Barkada Kontra Droga - Malabon Elementary School

Barkada Kontra Droga - Malabon Elementary School

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barkada Kontra Droga - Malabon Elementary School, School, Naval Extension Hulong Duhat Malabon City, Malabon.

31/05/2026
31/05/2026

Halina at makiisa!




01/04/2026

Isang taon ng makabuluhang paglilingkod at makapangyarihang adbokasiya ang matagumpay na naisakatuparan ng MES Barkada Kontra Droga Club Batch 2025–2026. Ang bawat gawain, kampanya, at inisyatibo ay naging patunay ng inyong malasakit at dedikasyon sa pagtataguyod ng isang ligtas at drug-free na paaralan.

Sa bawat isa sa inyo, ang inyong pagsisikap, pagkakaisa, at pagiging aktibong kabataan ay tunay na kahanga-hanga. Hindi lamang kayo naging bahagi ng samahan—kayo ay naging inspirasyon at ehemplo ng mabuting pamumuno at responsableng pagkilos. Ang inyong kontribusyon ay mananatiling gabay at lakas ng mga susunod pang BKD members.

Sa pagharap ninyo sa mga bagong hamon at oportunidad, nawa’y patuloy ninyong dalhin ang mga aral, prinsipyo, at pagpapahalagang hinubog sa loob ng BKD. Patuloy kayong maging boses ng pagbabago at tagapagtaguyod ng tama.

Pagpupugay sa MES BKD Batch 2025–2026! Ang inyong kwento ay mananatiling bahagi ng tagumpay ng BKD 🧡🎉🥳



Photos from Malabon Elementary School's post 28/03/2026
Photos from Barkada Kontra Droga - Malabon Elementary School's post 25/03/2026

Isang taos-pusong pasasalamat po ang aming ipinapaabot sa pagkilala sa MES Barkada Kontra Droga Club bilang isa sa mga tumanggap ng Awards & Recognition for Club/Organization Achievement sa Araw ng Parangal 2026.

Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa aming club/organisasyon, kundi para sa bawat miyembro na patuloy na nagsusumikap, nakikiisa, at nagtataguyod ng adbokasiya laban sa droga. Patunay ito na sa sama-samang pagkilos, may tunay na pagbabago tayong naipapamalas sa ating paaralan at komunidad.

Maraming salamat sa aming mga g**o, Club Adviser Ma'am Neri Copiaco at Co-Adviser Maam Cubos, Dr. Rosela Q Abude, mga magulang, tagasuporta, at sa lahat ng patuloy na gumagabay at nagbibigay inspirasyon sa amin. 🧡

Patuloy kaming magiging kabalikat sa pagtataguyod ng disiplina, responsibilidad, at isang ligtas na kapaligiran para sa kabataan. 🧡





23/03/2026

✨ “Give blood, give life: Voluntary Bloodletting Program” 🩸

Join us in our Blood Donation Activity In partnership with Malabon Elementary School and be part of a life-saving cause! ❤️

📅 March 28, 2026
⏰ 9:00 AM – 3:00 PM
📍 Malabon Elementary School (Naval Ext., Hulong Duhat, Malabon City)

Sa simpleng pag-donate ng dugo, makakatulong kang magligtas ng buhay. Isang turok lang, napakalaking tulong na! 💉

Tara na—mag-donate, mag-volunteer, at magbigay ng pag-asa!

06/03/2026

Isang makabuluhang gawain ang isinagawa ng MES Barkada Kontra Droga Club sa pamamagitan ng Creation and Posting of Anti-Smoking, Anti-Vaping, Alcohol, and Anti-Drugs Signages (Year 2) na inilagay sa hallway ng mga gusali at sa iba’t ibang bahagi ng paaralan.

Layunin ng gawaing ito na patuloy na paalalahanan ang mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa kanilang kalusugan at pag-iwas sa mga bisyo at ipinagbabawal na gawain tulad ng paninigarilyo, va**ng, pag-inom ng alak, at paggamit ng ilegal na droga. Sa pamamagitan ng mga signages na ito, mas napapalakas ang kamalayan ng bawat mag-aaral at naipapaalala sa kanila ang tamang desisyon na makakatulong sa kanilang kinabukasan.

Malaki ang maitutulong ng proyektong ito sa mga mag-aaral ng Malabon Elementary School sapagkat nagsisilbi itong gabay at paalala araw-araw na piliin ang tamang landas, maging responsable sa sarili, at maging huwarang kabataan na malayo sa anumang uri ng bisyo.

Patuloy na magsisilbing katuwang ang MES Barkada Kontra Droga Club sa pagtataguyod ng isang ligtas, malusog, at drug-free na paaralan para sa lahat.





14/02/2026

🌸 MES Bible Verse Vibes – Pebrero 🌸

📖 Talata sa Bibliya:
1 Corinto 16:14

"Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang may pag-ibig."

💭 Pagninilay:
Ang Pebrero ay kilala bilang buwan ng pag-ibig. Ngunit ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang ipinapakita sa regalo o matatamis na salita. Ito ay naipapakita sa kabutihan, paggalang, pagtitiis, pagpapatawad, at pag-unawa sa kapwa.
Bilang mga mag-aaral ng Malabon Elementary School, nawa’y isabuhay natin ang pag-ibig sa pamamagitan ng paggawa ng tama, pagtulong sa nangangailangan, at paggalang sa bawat isa.

🧡 BKD Message:
Bilang kasapi ng MES Barkada Kontra Droga, pipiliin natin ang pag-ibig kaysa sa maling impluwensya. Kapag tunay nating minamahal ang ating sarili at kinabukasan, iiwas tayo sa anumang makakasama sa atin.
Sabihin ang HINDI sa droga.
Sabihin ang OO sa pag-ibig, respeto, at magandang kinabukasan.

🙏 Panalangin:
Ama naming Diyos,
Turuan Mo po kaming magmahal nang tapat sa salita at gawa. Gabayan Mo kami sa paggawa ng tama at ilayo sa anumang makakasama sa aming kinabukasan.
Amen.

Maligayang Araw ng Mga Puso sa ating Lahat mula sa inyong Ka-Barkada 🧡❤️🥰

30/01/2026

MES-BKD Bible Verse Vibes
January

📖 1 Corinto 10:23
“‘Lahat ay maaari,’ sabi ninyo, ngunit hindi lahat ay kapaki-pakinabang.”

Reflection

Maraming bagay ang maaaring subukan ng kabataan, ngunit hindi lahat ay mabuti para sa katawan, isipan, at kinabukasan. Ang droga ay maaaring ialok bilang “uso” o “bisyo lang,” pero hindi ito kailanman magiging kapaki-pakinabang. Bilang kabataan, may kalayaan tayong pumili—ngunit kasama ng kalayaang ito ang pananagutan na piliin ang tama. Ang tunay na lakas ay ang kakayahang tumanggi sa maling gawain at piliin ang landas na magbibigay ng buhay at pag-asa.

🤝 BKD Message (Barkada Kontra Droga)

Bilang isang Ka-Barkada, pinipili nating maging kaibigan na nagtutulakan pataas, hindi pababa. Hindi lahat ng inaaya ng barkada ay dapat sundan. Ang tunay na kaibigan ay nag-aakay sa tama, nagmamalasakit, at nagnanais ng ligtas at maliwanag na kinabukasan. Sama-sama nating ipakita na cool ang pagiging drug-free.

🙏 Panalangin

Panginoon, salamat po sa gabay ng Iyong Salita. Tulungan Mo kaming magkaroon ng lakas ng loob na piliin ang tama at umiwas sa anumang makakasira sa aming buhay. Gabayan Mo ang aming isip at puso upang kami’y maging mabuting halimbawa sa aming mga kaibigan. Nawa’y manatili kaming matatag bilang kabataang may paninindigan—malaya, responsable, at malayo sa droga. Amen.


Want your school to be the top-listed School/college in Malabon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Naval Extension Hulong Duhat Malabon City
Malabon
1470