TINTA

TINTA

Share

Maysilo Elementary School News

24/03/2026

PAGBATI sa'yo Che Anne E. Laurente.

Ang iyong galing sa pagsusulat ay tunay na kahanga-hanga!
Patuloy kang magsilbing inspirasyon sa kapwa mag-aaral.

Congratulations sa iyong Division at Regional achievements!

03/09/2025

Minsan sinasali natin ang kids sa contest, not just to win,
but to learn.
To practice.
To be stronger.
To build confidence. 💪

Kasi in real life, hindi lagi panalo ang story natin.
Sometimes you need to lose first,
para matutong bumangon at try again.

And when kids learn that habang bata pa sila,
they’ll grow up knowing na losing isn’t the end,
it can actually be the start of something better. 💜

Teacher Carla

03/09/2025

🎉✨ Membership Drive 2025 sa Maysilo ES! ✨🎉

Isang makulay at masayang selebrasyon ang isinagawa sa Paaralang Elementarya ng Maysilo noong Agosto 8, 2025 bilang bahagi ng taunang Membership Drive. Layunin nitong hikayatin ang ating mga mag-aaral na maging aktibong miyembro ng iba’t ibang club at organisasyon sa paaralan. 🙌

Lumahok dito ang iba’t ibang grupo tulad ng Girl Scouts of the Philippines (GSP), Boy Scouts of the Philippines (BSP), TINTA (Talino, Imahinasyon, at Natatanging Talento ng mga Alagad ng Panitikan), YES-O (Youth for Environment in Schools Organization), BKD (Barkada Kontra Droga), at Red Cross.





03/09/2025

🥦🍎 “Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!” – Maysilo ES, masiglang nagdiwang ng Nutrition Month 2025!

👩‍🏫👨‍🎓 Ipinamalas ng mga mag-aaral ng Maysilo ES ang husay, talento, at pagiging malikhain sa iba’t ibang patimpalak bilang bahagi ng Nutrition Month 2025 Celebration! 💚

09/08/2025

"Malugod na pagbati sa ating bagong halal na SPTA Officers! - Sama-sama sa iisang layunin—ang paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga mag-aaral."

17/07/2025

Ipinahayag ng lokal na pamahalaan ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Malabon bukas, Hulyo 18, 2025 (Biyernes), bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng Bagyong Krising, na patuloy na nagpapalakas habang kumikilos papalapit sa Luzon.

WALANG PASOK | Suspendido ang klase (in person at online) sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Malabon bukas, Hulyo 18, 2025, dahil sa patuloy na pag-ulan na dala ng Southwest Monsoon (Habagat) dulot ng Tropical Depression .

Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga mahahalagang impormasyon o anunsiyo ukol sa lagay ng panahon. Maging alerto anumang oras at mag-ingat para sa kaligtasan ng lahat.

Photos from Maysilo Elementary School's post 15/07/2025

Brigada Eskwela 2025 : Bayanihan para sa Edukasyon, Alay sa Kabataan"

Photos from Maysilo Elementary School's post 15/07/2025

"Pagtutulungan, Pagbabago, at Pag-unlad: State of the School Address 2025"

28/05/2023

Ang CRLA ay idinisenyo upang tulungan ang mga g**o na mabilis na matukoy ang antas sa pagbabasa ng mga mag - aaral ng Unang Baitang hanggang Ikatlong Baitang upang bumuo ng naaangkop na mga diskarte sa pagtuturo sa pagbasa.

Ayon sa mga g**ong sina Bb. Aprilyn F. Cabanit (ASAP koordineytor) at Bb. Marichu Z. Cinco (Reading koordineytor), karamihan sa mga batang ito ay hindi pa marunong magbasa. Bilang tugon sa problema, ipinagpatuloy ng Maysilo Elementary School ang isang programa sa pagbasa na pinamagatang Project BTS (Babasa Tayo ng Sama-Sama) upang linangin at paunlarin ang antas ng pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral. Sa programang ito, magsasagawa ang g**o ng remedial reading kasama ang mag-aaral na nangangailangan ng tulong sa pagbabasa. Ginamit ng programa ang Project LETRA mula sa SDO-Malabon at iba pang babasahin na ibinigay ng mga g**o sa pagbasa.

Puspusan ang mga g**o sa pagsasagawa ng Project BTS upang mapagtagumpayan ang kampanyang zero non-readers sa paaralan.

Ang nasabing proyekto ay nakatulong ng husto sa mga batang nangangailangan ng tulong sa pagbabasa.

Unti- unti nang ring nababawasan ang mga zero non-readers ng paaralan.

Ulat ni : Steven Nylrey Gagol

Photos from TINTA's post 28/05/2023

STOP B!!!
Ayon sa Stairway Foundation Survey 2015, 60% ng mga bata na 7-12 taong gulang ay nagiging biktima ng cyberbullying.

Ayon sa Philippine National Police data, https://www.philstar.com/headlines/2017/06/28/1714625/cyberbullying-cases-soar-2016, tumaas ng 70.74% ang mga kaso ng cyberbullying at 20% naman nang mga na-bully ay nag-isip na magpakamatay.

Sadyang nakababahala ang ganitong mga datos na inilabas dahil sa cyberbullying. Ang SPG ng Paaralang Elementarya ng Maysilo ay nagkampanya laban dito.

Ano nga ba ang cyberbullying?

Ang cyber bullying ay ang pagpost ng larawan o pagkomento ng mga masasakit na salita laban sa tao, pag-post ng mga sensitibo o pribadong impormasyon ng ibang tao, pagpapanggap bilang ibang tao para magmukha silang masama, at pagkakalat ng mga tsismis para mapahiya ang isang tao.

Ang cyber bullying ay nangyayari sa mga instant messages o e-mail, webpages o sa mga internet, chat rooms, social media gaya ng facebook, twitter at iba pang social media platforms.

Ano ang dapat gawin para maiwasan ito? Kung may napapansing kakaiba sa inyong mga kaklase o kamag-anak, kausapin ito ng mahinahon. Tandan na mahalaga na bukas ang isipan at maging maunawain. Sabihin na kung mayroong nanunukso sa kanila sa internet ay kausapin sila tungkol sa mga angkop na reaksiyon at ituro sa kanila ang mga dapat gawin. Kung may kaklase o kaibigan na nabubully, pwede itong ipagbigay alam agad sa Punungg**o o Guidance Counselor ng paaralan. Sabihan na kahit anong mangyari at kahit anumang problema, ikaw ay makikinig at uunawa sa kanya.

Para STOP Bullying, Tandaan:

S – screenshot ang mga mensahe para may ebidensiya kapag sinumbong sa g**o o magulang.
T – tumigil sumagot sa pangbubully
O - open up. Kausapin ang mga magulang, o mga nakatatandang pinagkakatiwalaan mo
P – pribado. Ilagay sa pribado ang setting ng social media para hindi makita lahat ng tao
B – block ang bully sa social media

ni : Steven Nylrey Gagol

Want your school to be the top-listed School/college in Malabon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Address


San Vicente Village, Maysilo
Malabon
1470