family in dance, our hearts are full knowing that the people we looked up to, laughed with, performed with, and shared countless memories with are now stepping into a new chapter of their lives.
Ate Chynna Marie Faustino,
Ate Genesis Dela Tonga,
Ate Abigail Gutierrez,
Kuya Angelo Cruzado Liwanag and
Ate Jane Frecious Aseldo Berceles
We may not always say it, but all of you became a part of us in ways words cannot fully explain. And no matter where life leads you after this, your names and presence will always remain special to this family.
Congratulations on your graduation. We are beyond proud of you, and we will always be rooting for every dream you continue to chase. PADAYONโ๏ธ
13/05/2026
๐ป๐ฏ๐ฌ ๐น๐ฏ๐๐ป๐ฏ๐ด ๐ณ๐ฐ๐ฝ๐ฌ๐บ ๐ถ๐ต - ๐จ๐ต๐ซ ๐ฐ๐ป ๐บ๐ป๐จ๐น๐ป๐บ ๐พ๐ฐ๐ป๐ฏ ๐๐ถ๐ผ!
The BPC KISLAP FOLKLORIC DANCE TROUPE is now welcoming aspiring folk dancers who are passionate about celebrating and preserving the beauty of Filipino culture and traditions through dance.
Be part of a journey where every step honors our heritage, every movement tells a story, and every performance keeps our traditions alive for future generations. Your path to the stage begins here!
OPEN FOR ALL BPCians!
Join us every Thursday and Friday starting May 14, 2026, from 1:00 PM to 5:00 PM at the BPC Malolos Covered Court.
IMPORTANT REMINDERSโผ๏ธ
โข Open to all BPC students who are interested and willing to learn folk dancing.
โข Wear comfortable clothing suitable for dance practices
(white t-shirts and black pants).
โข Bring Tumbler, Extra Towel or Bimpo, and Money for Your Needs.
โข Bring your dedication, discipline, and passion for learning cultural dances.
โข Most importantly, come with the heart to perform, the willingness to learn, and the pride to showcase Filipino culture through folk dance.
๐ฉKindly Message Our KFDT President Anjanette Torres, or Our Official FB PAGE if you are interested in joining.
29/04/2026
Happy International Dance Day!
Sa araw na ito, ating ipinagdiriwang ang kahalagahan ng sayaw bilang bahagi ng ating kultura at pagpapahayag ng damdamin. Mula sa tradisyonal hanggang sa mga makabagong galaw, bawat indak ay sumasalamin sa ating pagkakakilanlan.
Nawaโy patuloy nating pahalagahan at tangkilikin ang sining ng sayawโhindi man perpekto, basta may puso at layunin.
Isang pagbati sa lahat ng mananayaw mula sa BPC KISLAP๐
11/04/2026
Abril 13, 2026
Maligayang kaarawan, Gie Jay Talucod! ๐
Nawaโy maging masaya at makulay ang araw mo, kasama ang mga taong mahalaga sa iyo. Hiling namin na patuloy kang pagpalain ng magandang kalusugan, kapayapaan ng isip, at tagumpay sa lahat ng iyong gagawin.
Maraming salamat sa pagiging mabuting kaibigan at sa saya na naibabahagi mo sa ating samahan. Nawaโy mas marami ka pang maabot na pangarap at manatili kang inspirasyon sa lahat.๐
โ BPC KISLAP
06/04/2026
Abril 7, 2026
Maligayang kaarawan, April Bongga! ๐
Nawaโy mapuno ng saya at pagmamahal ang iyong espesyal na araw. Hangad namin ang mabuting kalusugan, kapayapaan ng isip, at patuloy na tagumpay sa iyong mga pangarap.
Salamat sa iyong kabutihan at maayos na pakikitungo sa ating mas lumalagong pamilya. Nawaโy manatili kang inspirasyon sa iba at patuloy na pagpalain sa lahat ng iyong ginagawa.
Hiling namin na maging makabuluhan at masaya ang iyong pagdiriwang.โจ
โ BPC KISLAP
03/03/2026
Ngayong National Womenโs Month, ipinagdiriwang natin ang di-matatawarang lakas, tapang, at mahalagang ambag ng kababaihan sa ating lipunan. Sa bawat buwan ng Marso, binibigyang-pugay natin ang kanilang papel sa paghubog ng tahanan, komunidad, at bansaโbilang mapag-arugang ina, maaasahang lider, masikhay na manggagawa, at huwarang estudyante. ๐
Bilang kabataan, tungkulin nating panindigan ang paggalang, pagkakapantay-pantay, at buong pusong suporta sa ating mga kaklaseng babae, g**o, ina, at sa lahat ng kababaihang nagbibigay-kulay sa ating buhay. Iwaksi ang diskriminasyon. Hamunin ang mga stereotype. Maging tinig para sa tama at makatarungan. ๐ง๐ปโโ๏ธ๐ธ
Hindi lamang ngayon, kundi sa bawat araw, ipakita natin na ang tunay na empowerment ay nakaugat sa respeto, pagkilala, at pagkakaisa. ๐ซ
Sa lahat ng kababaihan, saludo kami sa inyong katatagan at dedikasyon. Patuloy kayong magsilbing liwanag at inspirasyon sa bawat kabataang nangangarap. ๐โจ
ABANTE, BABAE!
26/02/2026
Halinaโt saksihan bukas, Pebrero 27, 2026
ang aming inihandog na pagtatanghalโisang layunin kung saan nagsasama ang makabagong himig at sigla ng kanayunan. ๐พ
Sa bawat indak, kumpas, at galaw ng aming mga mananayaw, mararamdaman ninyo ang saya, pagkakaisa, at diwa ng pamayanang patuloy na yumayabong.
Ang pagtatanghal na ito ay hindi lamang sayawโito ay kwento, tradisyon, at kasiyahang inihahandog namin mula sa aming mga puso para sa bawat isa. โจ
26/02/2026
Pebrero 26, 2026
Maligayang Kaarawan, Alfredo Racha! ๐ฟ
Nawaโy ang bagong taon ng iyong buhay ay mapuno ng biyaya, tagumpay, at mga oportunidad na magdadala sa iyo sa mas mataas na antas ng iyong mga mithiin.
Hangad namin ang iyong patuloy na paglago at tagumpay sa lahat ng iyong ginagawa.
Maraming salamat sa iyong sipag at positibong ambag. Nawaโy maging masaya at makabuluhan ang iyong espesyal na araw.
- BPC KISLAP
26/02/2026
Pebrero 26, 2026
Maligayang Kaarawan, Genesis Dela Tongaโจ
Nawaโy ang araw na ito ay maging paalala ng mga biyayang iyong natanggap at ng mas marami pang tagumpay na darating sa iyong buhay.
Hangad namin ang iyong mabuting kalusugan, kapayapaan ng isip, at patuloy na pag-abot sa iyong mga pangarap.
Salamat sa iyong dedikasyon at mabuting pakikitungo sa lahat. Nawaโy maging makabuluhan at masaya ang iyong pagdiriwang.
-BPC KISLAP
16/02/2026
Bawat indak ay may kwento,
Sa bawat himig ay pangarap na totoo.
Sa bawat galaw ay diwaโy buo,
Nagkakaisang tinig para sa layuning wasto.๐
KISLAP NG KULTURA: Konsyerto para sa Adhikainโ
Hindi lang basta palabas, kundi ito ay paninindigan;
Hindi lang sayaw, kundi ito'y alay ng damdamin;
Hindi lang tugtugan, kundi tawag ng layunin.
Ang mga makukulay na kasuotan, at kulturang buhay. Mga kabataang may sigla at may pag-asang taglay.๐ฑ
Sama-samang saksihan ang tagumpay ng isang pangarap na minsang nasimulan.
Bawat indayog ay hakbang tungo sa taglay na saysay.
Kaya halinaโt maki-isa sa himig at galaw, adhikaโy ating isabuhay.
Dito sa entablado, mga pangarap ay muling kikislap.โจ
๐
Petsa: Biyernes, Pebrero 27, 2026
๐ Lugar: BPC MALOLOS MAIN CAMPUS
Para sa iba pang mga katanungan, maaari kayong makipag-ugnayan kina:
โจ| Anjanette Torres
โจ| Gie Jay Talucod