25/02/2025
NAVITAS ES SUPREME ELEMENTARY LEARNER GOVERNMENT
Bukas ay malalaman na kung sino ang mga tatanghaling SELG (Supreme Elementary Learner Government) Officers para sa SY 2025-2026. Ang mga opisyal na ito ay magsisilbing lider ng organisasyon at magiging katuwang sa pagpapalaganap ng mga programa at proyekto sa buong taon. Ang kanilang mga responsibilidad ay magbibigay daan para sa mas maayos na pamamahala at pag-unlad ng mga gawain para sa mga kapwa mag-aaral.