23/07/2026
July 23, 2026 | Deployment of Schools Division Resources ng SDO Davao Occidental sa Jose Abad Santos II District.
Matagumpay na naisakatuparan ng Schools Division Office (SDO) ng Davao Occidental ang Deployment of Schools Division Resources sa Jose Abad Santos II District bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga g**o, non-teaching personnel, at mga mag-aaral na naapektuhan ng kamakailang lindol at flash flood.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng Team SDO Davao Occidental, naihatid ang iba't ibang interbensyon, relief assistance, suporta, at pag-asa sa komunidad ng edukasyon na labis na naapektuhan ng mga naturang kalamidad.
Taos-pusong nagpapasalamat ang SDO Davao Occidental sa DSWD Region XI at PSWDO, Lokal na Pamahalaan ng Jose Abad Santos, at sa lahat ng partner agencies, stakeholders, at mga indibidwal na nagpaabot ng tulong at malasakit para sa mga g**o, non-teaching personnel, at mga mag-aaral ng Jose Abad Santos II District.
Sa aming mga g**o, non-teaching personnel, at mga mag-aaral, hindi kayo nag-iisa. Kasama ninyo ang SDO Davao Occidental sa inyong pagbangon mula sa epekto ng lindol at flash flood. Sa diwa ng pagkakaisa, bayanihan, at malasakit, sama-sama nating muling itatayo ang mas ligtas, mas matatag, at mas handang komunidad ng edukasyon.