07/06/2026
BRIGADA ESKWELA! TAONG PANURUAN 2026-2027
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras, lakas, at suporta para sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela.
Lubos naming kinikilala ang mahalagang ambag ng ating mga Barangay Tanod, BHW, mga Magulang, 4P's Beneficiaries, SELG Officers, at mga Guardians na buong pusong tumulong sa paglilinis, pagsasaayos, at paghahanda ng ating paaralan para sa panibagong taon ng pag-aaral.
Ang inyong pagtutulungan ay patunay na ang edukasyon ay responsibilidad ng buong komunidad. Sa inyong malasakit at pagkakaisa, masisiguro natin ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa. Sama-sama para sa mas magandang kinabukasan ng kabataan!