27/03/2026
๐ญ ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐๐ก๐๐๐ญ๐ซ๐ ๐๐๐ฒ! ๐ญ
Sa bawat entablado na tinatayuan, hindi lang kuwento ang nabubuo, nahubog rin ang kumpiyansa, pagkakaisa, at pag-unawa sa isaโt isa. Sa paaralan, ang teatro ay nagsisilbing tahanan ng pagkamalikhain kung saan natututo ang mga mag-aaral na magsalita, makinig, makiramay, at magpahayag ng damdamin at ideya. Dito nahuhubog ang disiplina, pagtutulungan, at tapang na humarap sa hamon, mga aral na dala nila hanggang sa tunay na buhay. Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang sining na patuloy na nagbibigay-buhay sa mga kuwento at inspirasyon sa bawat entablado.
Ipinagdiriwang ang ๐๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐๐ก๐๐๐ญ๐ซ๐ ๐๐๐ฒ tuwing 27 ng Marso sa inisyatiba ng International Theatre Institute ng UNESCO.
๐๐๐๐ช๐๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ฉ๐ง๐ค!๐ญ
26/03/2026
Ating balikan ang mga alaala, kaganapan, at kwentong nabuo noong March 7, 2026 sa Epifanio Elementary School. ๐ญIsang gabing puno ng saya at aral ang hatid ng palabas na โAwit at Laroโ, na buong pusong inihandog ng Tanghalang Tugatog at Medalya Theater Guild.
Sa video na ito, muling sariwain ang bawat sandaling nagpapatunay na kapag nagsama-sama ang passion at tiwala, nagiging posible ang mga bagay na datiโy pangarap lamang. Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng gabing iyon. Ito ang patunay na ang sining ay buhay at patuloy na magbibigay inspirasyon. โจ
Disclaimer: No copyright infringement intended. I do not own the music in this video. All music content belongs to their rightful owners.
Awit at Laro: Show 2026
Ang show na ito ay ginanap noong March 7, 2026 sa Epifanio Elementary School. Disclaimer: No copyright infringement intended. I do not own the music in this...
22/03/2026
๐๐ฃ๐ ๐ค๐ ๐๐๐๐ค๐ค๐ก ๐๐๐๐ง ๐พ๐๐ก๐๐๐ง๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐
Isang school year na nagpamulat sa amin kung gaano kalakas ang isang pangarap kapag pinagsama-sama. ๐ญโจ
Hindi naging madali ang lahat, may pagod, may doubt, may moments na gusto mo nang sumuko. Pero sa bawat hamon na hinarap namin, natutunan naming tumayo ng magkasama, mas matatag at mas buo bilang isang grupo. Every rehearsal, every mistake, every small win, lahat โyan naging hakbang papunta sa mas malaking tagumpay. At ngayon, habang sabay-sabay kaming tumatawa, nag-eenjoy, at nagsasalo sa pagkain, dala namin ang mga aral at alaala na hindi matutumbasan. Deserve natin โto, mag-celebrate together after everything weโve been through. ๐ Hindi lang sa tagumpay, kundi sa bawat laban na hindi natin sinukuan. Hindi lang namin naabot ang mga pangarap, natutunan din naming mahalin ang proseso.
Sa dulo ng lahat, hindi lang kami performersโฆ we became stronger individuals, and a family that will always choose to rise together! Padayon. ๐๐ฅ
14/03/2026
Sa bawat hakbang ng ensayo, kahit paunti-unti, unti-unti ring nahuhubog ang karunungan. Ang tiyaga ngayon ang magiging ganda ng galaw bukas. Tuloy lang sa sayaw, tuloy lang sa pangarap. ๐บ๐๐ฅ
11/03/2026
๐ญ ๐ง๐๐ก๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ง๐จ๐๐๐ง๐ข๐ ๐๐จ๐๐๐ง๐๐ข๐ก๐ฆ! ๐ค๐
Marunong ka ba sa pag-arte, pagkanta, pagsayaw, o pagtugtog? Ito na ang chance mo! Ito ay para sa lahat ng grade 7, grade 8 at grade 9 na estudyante ng Tugatog NHS!๐ฅ
๐
March 14 (Saturday)
โฐ 12:00 PM
๐ Tugatog NHS Plenary
๐ Suot: Black T-shirt & Jogging Pants
๐ Dalhin: Parents Permit, tubig, bimpo at extra shirt
(Maaaring humingi ng kopya ng parents permit sa mga miyembro ng teatro o mag-message sa page na ito)
โจ Huwag mahiya, ipakita ang talento!
Baka ikaw na ang susunod na bituin ng Tanghalang Tugatog! โญ
10/03/2026
๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐๐ป๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ, ๐ง๐ฎ๐ป๐ด๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ด! ๐ญโจ
Dalawampuโt limang taon ng mga ilaw sa entablado, mga indak na may dalang kuwento, at mga pusong sabay-sabay na tumitibok para sa sining. Sa bawat pagtaas ng telon ay may pangarap na nabubuhay, at sa bawat palakpak ay may inspirasyong tumatatak sa puso.
Ito ay hindi lamang pagdiriwang ng mga taon, kundi ng mga taong patuloy na nagmamahal sa teatro, mga artistang naglakas-loob magpahayag, mga kabataang hinubog ng sining, at isang komunidad na patuloy na nagbibigay-buhay sa entablado.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng patuloy na naniniwala at sumusuporta sa Tanghalang Tugatog. Dahil sa inyo, patuloy na nagliliwanag ang entablado at nagpapatuloy ang mga kuwentong nagbibigay inspirasyon sa marami.
Mabuhay ang Tanghalang Tugatog! Kahapon, ngayon, at sa marami pang darating na yugto. ๐๐ญ