29/10/2022
Ikaw ba ay tunay na Anak ng Diyos? Basahin Mo at Ibahagi Mo ito sa Lahat
Maraming nagsasabi na sila daw ay tunay na Anak ng Diyos, sila daw ay tunay na nakikilala daw nila ang Diyos, sila daw ay tunay na sumusunod kay Cristo Jesus, sila daw ay mga kristyano, sila daw ay tunay na relihiyon,at sila daw ay tunay na nagmamahal sa Diyos.Ang mga ito ay di natin sinasabi na mali ngunit ang tanong ay "Sino nga ba ang tunay na Anak ng Diyos?At sino ba talaga ang tunay na nakakakilala kay Cristo Jesus na nag-iisang Diyos? Ayon sa Biblia sa Aklat ng 1 Juan 2:3-6 na "Nakakatiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos.Ang nagsasabing nakikilala ko siya, ngunit sumusuway naman sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan.Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig sa kanya ng wagas. Ganito natin nalalamang tayo'y nasa kanya.Ang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat na mamuhay tulad ng pagkapamuhay ni Cristo Jesu." Kaya naman lilinawin natin sa lahat ng nagsasabi na sila ay Anak ng Diyos ngunit sumusuway naman sa Aral ni Cristo Jesus at sumusuway naman sa mga Salita ng Diyos ay sinungaling.Opo sapagkat maraming tao ngayon na sinasabi nila na sila ay mga naniniwala sa Diyos ngunit makikita mo sa kanilang buhay ang mga karumihan, mga paglalasing, mga kahalayan, pagiging sakim at makasarili, mga walang respeto sa mga magulang at kapwa, mga magnanakaw, mga mamatay tao, mga mapanira, mga naglilingkod sa ibang dios na di naman talaga tunay na Diyos, mga impokrita, mga pakitang tao ang pagtulong at pagbibigay, mga tamad, mga manghimasok ng buhay ng may buhay, mga magagalitin, mga di nagpapatawad, mga pabayang, mga magulang at lider, mga iresponsableng kristyanong naturingan, mga palamura, mga masuwayin sa batas ng Pamahalaan, mga tuso at mandaraya, mga mapang-ibabaw, mga mayayabang, mga mapagpanggap, mga ginagamit ang Salita ng Diyos para magpayaman at para buhayin ang sariling pamilya, mga bayaring pastol o pabayang pastol at kristyano, mga dalawa ang asawa, mga pumapatol sa kapwa lalaki o kapwa babae, mga mapanghusga at mapangmata, mga gumagawa ng illegal na gawain, mga mapangwasak ng pamilya, mga mahilig sa bisyo, at marami pang iba. Ang mga ito ay di papasukin sa kaharain ng Diyos o di makakarating sa Langit sapagkat ang Diyos ay Banal.Kaya naman tayong lahat ay kailangan na magbago ng diwa at isip na kung saan mismo ang mga makalangit na gawain na ang ating mga ginagawa.Sapagkat ang nagsasabing siya ay nasa liwanag ngunit namumuhay naman sa kasalanan at nagpapatuloy sa kadiliman ay kampon ng diablo.Hindi natin madadaya ang Diyos sapagkat hindi lahat ng tumatawag ng Panginoon, panginoon ay papasok sa kaharian ng Langit kundi yaon lamang na sumusunod sa kalooban ng Diyos.Lahat tayo ay hahatulatan ng Diyos sa ating mga sinabi at mga ginawa.Kaya batid niya ang ating mga buhay at gawa. Tayong lahat ay humiling na sa Diyos ng bagong puso, bagong isip, bagong buhay, at bagong diwa na kung saan ay si Cristo Jesus lamang ang ating tutularan at susundan.Tanggapin natin na tayong lahat ay nagkamali at humingi tayo ng lakas sa patnubay ng Banal na Espiritu upang makayanan natin na magbago.Sapagkat ang Diyos ay Banal kaya naman tayong lahat ay kailangan na mamuhay ng may kabanalan.Ito na ang panahon para magbago tayo sapagkat ang sumusuway ay di tunay na Anak ng Diyos kundi isang anak ng kadiliman o anak ng diablo.Sapagkat ang nagpapatuloy sa pagkakasala ay anak ng kasinungalingan.At kailanman ay di nakakakilala sa Diyos .1 Juan 3: 6, v. 8.Kaya tayong lahat ay magbago na.Kailan tayo magbabago kung huli na ang lahat?Matakot tayo sa Diyos at sundin natin ang kanyang mga utos o Ang Biblia.
Maraming salamat at God bless you all.