Malabon City-Early Childhood Care and Development-ECCD

Malabon City-Early Childhood Care and Development-ECCD Updates about Malabon City ECCD Program
*Enrollment
*Programs and activities
*Moving Up
*Supplemental Feeding Program

Happy Birthday πŸŽ‚πŸŽˆ Teacher Roda Alejo Muzon Child Development Center
24/07/2026

Happy Birthday πŸŽ‚πŸŽˆ
Teacher Roda Alejo
Muzon Child Development Center

πŸ“šπŸ’™ Bawat aklat ay regalo ng pag-asa at kaalaman!Masayang ipinamahagi ang Activity Books sa ating mga Malabon ECCD Learne...
22/07/2026

πŸ“šπŸ’™ Bawat aklat ay regalo ng pag-asa at kaalaman!

Masayang ipinamahagi ang Activity Books sa ating mga Malabon ECCD Learners, kaloob ng ating butihing Mayor Jeannie Sandoval ng Malabon City Government sa pakikipag- uganayan ng tanggapan ng Malabon City CSWDD at ng Malabon City-Early Childhood Care and Development-ECCD , bilang suporta sa de-kalidad na maagang edukasyon. Layunin ng programang ito na higit pang mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa, pagsulat, pag-iisip, at pagkamalikhain ng bawat bata sa Malabon.

🌟 Institutional Assessment of Malabon ECCD Teachers for TESDA ECCD-NCIII 🌟Isang mahalagang hakbang tungo sa patuloy na p...
22/07/2026

🌟 Institutional Assessment of Malabon ECCD Teachers for TESDA ECCD-NCIII 🌟

Isang mahalagang hakbang tungo sa patuloy na pag-unlad ng ating mga Child Development Teachers! πŸ’™

Isinagawa ang Institutional Assessment para sa TESDA National Certificate III (NC III) bilang pagpapatunay ng kaalaman, kasanayan, at kahandaan ng ating mga ECCD teachers sa pagbibigay ng de-kalidad na pangangalaga at edukasyon sa mga batang Malabon.

Layunin: Patuloy na mapaunlad ang propesyonal na kakayahan ng ating mga g**o upang matiyak ang ligtas, makabuluhan, at mataas na kalidad na Early Childhood Care and Development para sa bawat batang kanilang pinaglilingkuran.

πŸ’™ Sama-sama nating itaguyod ang kahusayan sa ECCD para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat bata.

19/07/2026

🩡 Ang Unang Gatas, Unang Proteksyon ni Baby

Maaaring kakaunti lamang at kulay dilaw ang unang gatas ni Nanay, ngunit ito ang isa sa pinakamahalagang regalong maibibigay sa bagong silang na sanggol.

Ang colostrum ang unang gatas na lumalabas sa mga unang araw matapos manganak. Punong-puno ito ng mga sangkap na tumutulong magpalakas ng katawan, bitamina, protina, at iba pang mahahalagang sustansyang madaling masipsip ng katawan ni Baby. Tinutulungan din nitong maprotektahan siya laban sa sakit habang unti-unti pang nabubuo ang sariling resistensya. Nakatutulong din ang colostrum sa paglabas ng unang dumi ni Baby, na mahalaga sa pagpapanatiling malusog ng kanyang katawan sa mga unang araw ng buhay.

Hindi lamang si Baby ang nakikinabang sa pagpapasuso. Nakakatulong din ito kay Nanay dahil mas mabilis na bumabalik sa dati ang kanyang matris pagkatapos manganak at nababawasan ang panganib ng labis na pagdurugo.

Kaya hangga't maaari, simulan agad ang pagpapasuso sa sandaling maisilang si Baby upang matanggap niya ang colostrum at ang lahat ng benepisyong hatid nito.

πŸ“ Kung may katanungan tungkol sa pagpapasuso, bumisita sa pinakamalapit na health center sa Malabon. Handa ang ating mga health worker na magbigay ng tamang gabay para sa ligtas at malusog na simula ni Baby.

Ngayong Nutrition Month, tandaan na ang malusog na simula ni Baby ay nagsisimula sa unang yakap ni Nanay at sa unang patak ng kanyang gatas.

19/07/2026

πŸ₯£πŸ’š Kailan Handa si Baby sa Dagdag na Pagkain?

Sa unang anim na buwan, gatas ng ina lamang ang kailangan ni Baby. Pagkatapos nito, maaari na siyang unti-unting bigyan ng dagdag na pagkain habang patuloy pa rin ang pagpapasuso hanggang dalawang taong gulang o higit pa. Tandaan na ang dagdag na pagkain ay hindi pamalit sa gatas ng ina, kundi katuwang nito upang matugunan ang lumalaking pangangailangan ni Baby sa sustansya.

Hindi rin kailangang gumastos nang malaki. Ang mga karaniwang pagkaing inihahanda sa bahay, tulad ng kalabasa, patatas, at sayote, ay maaari nang ihanda para kay Baby. Durugin o lamasin lamang ang mga ito upang maging angkop sa kanyang edad.

Tandaan din na huwag itigil ang pagpapasuso at huwag pilitin si Baby kung ayaw pa niyang kumain. Ang oras ng pagkain ay pagkakataon hindi lamang para mabusog siya, kundi para matuto ng magandang nakasanayan sa pagkain at mapalalim ang ugnayan nina Nanay at Baby.

πŸ“Kung nais mong malaman ang tamang paraan ng pagbibigay ng unang pagkain kay Baby, kumonsulta sa inyong Barangay Nutrition Scholar o bumisita sa pinakamalapit na health center sa Malabon. Handa silang magbigay ng gabay kung anong pagkain ang maaaring ibigay, gaano karami, at paano ito ligtas na ipakikilala kay Baby.

Ang mabuting nutrisyon ay nagsisimula sa mga tamang pagpili sa araw-araw. Sa wastong pagpapakain at patuloy na pagpapasuso, mas nagiging handa si Baby sa malusog na paglaki at pag-unlad.

19/07/2026

Address

F. Sevilla Street, Malabon City
Malabon
1470

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malabon City-Early Childhood Care and Development-ECCD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share