15/08/2026
| ๐ก๐ข ๐ง๐ข ๐ฃ๐๐ซ ๐ฆ๐๐๐๐๐: ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐๐ป๐น๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ ๐ถ๐ป๐ผ๐ฏ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป, ๐ก๐ด๐๐ป๐ถ๐ ๐๐ฎ ๐๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ?
"๐จ๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐?"- ๐๐ป๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ ๐๐ผ๐ป๐ถ๐ณ๐ฎ๐ฐ๐ถ๐ผ
โSa tuwing may bagong proyektong ipinapakilala, madalas itong ibinabalot sa mga salitang progreso, trabaho, at pag-unlad. Ngunit bilang mga mamamayan, sapat na ba ang mga pangakong ito para agad tayong pumalakpak? Sa likod ng bawat pangako ay may mga tanong na nararapat ding sagutin. Isa sa mga usaping ito ang planong pagtatayo ng Pax Silica sa Pilipinas. Totoong maaari itong magbukas ng mga oportunidad sa ekonomiya, makalikha ng trabaho, at makahikayat ng pamumuhunan. ๐๐ฎ๐๐๐ป๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป, ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด: Sino ba talaga ang makikinabang? Kung bilyon-bilyong halaga ang kakailanganin para sa proyektong ito, saan ito magmumula? Hindi ba't may karapatan ang bawat Pilipino na humingi ng malinaw na paliwanag hinggil dito?
โ
โAng Pilipinas ay biniyayaan ng malalawak na lupain, saganang yamang-tubig, at iba pang pinagkukunan ng kabuhayan. Bagama't maaaring magdulot ng pag-unlad ang proyekto, hindi rin maaaring ipagsawalang-bahala ang posibleng epekto nito sa kalikasan at sa mga komunidad. Ilang ektarya ng lupa ang maaaring magamit na maaari sanang mapakinabangan ng mga magsasaka? Gaano karaming likas na yaman ang kakailanganin upang maisakatuparan ito? Ang mga tanong na ito ay nararapat lamang na mabigyan ng malinaw na kasagutan bago isulong ang anumang proyekto.
โ
๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ด๐ป๐ฎ๐ป ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ธ๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฝ๐ถ๐๐๐ผ. Ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa dami ng proyektong naitatayo, kundi sa kakayahan nitong pangalagaan ang kalikasan, kabuhayan, at kapakanan ng mga mamamayan. Mahalaga ang pag-unlad ng ekonomiya, ngunit hindi ito dapat makamit kapalit ng mga yamang hindi na maibabalik. Ang pagiging mapanuri, bukas sa magkabilang panig, at matapang na pagtatanong ay hindi pagtutol sa progreso, ito ay pagpapakita ng tunay na pagmamalasakit sa kinabukasan ng bansa.
๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐๐น๐ฎ๐, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฏ๐๐น๐ฎ๐ด, ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ด ๐๐ถ๐๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป.
โ๐ป Eric John Alejo | Vice President External
๐ผ๏ธ Savana Marie Gani | Multimedia