02/10/2026
๐๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ ๐๐ฒ ๐ง๐๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ -๐๐ฅ๐๐๐ฅ๐ ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐.
โ
โNgayong buwan ng Oktubre, ating ipinagdiriwang ang ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1906. Sa buwang ito, ginugunita natin hindi lamang ang makukulay na tela, katutubong sayaw, kundi ang buhay, karunungan, at ๐ฉ๐๐ค๐ข๐ค๐ข๐๐๐ค๐ ng ating mga kapatid na katutubo na unang nagbantay sa ating lupa at lahi.
โ
โSa kanilang mga kamay nabubuhay ang ating kasaysayan. Bawat habi may kwento, bawat ukit may dasal, at bawat sayaw ay pasasalamat sa kalikasan. Sa kabila ng hirap at pagkalimot, nananatili silang matatag at mapagpakumbaba, dala pa rin ang talino ng ating mga ninuno.
โ
โNawaโy magsilbi itong paalala sa atin na ang tunay na pagka pilipino ay hindi lamang nakikita sa pagdiriwang o pagsusuot ng tradisyunal na kasuotan tuwing may ritwal, kundi maging sa pagiging mabuti, sa pagkakaroon ng malawak na pang unawa, at malasakit na ipinapakita natin sa pagprotekta sa kanilang karapatan, wika, at sining gaya ng pagmamahal na ibinibigay nila sa ating kalikasan at kultura.
โ
โNawaโy maisabuhay natin ang mga pagpapahalagang ito kahit man lamang sa simpleng paraan, gaya ng pagtangkilik sa kanilang likha, paggalang sa kanilang tradisyon, at pagiging mabuting katuwang sa pag aalaga sa ating pamanang kultural.
โ
โ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ!
โ
โMabuhay ang Sining Katutubo at mabuhay ang Lahing Pilipino!
โIsinalarawan ni Helena Ramos | Deputy of Communications Operations
โIsinulat ni Bianca Armas |Records Management Officer
โ
โ
โ