Malabon Elementary School - Kabatiran

Malabon Elementary School - Kabatiran Official School Paper of Malabon Elementary School

BAGONG YUGTO NG PAMUMUNO, SINIMULAN SA MALABON ELEMENTARY SCHOOLNagbigay-pugay ang pamayanan ng MES kay Dr. Rosela Q. Ab...
20/07/2026

BAGONG YUGTO NG PAMUMUNO, SINIMULAN SA MALABON ELEMENTARY SCHOOL

Nagbigay-pugay ang pamayanan ng MES kay Dr. Rosela Q. Abude at mainit na sinalubong si Dr. Emelbon S. Mayrina bilang bagong Punong G**o IV.

MALABON CITY — Isang makasaysayang araw ang nasaksihan ng Deped Malabon Elementary School sa pormal na pagpapalit ng pamunuan ng paaralan. Matapos ang mga taon ng tapat at mahusay na paglilingkod, nagpaalam si Dr. Rosela Q. Abude, Punong G**o IV, habang buong galak namang tinanggap ng pamilya ng MES si Dr. Emelbon S. Mayrina bilang bagong Punong G**o.

Sa pagtatapos ng isang makabuluhang yugto at pagsisimula ng panibago, nananatiling matatag ang paninindigan ng Malabon Elementary School na ipagpatuloy ang kultura ng kahusayan, malasakit, at paglilingkod sa ilalim ng bago nitong pamunuan.

Maraming salamat, Dr. Rosela Q. Abude.

Maligayang pagdating, Dr. Emelbon S. Mayrina.

BAGONG YUGTO NG PAMUMUNO, SINIMULAN SA MALABON ELEMENTARY SCHOOLMalabon City — Pormal na sinimulan ng Malabon Elementary...
19/07/2026

BAGONG YUGTO NG PAMUMUNO, SINIMULAN SA MALABON ELEMENTARY SCHOOL

Malabon City — Pormal na sinimulan ng Malabon Elementary School ang panibagong yugto ng pamumuno sa ginanap na unang flag ceremony sa pangunguna ng bagong School Head na si Dr. Emelbon S. Mayrina.

Mainit na tinanggap ng mga g**o, mag-aaral, at iba pang kasapi ng paaralan ang bagong pinuno. Sa programa, ipinahayag ang taos-pusong pagbati at suporta ng buong komunidad ng MES, kalakip ang hangaring maging matagumpay ang kanyang pamumuno tungo sa patuloy na pag-unlad ng paaralan.

Ang makasaysayang pagtitipon ay sumisimbolo ng panibagong simula at ng sama-samang adhikain para sa mas de-kalidad na edukasyon sa Malabon Elementary School.

Maraming salamat po, Dr. Rosela Q. Abude, sa inyong mahusay na pamumuno, tapat na paglilingkod, at taos-pusong malasakit...
19/07/2026

Maraming salamat po, Dr. Rosela Q. Abude, sa inyong mahusay na pamumuno, tapat na paglilingkod, at taos-pusong malasakit sa bawat kasapi ng pamilya ng Deped Malabon Elementary School . Ang inyong paggabay ay mag-iiwan ng hindi matatawarang ambag at inspirasyon sa paaralan at sa aming mga puso.

Sa inyong pagbata sa panibagong kabanata, dalangin namin ang inyong patuloy na pagtatamo ng tagumpay, mabuting kalusugan, at kaligayahan. Nawa'y patuloy ka pong gabayan at pagpalain ng Poong Maykapal sa bawat hakbang na inyong tatahakin.

Maraming salamat po at pagbati sa inyong bagong paglalakbay! 💐

Mananatili ka pong mahalagang bahagi ng pamilyang MES. 💙



17/07/2026
17/07/2026
16/07/2026

July 17, 2026
Resumption of Face-to-Face Classes

Following the result of the consultative meeting with stakeholders, Malabon Elementary School will implement HAYO Level, wherein face-to-face teaching and learning will resume.

The school remains committed to providing a safe, healthy, and supportive learning environment for all learners while ensuring the continuity of quality education.

📢 PAALALA | DISTANCE LEARNING O WALANG PASOK?Alamin kung kailan ipatutupad ang Distance Learning at kung kailan naman su...
12/07/2026

📢 PAALALA | DISTANCE LEARNING O WALANG PASOK?

Alamin kung kailan ipatutupad ang Distance Learning at kung kailan naman suspendido ang klase, alinsunod sa DepEd Order No. 014, s. 2026.

Mahalagang maging handa at manatiling ligtas sa panahon ng bagyo, lindol, matinding init, at iba pang mga emerhensiya. Basahin ang gabay sa ibaba at manatiling nakaantabay sa mga opisyal na anunsyo ng paaralan at ng inyong lokal na pamahalaan.

📚 Kaligtasan muna, tuloy ang pagkatuto!


11/07/2026

Our official page is now DepEd Malabon Elementary School in compliance with DepEd Order No. 007, s. 2026. Thank you for your continued support!

Hinay po tayo ngayon Malabon Elementary School.Mag-ingat at manatili sa ating mga bahay.Hintayin ang mga gawain na ipapa...
09/07/2026

Hinay po tayo ngayon Malabon Elementary School.

Mag-ingat at manatili sa ating mga bahay.

Hintayin ang mga gawain na ipapadala ng ating mga g**o sa group chat o sa FB page na ginawa para sa inyong baitang.

WALANG PASOK | Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Malabon ngayong araw, Hulyo 10, 2026, dahil sa patuloy na pag-ulan na dala ng Southwest Monsoon (Habagat) na pinalakas ng Typhoon Bavi “Inday”.

Dahil dito, pansamatalang ipapatupad ang Alternative Delivery Mode sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga mahahalagang impormasyon o anunsiyo ukol sa lagay ng panahon. Maging alerto anumang oras at mag-ingat para sa kaligtasan ng lahat.

-mula sa post ni Mayor Jeannie Sandoval

"HAYO, HINAY, HINGA, HINTO" Tayo sa nasa HINAY ngayong araw.WALANG PASOK | Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ...
07/07/2026

"HAYO, HINAY, HINGA, HINTO" Tayo sa nasa HINAY ngayong araw.

WALANG PASOK | Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Malabon ngayong araw, Hulyo 8, 2026, dahil sa patuloy na pag-ulan na dala ng Southwest Monsoon (Habagat) dulot ng Super Typhoon Bavi “Inday”.

Dahil dito, pansamatalang ipapatupad ang Alternative Delivery Mode sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga mahahalagang impormasyon o anunsiyo ukol sa lagay ng panahon. Maging alerto anumang oras at mag-ingat para sa kaligtasan ng lahat.

Address

Naval Street Extension, Hulong Duhat
Malabon
1470

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malabon Elementary School - Kabatiran posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share