06/08/2026
Bago pa naimbento ang Facebook, TikTok, at GC, meron na tayong wika.
Ito yung unang "platform" kung saan tayo nagkakalat ng chismis, naglalambingan, nag-aaway, at nagpapacute.
Isipin mo, nung unang panahon, wala pang "seen". Pag sinabi ni Aling Nena na "Nay, naglamin si Pedro" ibig sabihin nun nanghina o pumayat si Pedro. Isang salita lang, buong baranggay na nakakaalam 😂
Ngayon 2026 na. Marunong na tayong mag-English, mag-Korean, mag "slang". Pero pag galit ka, anong unang lalabas sa bibig mo? "Aba!" "Grabe ka!" "Ay nako!"
Kasi nandun pa rin sa dugo natin yung sariling wika.
Ang problema lang, minsan nahihiya tayo. Pag may kausap na foreigner, biglang "Yes po" lahat. Pag nagpe-present sa class, English. Pag nagtetext sa jowa, "I miss you na".
Walang masama dun. Pero sana wag nating kalimutan yung "Namimiss na kita" at "Ingat ka lagi ha".
Ang wika natin ay parang jowa — pag hindi mo inalagaan, iiwan ka.
Kaya ngayong Buwan ng Wika, ligawan ulit natin siya. Magbasa ng libro. Manuod ng pelikulang Filipino. Makipagbardagulan gamit ang bugtong at salawikain.
Tandaan natin “Ang wika ay hindi lang para magkaintindihan. Ito ay para maalala kung sino tayo."
Happy Buwan ng Wika! At oo, pwede pa rin mag-Taglish. Basta may puso 💛
"Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Pilipinas!"
✍️ Caption by: Venedict R. Cabrera | SSLG
V-PRESIDENT
🖼 Pubmat by: Venedict R. Cabrera | SSLG
V-PRESIDENT