10/08/2026
[๐ณ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐]
MALITA, DAVAO OCCIDENTAL | Agosto 10, 2026 โ Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, binigyang-diin ni Dr. Lynette A. Bontia, Pangulo ng SPAMAST, ang mahalagang papel ng wika sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya.
Sa kanyang mensahe sa Buwan ng Wikang Pambansa Convocation na ginanap sa Founderโs Hall, SPAMAST, sinabi niya:
โAng teknolohiya ay mananatiling kasangkapan lamang, ngunit ang wika ang magbibigay ng kaluluwa at konteksto sa bawat impormasyong ating matututunan.โ
Binigyang-diin ni Dr. Bontia na bagamaโt malaking tulong ang teknolohiya sa pagkatuto at pag-access ng impormasyon, nananatiling mahalaga ang wika upang maging makabuluhan, kontekstuwal, at makatao ang ating kaalaman.
Ang mensaheng ito ay umaayon sa SDG 4 โ Quality Education, SDG 9 โ Industry, Innovation and Infrastructure, SDG 10 โ Reduced Inequalities, at SDG 16 โ Peace, Justice and Strong Institutions, na nagsusulong ng dekalidad at inklusibong edukasyon, responsableng paggamit ng teknolohiya, pantay na access sa impormasyon, at makabuluhang komunikasyon para sa isang mapayapa at inklusibong lipunan.
Sa patuloy na pagyakap ng SPAMAST sa inobasyon, mananatiling mahalaga ang wika bilang tulay ng kaalaman, kultura, at pagkakakilanlan.
SPAMAST-Institute of Arts and Sciences
SPAMAST-Institute of Teacher Education
SPAMAST-Institute of Fisheries and Marine Sciences
SPAMAST-Institute of Business Management and Governance
Spamast Institute of Agricultural Sciences and Development Communication
Institute of Computing, Engineering and Technology-ICET
SPAMAST-Institute of Human Service
SPAMAST- Institute of Professional and Graduate Studies