01/04/2026
Tagumpay,Galing Tampok sa Panapos-Taong Panuruan sa TFS of Malandeg ES”
MALANDEG — Nagningning ang mga mag-aaral ng TFS ng Malandeg Elementary School sa kanilang End-of-School-Year Rites, isang pagtitipon na nagdiwang ng kanilang pagsusumikap, tagumpay, at mga natamong karangalan ngayong taon.
Sa makulay na seremonya na ginanap sa school groubd nitong Lunes. pinarangalan ang mga top performers, graduates, at mga mag-aaral na nagpakita ng kahusayan sa akademiko at ekstra-kurikular na gawain. Tampok din ang mga presentasyon ng mga sayaw at kantang ipinakita ng mga mag-aaral bilang bahagi ng kanilang pagtatapos.
Ayon kay Punong-guro Shiryl Ann T. Acupan, ang pagtitipon ay hindi lamang para ipagdiwang ang pagtatapos ng isang taon, kundi bilang inspirasyon para sa mga mag-aaral na patuloy na magpursige at abutin ang kanilang mga pangarap.
Sa kabuohan, ang programa ay naging matagumpay at masaya at naging simbolo ng inspirasyon at pag-asa, patunay na ang bawat pagtatapos ang simula ng bagong yugto patungo sa pag abot ng pangarap.