15/04/2026
TINGNAN | Safe Space Act Orientation, Isinagawa
Dinaluhan ng mga student leader mula sa Mataas na Paaralan ng Panghulo ang isinagawang orientation ukol sa RA 11313 o Safe Space Act nito lamang ika-15 ng Abril, taong kasalukuyan sa Multi-purpose hall ng Barangay Panghulo Malabon.
Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan ng mga Barangay at Police Officers ng Panghulo na dinaluhan naman ng mga pinunong mag-aaral ng Panghulo National High School kasama ang mga nagboluntaryong mamamayan ng nasabing barangay.
Ang orientation ay nagsimula sa isang panalangin na sinundan naman ng pambungad na pananalita sa pangunguna ni Ginoong Borja, Barangay Captain ng Panghulo.
Tinalakay sa nasabing orientation ang Republic Act No. 11313 o Safe Space Act na kilala rin sa tawag na "Anti-Bastos Law" kung saan binigyang diin ng mga pulisya ang mga iba't-ibang uri ng gender-based sexual harrassment tulad na lamang ng hate speech, doxxing, catcalling, cyberstalking at iba pa, gayundin ang mga kaakibat na multa at parusa nito.
Binigyang pansin din ng mga tagapagsalita ang halaga at objective ng "curfew" para sa mga menor de edad, isang patakaran sa pagtatakda ng oras na bawal lumabas para sa kaligtasan ng bawat kabataan.
Matapos ang malalim na talakayan ay agad naman binuksan ang mikropono para sa mga katanungan. Nagtapos ang orientation sa isang photo opportunity.
Tagapagbalita at Tagakuha ng Larawan: John Venette C. Tolentino
24/03/2026
TINGNAN | Iba't Ibang Aktibidad, Isinagawa sa SHS Culminating Activity ng Panghulo NHS
Naging makulay at makabuluhan ang isinagawang Senior High School (SHS) Culminating Activity ng Panghulo National High School ngayong ika-23 ng Marso, taong kasalukuyan, kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral kasama na ang mga g**o ang kanilang natutunan at nais na ibahaging kaalaman mula sa iba’t ibang asignatura at organisasyon sa pamamagitan ng iba't ibang presentasyon.
Isa sa mga naging tampok ang Science Exhibit and STEM Exhibit, kung saan naglatag ng kani-kanilang booth ang mga estudyante mula sa ika-11 na pangkat sa ilalim ni Bb. Jobelle Tabinas na naglalaman ng iba’t ibang konseptong pang-agham. Kabilang dito ang pagpapakita ng terrariums, human body parts, at mga larong may kinalaman sa pisika. Inikot nina Assistant Principal—Bb. Aileen G. Gutierrez at Master Teacher I—Sir Jcy James M. Roldan ang bawat booth upang pakinggan ang presentasyon ng mga mag-aaral at magbigay ng mga katanungan, habang nakiisa rin sa pagbisita ang ilang junior high school students.
Samantala, nagkaroon din ng mga seminar at talakayan mula sa iba’t ibang panauhing tagapagsalita kabilang na rito sina Gng. Jasmin R. Uy, G. Alden P. Lilia at ang panauhing tagapagsalita mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP)—Bb. Faith Peniel R. Uy. Ang seminar na ito ay may temang "Do Well, Live Well: The Connection of Health and Academics" na sinimulan sa oras na alas nuwebe ng umaga.
Binigyang-diin ni Gng. Uy ang kahalagahan ng tamang pananaw sa buhay sa kanyang pahayag na, “We cannot control our environment but we can control how we respond.” Dagdag pa rito, ipinaalala ni Bb. Uy, isang nutritionist mula sa PUP, ang papel ng wastong nutrisyon sa kanyang linyang, “Food is fuel.”
Kaalinsabay nito, isinagawa rin ng ABM Society Club ang kanilang 6th Business Convention na may temang “Triple I: Innovate, Integrate, and Ignite: Building Businesses That Matter,” kung saan ibinahagi ni Bb. Zyrene Nicole G. Permejo, isang Business Development Manager in Century Pacific Food, Inc., ang kahalagahan ng pagtiwala sa sarili at determinasyon upang makamit ang nais na marating. Ibinahagi niya pa ang kaniyang mga natutunan mula sa pagiging estudyante hanggang sa maging isang ganap na development manager sa pamamagitan ng makabuluhang talakayan.
Sa kabuuan, nagsilbing daan ang SHS Culminating Activity upang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang kahusayan, pagkamalikhain, at kahandaan sa hinaharap, kasama na ang mga g**o na nanguna at gumabay sa pagsagawa ng bawat gawain. Pinapatibay din nito ang koneksyon ng akademikong kaalaman at praktikal na aplikasyon nito sa tunay na buhay.
Tagapagbalita: Kim Lavayne Marcos
Tagakuha ng Larawan: Yoshicka Aliyah C. Delos Santos at Faith Eunice S. Bagtas
20/03/2026
TINGNAN | Malugod na pagbati sa nagwaging kinatawan ng Kinang sa ngalan ni Diana O. Corbito para sa kanyang karangalang nakamit sa Rehiyong Kumprehensiya sa Pamamahayag sa Filipino (RSPC) na ginanap noong ika-10 ng Marso 2026 sa University of Perpetual Help System DALTA, Las Piñas Campus.
Ang pagkapanalong ito ay hindi lamang nagbigay ng karangalan sa pangalan ng sintang paaralan, bagkus pati na rin sa mga kapwa ninyo mamamahayag. Hindi rin matatawarang pasasalamat sa gabay at suporta mula sa Kahaliling G**ong Tagapayo ng Kinang, Binibining Claudine S. De Leon; Dalubhasang G**o sa Filipino, Ginang Angelith D. Calipay; Ulong G**o sa Filipino, Ginoong Sherwin C. Mamaril; Katuwang na Punongg**o, Aileen G. Guitierrez; at sa Punongg**o ng paaralan, Ginoong Julius D. Jaylo.
Dibuhista: Amber Loraine M. Tecson
15/03/2026
TINGNAN | 1st Quarter NSED, Isinagawa
Isinagawa ng Mataas na Paaralan ng Panghulo ang 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noong ika-12 ng Marso, kasalukuyang taon, sa ganap na ika-4:30 ng hapon, sa ground ng paaralan. Kabilang sa gawaing ito ang mga mag-aaral mula sa Baitang 8, 9, at 12, pati na rin ang mga kawani ng paaralan.
Ang drill ay pinangunahan ng organisasyong Hazmat. Sinimulan ito ni Ginoong Ramses Regudo, g**ong tagapayo ng Hazmat, na nagbigay ng mga paalala sa mga mag-aaral. Ipinaalala niya na sa oras ng ganitong mga sakuna, mahalagang iwasan ang mga kilos na hindi makatutulong sa kaligtasan ng bawat isa.
Nagbigay rin ng kanilang mga obserbasyon ang mga bisitang tagamasid mula sa kapulisan at Bureau of Fire Protection (BFP) hinggil sa naging kilos at pagtugon ng mga mag-aaral sa isinagawang drill, kasama ang ilang paalala upang mas mapabuti pa ang susunod na pagsasanay.
Nagparamdam din ng pakikiisa at presensya ang Philippine National Police (PNP) na nakadestino sa lugar ng paaralan kasama ang mga mag-aaral sa kursong Criminology ng City of Malabon University (CMU).
Samantala, nagbahagi rin ng kaniyang mensahe si Ginoong Julius Jaylo, Punong-G**o ng paaralan. Binanggit niya ang ilang napansing asal ng mga mag-aaral habang isinasagawa ang drill, tulad ng pagtawa, pag-uusap, at pagiging maingay, at pinaalalahanan ang lahat na dapat ay seryosohin ang ganitong mga pagsasanay para sa kaligtasan ng bawat isa.
Matapos ang nasabing aktibidad, ang mga mag-aaral at g**ong nakilahok ay bumalik na sa kani-kanilang silid-aralan.
Tagapagbalita: Euleen Kate B. Cumpa
Tagakuha ng Larawan: Faith Eunice S. Bagtas
14/03/2026
TINGNAN | Corbito, Sumiklab sa RSPC 2026
Opisyal na isinagawa ang gawad parangal para sa Panrehiyong Kumperensiya sa Pamamahayag ng mga Paaralan na may temang "Truth in the Digital Age: Empowering Student Voice through Responsible Journalism" nito lamang ika-14 ng Marso taong kasalukuyan sa Ernesto Palanca Crisostomo Auditorium ng University of Perpetual Help System DALTA.
Nagpakitang gilas si Diana O. Corbito, isang mamamahayag ng Kinang mula sa Mataas na Paaralan ng Panghulo nang kanyang selyuhan ang ikaapat na puwesto para sa Pagsulat ng Lathalain - Sekondarya noong ika-10 ng Marso, taong kasalukuyan katuwang ang tagapagsanay nito, G. Christopher James M. Calderon.
Kasama nya rito si John Venette C. Tolentino na lumaban sa larangan ng Pagsulat ng Balitang Isports - Sekondarya na naganap naman noong ika-11 ng Marso katuwang ang tagapagsanay nito, Bb. Claudine S. De Leon.
Matapos makamit ni Corbito ang Tanso na medalya sa naganap na Division School Press Conference noong ika-10 ng Disyembre 2025 ay isang marubdob na pagsasanay ang kaniyang muling kinaharap bago umariba sa RSPC 2026.
"Nais kong ihayag ang pasasalamat ko sa mga taong sumuporta sa akin. Ang panalong ito ay magsisilbing aral at hakbang tungo sa mas malawak pang paglalakbay. " Ani ni Corbito sa pagkawagi.
Ang nasabing gawad parangal ay dinaluhan ng mga nagwaging pinakamahuhusay na mamamahayag sa iba't-ibang lungsod ng National Capital Region.
Pagbati kay Diana O. Corbito para sa pagbibigay ng dangal at karangalan sa ating paaralan at sa ating mahal na lungsod.
Tagapagbalita: John Venette C. Tolentino
Larawan: Oplan Pamamahayag sa Malabon (OPM)
11/03/2026
TINGNAN | Mga larawan mula sa una at ikalawang araw, ika-10 at 11 ng Marso, taong kasalukuyan ng 2026 Regional Press Conference and Contests (RSPC) na nilahukan ni Diana O. Corbito, Patnugot ng Lathalain at John Venette C. Tolentino, Punong Patnugot ng Kinang na kabilang sa mga kinatawan ng Pansangay ng Malabon.
Larawan: Bb. Claudine S. De Leon
05/03/2026
TINGNAN | MATH-INIK na mga Panghulonians, Pinarangalan
Nitong ika-2 ng Marso 2026, pinangunahan ng Ulong G**o sa kagawaran ng Matematika, Gng. Marilyn G. Tana ang paggawad ng parangal sa mga nagsipaglahok at nagsipagwagi sa mga nagdaang kompetisyon sa Matematika sa iba't-ibang kategorya.
Nariyan ang International Speed Math Challenge (ISMC) 2025, German Math Olympiad 2026, Numerical Ability International Competition (NAIC) 2025, Thailand International Mathematical Olympiad (TIMO) 2025, Guandong-Hong-Kong-Macao Greater Bay Area (Big Bay Bei) Mathematical Olympiad 2025, National Scholarship Ability Tournament (NSAT), National Math and Science, at iba pang kompetisyon.
Pinarangalan ang mga nagsipagkamit ng mga karangalan. Ginto, pilak, at tansong mga medalya ang iniuwi ng mga kalahok para sa Panghulo National High School.
Dahil dito, pinarangalan din ang Punong G**o ng paaralan, G. Julius D. Jaylo, kasunod ng paggawad ng sertipiko sa tagapagsanay ng mga lumahok sa mga nasabing kompetisyon na si G. Gabriel T. Vargas, Dalubhasang G**o sa Matematika.
Nagsimula ang maikling programa sa pagpapakilala ng mga nagwagi at nagkamit ng medalya at sertipiko sa iba't ibang baitang.
Tagapagbalita: Raymond James D. Alerta
Tagakuha ng Larawan: Yoshicka Aliyah C. Delos Santos
01/03/2026
TINGNAN | HIRAYA, Sinelyuhan ang Kampeonato sa Pinoy Hip Hop 2026
Nagpakitang gilas ang mga mananayaw mula sa iba't ibang pangkat sa ika-10 baitang ng Panghulo National High School sa ginanap na "Pinoy Hip Hop and Pinoy Dance Hits 2026" sa ground ng paaralan nitong ika-28 ng Pebrero, taong kasalukuyan sa oras na alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.
Sinimulan sa isang nationalistic song na pinangunahan ang programa nina Bb. Aerish S. Bucsit, Bb. Shei Juztine Malibiran, at G. Juan Miguel C. Sucayan. Ang gawaing ito ng mga g**o sa asignatura ng MAPEH katuwang ang gabay ng Ulong G**o sa Departamento nito, Gng. Elizabeth America ay naglalayon na maipakita ang iba't ibang estilo ng sayaw ng Hip Hop sa pamamagitan ng husay at talento ng mga batang Panghulonians.
Ang mga magsilbing hurado upang magbigay marka sa patimpalak ay sina Bb. Nica P. Tomo, Bb. Lea A. Palermo, Bb. Mhanz O. Panganiban, Bb. Marjorie B. Almadin, at G. Kenneth E. Sanchez.
Bago ianunsiyo ang mga nagwagi sa patimpalak ay ibinigay muna ang "Certificate of Participation" sa bawat pangkat na nakilahok.
Narito ang pangalan ng seksyon at pwesto ng mga nagwagi sa nasabing patimpalak:
Para sa 'BEST DANCER':
🏅Eusin P***n ng 10-Hiraya
🏅Shella Mae Leorag ng 10-Padayon
🏅 Kyla Eunise Najera
Para naman sa nagwagi sa kumpetisyon:
Ang ikaapat na puwesto ay nasungkit ng 10-Puhon
🥉 Ang ikatlong puwesto ay nasungkit ng 10-Sikhay
🥈 Ang ikalawang puwesto naman ay nakuha ng 10-Padayon
🥇 Habang ang unang puwesto ay nakuha ng 10-Marilag
🏆At ang nagwagi at nakasungkit ng kampeonato ay ang 10-Hiraya
Tagapagbalita: Kim Lavayne Marcos
Tagakuha ng Larawan: John Venette C. Tolentino at Yoshicka Aliyah C. Delos Santos
28/02/2026
TINGNAN | Bagong Halal na SSLG Officers, Prinoklama
Isinagawa nitong ika-27 ng Pebrero, kasalukuyang taon ang opisyal na anunsyo ng mga bagong halal na opisyal ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) para sa susunod na taong pampaaralan. Ang nasabing anunsyo ay pinangunahan ni Ginoong Nilo Boquiren, g**ong tagapayo ng organisasyong CIC, kasama ang mga aktibong miyembro nito kasama nina Binibining Lea Palermo, G**ong Tagapayo ng SSLG, at Ginang Divina Macas, Ulong G**o sa Araling Panlipunan.
Matapos ang isinagawang botohan sa kaparehong araw, opisyal na inanunsyo ng CIC ang mga nanalong kandidato mula sa posisyong Grade 8 Representative hanggang sa pinakamataas na posisyon sa pamunuan. Nahahalal bilang Grade 8 Representatives sina Alleah Gallenera at Chuck Jaden Malayo; bilang Grade 9 Representatives naman sina Miel Felize Ranay at Francine Francisco; bilang Grade 10 Representative si Mike Alexander Gerona; bilang Grade 11 Representative si Rodolfo Roque; at bilang Grade 12 Representative si Mardy Mitch Balbin.
Samantala, nahalal bilang bagong Treasurer ng SSLG si Amber Loraine Tecson, Auditor si Mirabhiel Cordero, Public Information Officer (P.I.O.) si John Venette Tolentino, Protocol Officer (P.O.) si Andrew Dela Cruz, at Secretary si Joana Micaela Bariso.
Nahalal naman bilang Bise Presidente si Mikylee Andrea Sumanting at bilang bagong Presidente ng SSLG, si Likha Aquino.
Tagapagbalita: Euleen Kate B. Cumpa
Tagakuha ng Larawan: Faith Eunice S. Bagtas
25/02/2026
TINGNAN | Ika-40, EDSA People Power Revolution
Noon ang takot ang bumabalot sa bawat sulok ng bayan. Sa kalsada'y rinig ang mga hinanaing ng mga mamayanan. Ngunit may mga pusong hindi nagpatinag, pilit nilang nilaban ang kalayaan ng bayan. Sa kahabaan ng EDSA, hindi armas ang itinaas kundi ang ating kalayaan. Hindi galit ang sinambit kundi panalangin para sa bayan. Hindi dahas ang pinili kundi pagkakaisa.
Sabi nila maliit lamang ang tao.
Sabi nila walang laban ang mga mamayanan.
Ngunit noong naghawak-hawak kamay ang buong bayan. Noong nagsama sama ang milyon-milyong tinig na pilit pinatahimik ng pamahalaan, nagsimulang magbago ang lahat. Ang bawat tinig ay narinig at ang minimithing kalayaan ay nakamit. Ang araw na iyon ay nagmarka sa ating kasaysayan, isa itong patunay na kapag ang bayan ay pagod nang magbulag-bulagan at napapagkaitan na ng kalayaan, handa silang makaisa upang makamit ang katarungan.
Kapsyon: Jonna Mae Q. Dogpon
Dibuhista: James P. Cornejo
16/02/2026
TINGNAN | "Early Registration Parade" ng PNHS, Isinagawa
Isinagawa ang "Early Registration Parade" ng Panghulo National High School nitong ika-16 ng Pebrero, taong kasalukuyan. Ang kaganapang ito ay pinangunahan ng iba't ibang organisasyon at samahan sa loob ng paaralan, kasama ang aktibong suporta ng mga g**o.
Nilayon ng parada na hikayatin ang mga mag-aaral mula sa Barangay Panghulo at karatig-lugar na magpalista at mag-enroll sa sintang paaralan. Habang umiikot sa itinakdang ruta, masipag na namahagi ang mga miyembro ng iba't ibang organisasyon ng mga flyers at registration forms sa mga mamamayan.
Bilang pagtatapos ng aktibidad, nagbigay ng mga mensahe ang punong-g**o ng paaralan na si Ginoong Julius D. Jaylo, Ulong G**o sa Departamento ng MAPEH na si Ginang Elizabeth U. America, at iba pang g**o.
Tagapagbalita: Diana O. Corbito
Tagakuha ng Larawan: Amber Loraine M. Tecson
15/02/2026
PANITIKAN | “Mahal Kita Hindi Lamang sa Ika-14 ng Pebrero”
Araw ng pag-ibig ngayon, halos lahat ng mga tao ay aligaga—may nag-aayos ng pananamit, bumibili ng bulaklak, namimili ng tsokolate, at marami pang iba. Pero heto ako, nakatitig lamang sa mga mata mong kulay abo. Habang gumagawa ng talata tungkol sa iyo.
Sa aking mata, isa kang bituin na nagniningning sa madilim na kalangitan, isa kang obra maestra na ang halaga ay hindi matutumbasan ng pera, at isa kang tula na pilit kong binibigkas dahil sa magaganda mong ideya.
Hindi ko lubos maisip kung bakit ko nagagawa ang mga bagay na hindi ko kailan man nais gawin. Sig**o, dahil kung mahal mo ng tunay ang isang tao, magagawa mo ang mga bagay na hindi mo aakalaing makakaya mo. Sa bawat paggawa nito’y may kusang humuhubog, sa kung paano kita tingnan tuwing ako’y mabibigyan ng pagkakataon.
At palagi kitang pipiliin sa araw-araw—kahit ano mang problema ang ating maranasan, ako’y magbibigay sa iyo ng sapat o sobrang katiyakan para lamang maiparamdam ko sa iyo ang aking damdamin, at akin kitang tatanggapin sa anumang sitwasyon. Hindi ko man maipangako ito sa iyo, ngunit ipapangako ko ito sa aking sarili. Iuukit ko ito sa bato—umaraw man o bumagyo—hindi mawawala ang aking pangako, na mahal kita hindi lamang sa ika-14 ng Pebrero na itinuturing na Araw ng mga Puso.
Sulat ni: Jormaina Angel Ortega
Dibuhista: Jammea Alyna Abad