02/05/2024
✊🏻
'Wag sana mawala ang alab ng kagustuhang makamit ang mga inaasam.
Nawa'y patuloy ang pagliyab ng damdamin dahil isa 'to sa daan upang matapos ang mga bagay na nasimulan.
Ang liwanag ng nag-aalab na damdamin ang nagbibigay lakas at pag-asa sa'tin para hindi panghinaan sa kahit ano mang laban.
- Kristine Marie
17/06/2023
CONGRATULATIONS, BPA 4B CLASS OF 2023!
Mula sa aming mga officers, sa huling pagkakataon, PAGBATI 4B! You did it. It was hard, it was tiring, draining BUT HEY WE MADE IT. We are here now - despite of all our struggles, doubts, breakdowns, and tears.
We thought we couldnt, we thought it was impossible YET we hold on, we kept going, we believed -- in ourselves and in our dreams.
We have prayed, waited, and hoped for this day to come. NOW, IT DID. Congratulations on making your dreams come true. Cheers to never giving up.
Always remember, there was once a younger version of you that didnt think you'd make it here today but they're looking at you now - very proud and very thankful.
Mga susunod na lingkod bayan mata sa langit, paa sa lupa.
Lagi't lagi para sa pamilya, para sa sarili, at higit sa lahat para sa bayan!!
PADAYON BPA 4B!
Bachelor of Public Administration
CLASS OF 2023
02/06/2023
GOLD GEAR AWARDS FOR THE LAST TIME! 🥳
Naniwala. Nagtiwala. Nagtagumpay.
Yakap, apir at isang tapik sa likod 4B, hindi naging madali pero kinaya at mas pinagbuti pa. Bawat pagod at pagsubok, ngayon ay nagbunga na.
It’s been a really tough year for everyone, but despite that, these students have reached a milestone that deserves our utmost admiration and applause because of their excellent academic performances. It is indeed true that with your hard work and perseverance, you will achieve your goal.
Well done! Your dedication, passion, and hard work finally paid off. Truly, nothing is impossible when you love and care for what you do. Success is served to those who deserves it. This isnt the last, let it be the first of many!
PADAYON 4B!
20/05/2023
Sheeeesh sheeeesh we’re getting there!! Let’s go 4b!! 🥳🎓
Congratulations, batch 2023! 🎓
18/05/2023
✊🏻
Patapos na ang laban ko sa loob ng paaralan.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman.
Saya, excited, pressure, at lungkot.
Masaya kasi matatapos na ang mahabang taong pakikipagsapalaran.
Excitement kasi papunta na sa panibagong yugto ng buhay.
Pressure dahil hindi sigurado kung anong klaseng bukas ang naghihintay.
Magagawa ko na kaya lahat ng gusto kong gawin? matutupad na nga kaya mga pangarap na matagal nang inaasam? O mabibigat na responsibilidad lang ang sasalubong?
Malungkot kasi kailangan nang magpaalam sa mga nakasanayan. Mababawasan na ang tyansang makasama ang mga kaklase at mga kaibigan. Magkakaroon na ng kaniya-kaniyang pagkakaabalahan. Abala na sa pagtahak sa napiling landas.
Ano man ang mangyari, kailangan lang magtiwala sa proseso kahit walang kasiguraduhan kung anong sasalubong sa dulo. Hindi lahat ng laban kayang ipanalo. Pero hangga't hindi ka sumusuko, hindi ka pa talo.
~ Kristine Marie
18/05/2023
pa-react po sa mismong pic