01/12/2025
Mainit na pagbati sa ating mga manlalaro!
Ipinagmamalaki namin ang inyong husay, sipag, at dedikasyon na ipinakita. Maraming salamat sa pagdala ng karangalan sa ating paaralan- kayo ang inspirasyon ng inyong kapwa mag-aaral at g**o.
Mabuhay ang ating mga atleta!
01/12/2025
Isang masayang handog para sa mga mag-aaral at g**o ang isinagawang libreng meryenda (spaghetti, rice and chicken) sa paaralan, kung saan nabigyan ng masarap na pagkain at dagdag sigla ang mga bata.
Maraming salamat po sa aming sponsor Ms. Elizabeth Miller. Pagpalain po kayo palagi ng ating Poong Maykapal.
20/11/2025
Health Inspection of Kinder, Grades 1 to 6
A health inspection for pupils in school is a routine assessment conducted to monitor and safeguard the physical well-being of students. It involves a series of health checks performed by Division health personnel, nurses, or visiting medical teams to identify any health issues early and ensure that pupils are fit for learning.
Thank SDO-Malabon City Health Unit for your constant care and support!
22/10/2025
Pagbati sa ating Punongg**o Sir Jeodhel Sestoso!
Maligayang kaarawan po sa aming kagalang-galang na Punongg**o! Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Diyos ng kalusugan, karunungan, at lakas upang maipagpatuloy ninyo ang inyong tapat na paglilingkod sa paaralan at sa mga mag-aaral. Maraming salamat po sa inyong inspirasyon at pamumuno na nagsisilbing gabay namin tungo sa tagumpay,
Nawa’y maging makulay at masaya ang inyong kaarawan, puno ng pagmamahal at pagpapahalaga mula sa inyong pamilya, kasamahan, at mga kaibigan!