07/05/2022
Magandang araw, Lookeños!
Sama-sama nating pakinggan mamaya sa ganap na ika-2:00 ng hapon si Bb. Vince Caparas, ating SK Kagawad at siya ring tagapangulo ng CMSA - City of Malolos Scholars' Association sa pagbibigay nito ng kaalaman patungkol sa Contemporary Politics para sa mga mag-aaral ng Immaculate Conception School of Malolos (ICSM)! 💙
Mapagpalang araw, mga ka-AHA! 💙💛🤍
Ngayong pagsapit ng ika-7 ng Mayo 2022, nais muli namin kayong tanungin: 📌 AHA-nda na ba kayo?
Sa pamumuno nina Lemuel Francis S. Cortez at Charmagne Alexa C. Mendoza ay magaganap ang isang makabuluhang podcast na pinamagatang ‘HumanisTALKS: Empowering YOUth to Speak’. Upang mas mapalawig ang mga temang tatalakayin sa programang ito ay aming inanyayahan si SK
Vince Caparas ng Barangay Look 1st, isang hasa na kabataang lider-estudyante mula sa BS Legal Management ng Bulacan State University.
Bilang karagdagang paalala, ang resulta ng PULSO NG AYKON 2022 ay ihahayag sa mismong programa. Kaya naman dumalo, makinig, at matuto sa iba’t ibang napapanahon na isyu, problema at/o usaping panlipunang pag-uusapan ng ating mga tagapagsalita! 📣
MEET LINK: 🔗bit.ly/3MYxbA4
Para naman sa inyong mga katanungang nais ninyong masagot mamaya, mangyari lamang isumite ang mga ito sa link na ito: 🔗 https://forms.office.com/r/a4U33wkmTH
Muli, kami ang Alyansa ng Humanistang Aykon at hinihimok namin kayong dumalo sa programa ng alyansang magbibigay liwanag sa pag-asang hinahangad ng masa. Kita-kits sa Microsoft Teams mamayang 2 nang hapon! 🫶
Caption: Louise Caballero
Layout: Pauline Velasco