12/09/2026
🇵🇭 BUWAN NG WIKA 2026 🇵🇭
Isang masaya, makulay, at makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa St. John's School! ❤️
Mula Preschool hanggang Grade 6, sama-sama nating ipinakita ang pagmamahal sa ating wika, kultura, at pagka-Pilipino sa pamamagitan ng Kasuotang Pinoy, Larong Pinoy, Tagisan ng Talino, Poster Making, at Salu-salo ng Kakaning Pinoy. 🇵🇭✨
Taos-puso ang aming pasasalamat sa mga magulang sa kanilang panahon, effort, at suporta sa paghahanda at pagbili ng mga kasuotan at gamit ng kanilang mga anak. ❤️
Maraming salamat din sa aming mga g**o na nagsikap na gawing masaya, makabuluhan, at holistic ang bawat gawain. At higit sa lahat, salamat sa aming mga mag-aaral sa kanilang masigla at buong-pusong pakikilahok! 🥰👏
Sa bawat ngiti, laro, talento, at pagsasama-sama, tunay nating ipinagdiriwang ang yaman ng ating wika at kulturang Pilipino.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang kulturang Pilipino! 🇵🇭❤️