14/05/2026
Ngayong araw, buong puso naming ipinagdiriwang at pinapaalam ang isa na namang mahalagang yugto sa aming paaralan.
Maraming salamat kay Ma Corazon Tonel Macahilig , PhD sa pagmamahal, gabay, dedikasyon, at masasayang alaalang iniwan sa aming school family. Mula Kinder hanggang Grade 6 teachers, office staff, SPTA officers, security personnel, at utility staff, tunay na naging makabuluhan ang samahang nabuo sa loob ng tatlong taon.
Kasabay nito, aming ipinapaabot ang taos-pusong pagbati sa kanyang bagong assignment sa Mababang Paaralan ng Aranas, Distrito ng Balete at dalangin namin ang patuloy na tagumpay at kaligayahan sa panibagong paglalakbay.
Malugod din naming tinatanggap ang bagong Teacher-In-Charge ng aming paaralan, si Sir Ezequias C. Bansuli . Nawa’y maging puno ng pagkakaisa, inspirasyon, at pag-unlad ang susunod na kabanata ng aming paaralan.