18/09/2026
Isang matagumpay at makabuluhang pagpupulong ng School Parent-Teacher Association (SPTA) at pamamahagi ng Report Card para sa Unang Termino ang isinagawa ngayong araw sa Boracay National High School.
Taos-pusong pasasalamat ang nais ipaabot ng pamunuan ng paaralan para sa lahat ng mga magulang at tagapangalaga na naglaan ng kanilang panahon upang makibahagi sa gawaing ito at alamin ang akademikong pag-unlad at kalagayan ng kanilang mga anak sa paaralan.
Lubos ding kinikilala at pinasasalamatan ang ating masigasig na G**ong Tagapamahala, G. Mc John F. Gelito, para sa kanyang komprehensibo at makabuluhang State of the School Address (SOSA) na naglatag ng kasalukuyang estado, tagumpay, at mga adhikain para sa ating institusyon.
Kasabay nito, taos-pusong pasasalamat din ang ipinapaabot sa mga katuwang natin sa komunidad para sa kanilang patuloy na suporta sa mga programa ng paaralan. Lalong-lalo na kay PLTCOL Orlando Carag Jr., Chief of Police ng Malay MPS, para sa ipinagkaloob na mga bola, na makatutulong nang malaki sa programang pampalakasan at pisikal na aktibidad ng mga mag-aaral. Gayundin, kay G. Grengo Gelito, SB Member ng Bayan ng Malay, para sa kanyang ibinahaging cash donation bilang suporta sa School Medical Services para sa kalusugan at kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Naging mas makulay at makasaysayan din ang araw na ito sa opisyal na paglunsad ng Boracay National High School Rondalla Ensemble, isang patunay ng patuloy na pagyabong ng talento, kultura, at sining sa ating paaralan.
Ang tagumpay ng araw na ito ay patunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga g**o, magulang, pamunuan, at mga pinuno ng komunidad, patuloy nating maihahatid ang de-kalidad na edukasyon at mas maayos na kinabukasan para sa bawat kabataan.
Muli, binabati natin ang lahat ng mga mag-aaral sa kanilang pagsusumikap sa unang termino, gayundin ang mga magulang at g**ong walang sawang sumusuporta at sumusubaybay sa kanilang paglalakbay.
Patuloy tayong magkaisa para sa mas magandang kinabukasan ng ating mga mag-aaral. Mabuhay ang Boracay National High School!
One school, one goal!