12/06/2020
TARA NA! ENROL NA SA IMELDA!
PARA SA KAALAMAN NG LAHAT NG MGA MAGULANG AT MAG-AARAL
AT NG BUONG KOMUNIDAD
OFFLINE ENROLMENT UPDATE
PARA SA MGA HINDI PA NAKAKAPAG-ONLINE ENROLMENT, NARITO ANG IBA PANG PAMAMARAAN NA MAAARING GAWIN SIMULA JUNE 15, 2020 HANGGANG JUNE 30, 2020. ITO ANG MGA SUMUSUNOD:
1. Maaaring pumunta ang mga magulang sa KAPITBAHAY KO SI TEACHER PICK UP AND DROP OFF POINTS upang kuhanin ang Learners Enrollment Survey Form (LESF), matapos masagutan, ito ay ibabalik muli sa bahay ng g**o.
Mrs. Jemilyn Lopez Blk. 18
Mr. Jonah Custodio Blk. 14
Mr. Ramil Abiner Blk 8
2. LESF PIGEONHOLES SA IMELDA ISS
Mayroong nilaan ang paaralan na PIGEONHOLES kung saan maaaring makakuha ang mga magulang ng kopya ng Learners Enrollment Survey Form (LESF). Ito ay iuwi sa kanilang tahanan upang masagutan. Matapos nito ay ibabalik muli ng magulang ang enrollment form sa paaralan.
3. BARANGAY KAISA SA PAGPAPALISTA/ DROP BOXES PARA SA KINABUKASAN MO!
• Katuwang ang mga kawani sa Barangay Longos ay magbabahagi ng mga kopya ng Learners Enrollment Survey Form (LESF) sa mga nasasakupan ng barangay o mga residente malapit sa paaralan.
• Gayundin mag-iiwan ng mga sipi ng Learners Enrollment Survey Form (LESF) sa OPISINA ng barangay ng sa gayon ay maging madali rin sa mga magulang/tagapangalaga na maipatala ang kanilang mga anak o kamag-anak na nais mag-aral sa Imelda Integrated lalo’t sila ay nagawi na sa barangay. May inilagay na DROP BOX sa Barangay Hall upang doon muling ibalik ang nasagutang kopya ng Learners Enrollment Survey Form (LESF).
4. TELETINDAHAN -PICK UP AND DROP OFF POINTS- May mga itinalagang Teletindahan Outlets kung saan makakuha ng kopya ng Learners Enrollment Survey Form (LESF) at muling ibabalik dito matapos sagutan.
**BLK 13 LOT 69 PHASE 2 AREA 3 BARANGAY LONGOS, MALABON CITY
**BLK 1 Q LOT22 PHASE 3 E1 INFRONT OF MACARIO HIGH SCHOOL MAIN
** BLK 15 LOT 9 PHASE 2 AREA 3 DAGAT-DAGATAN CALOOCAN CITY
** BLK 9 LOT 26 PHASE 3 E-1 LONGOS MALABON
PAALALA:
KAPAG NAKAPAG-ONLINE ENROLEMNT NA, HINDI NA KINAKAILANGANG KUMUHA AT/O MAGSAGOT SA LEARNERS ENROLMENT SURVEY FORM (LESF).
NGUNIT PATULOY PA RIN ANG ATING ONLINE ENROLMENT GAMIT ANG GOOGLE LINK http://deped.in/LESFIMELDAISS
Ang Edukasyon ay kayamanan at hindi magiging hadlang ang pandemyang ating nararanasan sa kasalukuyan. Sa tulong ng Kagawaran ng Edukasyon katuwang ang ating minamahal na paaralan, Imelda Integrated Secondary School ay mapagtatagumpayan natin na 100% na walang estudyante ang mapagkakaitan ng edukasyon. Kaya naman hinihikayat ang bawat mag-aaral, mga magulang na magpatala mula Hunyo 1-30, 2020. Huwag nating hayaang maging mangmang o hindi madagdagan ang kaalaman ng ating mga anak dahil ang wastong edukasyon ang isa sa susi upang magapi ang Covid-19.
“Edukasyon ay Pagyamanin, Ito ay para sa Atin.”
Please start from June 1, 2020