DepEd Imelda Elementary School

DepEd Imelda Elementary School Imelda Elementary School is a non-central school among the three school in the District of Malabon I

πŸ“’ ABISO | CLASSES WILL SHIFT TO HINAY (EASE IN) AUGUST 20, 2026Alinsunod sa Memorandum Circular No. 131, s. 2026 ng Mala...
19/08/2026

πŸ“’ ABISO | CLASSES WILL SHIFT TO HINAY (EASE IN) AUGUST 20, 2026

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 131, s. 2026 ng MalacaΓ±ang, ang mga paaralan sa National Capital Region ay magsasagawa ng alternative delivery mode at learning continuity measures sa Agosto 20, 2026 dahil sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Enhanced Southwest Monsoon.

Kaugnay nito, ang face-to-face classes ay magshi-shift sa HINAY (Ease In) bukas. Hinihikayat ang mga mag-aaral at magulang na manatiling updated sa mga anunsyo ng paaralan at makipag-ugnayan sa class adviser para sa mga learning activities at iba pang kinakailangang gawain.

🌧️ Stay safe, Imeldians! Unahin ang kaligtasan habang ipinagpapatuloy ang pagkatuto. πŸ’™

πŸ“’ ABISO | HINTO (STOP) AUGUST 19,2026Alinsunod sa pinakahuling abiso, HINTO ang klase ngayong Agosto 19, 2026 sa lahat n...
19/08/2026

πŸ“’ ABISO | HINTO (STOP) AUGUST 19,2026

Alinsunod sa pinakahuling abiso, HINTO ang klase ngayong Agosto 19, 2026 sa lahat ng antas.

Wala munang face-to-face classes at walang Alternative Learning Mode (ADM) ngayong araw.

πŸ“Œ Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo para sa iba pang updates.

Mag-ingat at manatiling ligtas, mga Imeldians! πŸ’™

πŸ“’ABISO | CLASSES WILL SHIFT TO HINAY (EASE IN)Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng pampubliko at pribadong pa...
17/08/2026

πŸ“’ABISO | CLASSES WILL SHIFT TO HINAY (EASE IN)

Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Malabon bukas, Agosto 18, 2026, dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat.

Magpapatuloy ang pagkatuto sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM). Para sa mga learning activities at instructions, makipag-ugnayan sa inyong class adviser.

Paalala: Manatili sa ligtas na lugar, iwasang lumabas kung hindi kinakailangan, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo. Stay safe, Imeldians! πŸ’™

Keep safe, Imeldians. πŸ™πŸΌ
17/08/2026

Keep safe, Imeldians. πŸ™πŸΌ

ABISO SA MALAKAS NA PAG-ULAN

πŸ”΄ RED RAINFALL WARNING

Batay sa Heavy Rainfall Warning No. 6-A ng PAGASA NCR-PRSD, na inilabas ngayong 12:47 PM, Agosto 17, 2026 (Lunes), nakataas ang RED WARNING LEVEL sa Metro Manila, kabilang ang Malabon, dahil sa Habagat (Southwest Monsoon).

⚠️ Kaugnay na Panganib:
Inaasahan ang malubhang pagbaha (SERIOUS FLOODING) partikular sa mga lugar na madaling bahain at mabababang lugar.

πŸ”΄ RED ADVISORY LEVEL
Metro Manila, Bataan, at mga piling lugar sa Zambales, Rizal, Pampanga, Bulacan, at Cavite.

🌧️ Patuloy ding makararanas ng mahina hanggang katamtaman, na may panaka-nakang malakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng Nueva Ecija, Quezon, Laguna, Bulacan, Pampanga, Tarlac, at Batangas. Maaari itong magpatuloy sa loob ng susunod na tatlong oras.

πŸ“’ PAALALA SA LAHAT:
Pinapayuhan ang publiko na manatiling mapagmatyag, lalo na ang mga nasa mabababa at madaling bahain na lugar. Iwasang tumawid o dumaan sa mga bahang lugar at patuloy na subaybayan ang lagay ng panahon at mga susunod na abiso ng PAGASA at ng lokal na Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).

Inaasahang ilalabas ng PAGASA ang susunod na Heavy Rainfall Warning sa ganap na 2:00 PM ngayong araw.

Narito ang mga sumusunod na numero na maaaring tawagan kung mayroong emergency sa inyong lugar:

Malabon Central Command and Communications Center
8-921-6009 / 8-921-6029
0942-372-9891 / 0919-062-5588

TXT MJS
0917-689-8657




πŸ“’ ABISO | CLASSES WILL SHIFT TO HINAY (EASE IN)Ayon sa abiso ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon, suspendido ang face-to-f...
16/08/2026

πŸ“’ ABISO | CLASSES WILL SHIFT TO HINAY (EASE IN)

Ayon sa abiso ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong Agosto 17, 2026 dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat.

Magpapatuloy ang pagkatuto sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM). Para sa mga learning activities, makipag-ugnayan sa inyong class adviser.

Stay safe, everyone! πŸŒ§οΈπŸ’™

πŸ“’ ABISO | CLASSES WILL SHIFT TO HINAY (EASE IN)Ayon sa announcement ng Malabon City Government, ang face-to-face classes...
13/08/2026

πŸ“’ ABISO | CLASSES WILL SHIFT TO HINAY (EASE IN)

Ayon sa announcement ng Malabon City Government, ang face-to-face classes mula Kindergarten hanggang Grade 6 ay magshi-shift sa Alternative Delivery Mode (ADM) ngayong August 14, 2026.

Para sa mga learning activities, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong class adviser para sa mga instructions, activities, at iba pang kailangang gawin sa araw na ito. Siguraduhing manatiling updated sa mga announcements ng inyong klase para tuloy-tuloy ang learning kahit nasa bahay. πŸ“šβœ¨

Stay safe, everyone! πŸ’™
Mag-ingat at keep learning, Imeldians!

πŸ“’ ABISO | CLASSES WILL SHIFT TO HINAY (EASE IN)Ayon sa anunsyo ng Malabon City Government, ang face-to-face classes mula...
12/08/2026

πŸ“’ ABISO | CLASSES WILL SHIFT TO HINAY (EASE IN)

Ayon sa anunsyo ng Malabon City Government, ang face-to-face classes mula Kindergarten hanggang Grade 6 ay lilipat sa Alternative Delivery Mode (ADM) bukas, Agosto 13, 2026, bilang pag-iingat sa patuloy na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon (Habagat).

Para sa mga learning activities at iba pang gawain, inaabisuhan ang mga mag-aaral at magulang na makipag-ugnayan sa kanilang class adviser para sa mga kaukulang instructions at learning tasks.

Patuloy na makinig sa mga opisyal na anunsyo at higit sa lahat, unahin ang kaligtasan. πŸŒ§οΈπŸ’™

Mag-ingat, Imeldians!

πŸ“’ ABISO | CLASSES SHIFT TO HINAY (EASE IN)Alinsunod sa abiso ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon, walang face-to-face clas...
10/08/2026

πŸ“’ ABISO | CLASSES SHIFT TO HINAY (EASE IN)

Alinsunod sa abiso ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon, walang face-to-face classes bukas, August 11, 2026 (Tuesday).

Sa halip, magpapatuloy ang pagkatuto sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM). Para sa mga learning activities at karagdagang instructions, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong class adviser.

Patuloy tayong maging alerto, maingat, at ligtas. πŸ’™

Mag-ingat tayong lahat, Imeldians! πŸŒ§οΈπŸ“š

HAYO, HINAY, HINGA, HINTO: Alamin ang 4H ng Learning Continuity! πŸ“šπŸ’šπŸ’›πŸ§‘β€οΈSa panahon ng emergencies, hindi lahat ng β€œkansel...
10/08/2026

HAYO, HINAY, HINGA, HINTO: Alamin ang 4H ng Learning Continuity! πŸ“šπŸ’šπŸ’›πŸ§‘β€οΈ

Sa panahon ng emergencies, hindi lahat ng β€œkanselado ang pasok” ay pare-pareho ang ibig sabihin. Ang 4H ay gabay sa kung paano magpapatuloy ang pagkatuto depende sa sitwasyon.

🟒 HAYO – Continue
Tuloy ang regular na in-person classroom learning.

🟑 HINAY – Ease-in
Dito nagshi-shift sa Alternative Delivery Mode (ADM) tulad ng modular, online, o asynchronous learning habang may limitasyon sa regular na face-to-face classes.

🟠 HINGA – Check-in
Mas magaan na learning activities, kamustahan, at essential tasks muna.

πŸ”΄ HINTO – Stop
Walang face-to-face classes at walang ADM. Pansamantalang suspendido ang lahat ng learning activities.

πŸ’‘ Tandaan: Kapag walang face-to-face classes, hindi agad ibig sabihin ay HINTO. Maaaring HINAY o HINGA lang at magpatuloy ang pagkatuto sa pamamagitan ng ADM, depende sa sitwasyon at opisyal na abiso.

Hayo. Hinay. Hinga. Hinto.
Ligtas na mag-aaral, tuloy na pagkatuto. πŸ’šπŸ“š

πŸ“’ ABISO | CLASSES SHIFT TO HINAY (EASE IN)Alinsunod sa anunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon, ang face-to-face class...
09/08/2026

πŸ“’ ABISO | CLASSES SHIFT TO HINAY (EASE IN)

Alinsunod sa anunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon, ang face-to-face classes mula Kindergarten hanggang Grade 6 sa Imelda Elementary School ay ililipat sa Alternative Delivery Mode (ADM) bukas, Agosto 10, 2026 (Lunes).

Ito ay bilang pag-iingat at pagbibigay-prayoridad sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral at g**o dulot ng Bagyong Maymay.

Hinihikayat ang lahat na manatiling ligtas, alerto, at updated sa mga susunod na anunsyo.

Mag-ingat, Imeldians! πŸ’™

Address

Langaray Street, Longos, Metro Manila
Malabon
1470

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+63283513201

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Imelda Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Imelda Elementary School:

Shortcuts

Share