20/08/2026
PAGPUPURSIGE SA GITNA NG SUSPENSYON NG KLASE
Sa kabila ng patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat at pagkansela ng face-to-face classes, hindi ito naging hadlang sa patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral ng Cabatling Elementary School. Masigasig na minomonitor ni Dr. Margie S. Lopez, School Head, kasama ang mga g**o, ang pagpapatuloy ng distance learning sa pamamagitan ng iba’t ibang online activities upang matiyak na ang bawat mag-aaral ay patuloy na natututo kahit nasa kanilang tahanan.
Sa anumang pagsubok, ang tunay na mag-aaral ay nagpupursige. Patuloy ang pagkatuto, saan man naroroon at anumang hamon ang kinakaharap. Sama-sama nating panatilihing buhay ang diwa ng edukasyon! Kapit lang, Cabatling learners!