13/08/2026
WALANG PASOK | Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Malabon bukas, Biyernes, Agosto 14, 2026, dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat).
Magpapatuloy ang klase sa mga paaralan sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (online classes).
Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga mahahalagang impormasyon o anunsiyo ukol sa lagay ng panahon. Maging alerto anumang oras at mag-ingat para sa kaligtasan ng lahat.
Kung may emergency, maaaring makipag-ugnayan sa Malabon Command Center sa mga numerong 8-921-6009, 8-921-6029, 0942-372-9891, o 0919-062-5588. Maaari rin kayong mag-text sa TXTMJS sa 225687 o 0917-889-8657.