Ang Pinsel - AP Publications

Ang Pinsel - AP Publications

Share

Official School Publications of Longos National High School
Schools Division Office - Malabon

17/05/2026

πŸ«πŸ’šπ‘©π’“π’Šπ’ˆπ’‚π’…π’‚ π‘¬π’”π’Œπ’˜π’†π’π’‚, 𝒂𝒏𝒐 𝒕𝒂𝒓𝒂? πŸ’šβœ¨
Hali na at makiisa sa sama samang paglilinis at pag aayos ng ating paaralan πŸ“šπŸŒ± Hindi lang ito simpleng gawain, ito ay bayanihan na may kasamang saya, tulungan, at konting pawis na sulit πŸ˜†

🧹 Kahit simpleng walis, mop, o pintura ang dala mo, malaking ambag na agad β€˜yan!
Bonus na rin ang libreng workout habang naglilinis 😭πŸ’ͺ

🌈 Sa bawat tulong, mas gumaganda ang ating paaralan at mas nagiging handa para sa bagong taon 🀝✨
Kaya huwag mahiya, lahat ay welcome sumama at makiisa 😌

✨ π‘²π’Šπ’•π’‚π’Œπ’Šπ’•π’”!
Dahil ang malinis na paaralan ay maayos na kapaligiran para sa kaunlaran,
Mas nagiging handa ang bawat isa tungo sa tagumpay at kinabukasan πŸŒΏπŸ“š

πŸ–ΌοΈ: Lady Cianaiah Yani Bantug | Public Information Officer

✍️: Princess Thea Viaña | Grade 7 Representative

Photos from Ang Pinsel - AP Publications's post 06/04/2026

Bago tuluyang isara ang ating kabanata, isang marubdob at taos-pusong pagbati sa ating mga Pinsel Awardeesβ€” mga tunay na sumakses! πŸ₯³πŸŽ‰

Kayo ay hindi lamang mga simpleng awardees, kundi kayo ay mga huwarang mamamahayag din na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa kapwa mag-aaral na mangarap nang mataas at magsikap nang buong puso.

Ang inyong tagumpay ay bunga ng walang sawang pagsusumikap, tiyaga, at paniniwala sa sariling kakayahan.

Nawa’y magsilbi kayong ilaw at gabay sa iba pang kabataang nagnanais sumunod sa inyong mga yapak. Ipagpatuloy ninyo ang pagiging boses ng katotohanan at tagapagdala ng makabuluhang impormasyon sa loob at labas ng ating paaralan. Huwag kayong titigil sa pag-abot ng inyong mga pangarap, sapagkat kayo ang pag-asa at kinabukasan ng ating pamayanan.

Muli, isang taos-puso at marubdob na pagbati sa inyong lahat! Patuloy ninyong pagyamanin ang inyong talento at gamitin ito sa makabuluhang layunin bilang mga Pinsel Awardees. πŸŽ‰βœ¨

16/03/2026

Isang makasaysayang tagumpay! 🌟

Matapos ang ilang taon ng pananabik at pagsusumikap, muling nagningning ang pangalan ng Longos National High School sa larangan ng pamamahayag. Ang ating mga mag-aaral na mamamahayag sa NCR Regional Schools Press Conference 2026 ay patunay na ang pangarap, kapag pinaghirapan at pinangalagaan, ay nagbubunga ng tagumpay. βœοΈπŸ†πŸŒŸ

Marubdob na pagbati sa inyo Bianca Mae E. Andales, fourth placer ng Copyreading and Headline Writing (Filipino), at Mark Glend L. Tempog, fifth placer ng Photojournalism (Filipino) bilang Regional finalists ng RSPC '26.

Hindi lamang ito panalo sa kompetisyon, kundi isang panalo ng puso at diwa ng bawat Longosian na patuloy na naniniwala sa kakayahan ng kabataan. Ang inyong tagumpay ay alaala ng tiyaga, sakripisyo, at muling pagbabalik ng ating paaralan sa entablado ng karangalan.

Salamat sa inspirasyon. Salamat sa pag-asa. Salamat sa tagumpay. Mabuhay kayo at Mabuhay ang Longos National High School! πŸ’–

Photos from Ang Pinsel - AP Publications's post 14/03/2026

BALITA | 2 Longosian CJs, finalists sa NCR RSPC '26

Nasungkit nina Bianca Mae E. Andales at Mark Glend L. Tempog ang ikaapat at ikalimang puwesto sa Pag-uulo at Pagwawasto ng Balita at Pagkuha ng Larawang Pampahayagan sa pampinid na palatuntunan ng Regional Schools Press Conferences ngayong araw, Marso 14.

Kapwa sila nakipagtagisan ng husay sa pamamahayag laban sa 48 campus journalists mula sa iba't ibang lungsod ng National Capital Region.

Pinatunayan ni Tempog, two-time RSPC Qualifier, ang kanyang talento sa Photojournalism (Filipino) matapos niyang makapagpasa ng mga larawan na sakto sa paksa na 'emotion in motion'.

Aniya, "ito na ang huling taon ko sa Longos kaya ibinigay ko na ang lahat. No more trial and error. I need to be sure na sa aking mga larawan".

Sa kabilang banda, hindi lamang isang 'beginner's luck' ang napatunayan ni Andales sa kanyang kategorya na Copyreading and Headline Writing (Filipino).

Ayon kay G. Ricky Ranido, tagapayo at tagapagsanay nila Tempog, "nakatadhana si Bianca para rito mula sa sole survivor ng KAISA (School-Based Press Con) hanggang sa second placer ng DSPC."

Inilarawan naman ni Andales ang kanyang laban na mahirap at nakatutuyot ng utak.

"Dalawang pahina patungkol sa Sangguniang Kabataan ang kailangan namin itama. Pagkatapos, kailangan pang isulat ulit ito. Hindi na ako umaasa pero ayon nanalo pa nga," pagbabahagi niya.

Naging kalahok din sina Princess Jamaica Padila at Summer Avelino sa nasabing patimpalak para naman sa kategoryang Pagsulat ng Balita at Pagsulat ng Balitang Agham.

Via | Angel De Castro

Photos from Ang Pinsel - AP Publications's post 07/03/2026

BALITA | HIGIT PA SA PALABAS
Pagyanig ng Sining, pagpapatibay ng kaligtasan
tampok sa MonSal Show 2026

MULING idinaan ng MonSal 2017 - Longos MontΓ©rnos Saltator sa sining ng pagtatanghal ngayong gabi, Marso 7, ang kanilang pagpapaaala sa bawat mag-aaral sa kahalagahan ng pagiging handa sa oras ng sakuna.

Sa loob ng isang oras, napagsanib ng nasabing samahan ng mag-aaral ang kanilang pagmamahal sa sining at obligasyon sa kapwa.

"Pinaghugutan namin sa piyesang ito ang palagi nating isinasagawa na Earthquake drill. Ito ay reminder sa ating lahat na hindi lamang dapat natin ito gawin dahil kailangan kundi ito ay isa sa tanging daan para matiyak ang ating kaligtasan," pagbabahagi ni Bb. Elise Cabrito, artistic director ng MonSal, sa lahat ng mag-aaral na dumalo.

Sumentro ang pagtatanghal sa pagtatampok ng mala-virtual reality na paraan nang pagpapakita ng mga posibleng sitwasyon sa oras ng pagyanig ng lupa.

"Binalanse namin ang paggamit ng graphics para sa paglalarawan ng magiging epekto ng sakuna. Pagkatapos, itinawid naman namin sa drama at sayaw ang pagpapakita ng magiging kalagayan natin kapag nangyari ito," dugtong niya.

Sa kabila ng mga problemang teknikal, hindi ito naging balakid upang maisakatuparan ang kanilang taunang hangarin-- magtanghal at mulatin ang kapwa sa mga napapanahong usapin.

"The show must go on. Walang kahit anong pagkakataon ang makapagpapahinto sa MonSal na tuparin ang layunin namin sa pagtatanghal: ipamalas ang pagmamahal sa sining at mag-iwan ng aral sa manonood hinggil sa usaping sila rin ay dapat makisangkot," aniya.

Sa parehong programa, iginawad naman ng SOAS ang pagkilala sa mga nagsipagwaging mag-aaral sa kanilang painting contest nitong Pebrero.

Para sa Baitang 7 at 8, kinilala ang Baitang 7 (AM classes - Tagapagsanay: G. Andy Bobon), unang karangalan; Baitang 7 (PM classes - G. Roberto Bebita), ikalawang karangalan, at Baitang 8 (PM classes - Bb. Jamelle Sollorin).

Sa kabilang banda, iginawad naman sa Baitang 9 (AM classes - G. Nestor Bernadas), unang karangalan; Baitang 10 (PM classes - Gng. Maricel Evaristo), at Baitang 10 (AM classes - G. Emerson Barbosa) para sa nasabing baitang.

Via | Angel De Castro, Mark Glend Tempog, Janine Advincula, at Jewel Garcia

07/03/2026

MONSAL SHOW UPDATE | Dala ng biglang pagbuhos ng ulan at technical adjustments, bahagyang may pag-urong sa iskedyul ng first show ng MonSal 2017 - Longos MontΓ©rnos Saltator ngayong hapon.

Dahil dito, inaabisuhan ng nasabing samahan na ang second show ay inaasahang gaganapin sa 6:30 ng gabi.

Via | Angel C. De Castro

Photos from Ang Pinsel - AP Publications's post 07/03/2026

Mas dumadami, mas lumalakas! ✍️🌟
Buong pagmamalaking ibinabahagi ng Ang Pinsel ang pagdating ng mga bagong miyembro ng ating publikasyon. πŸŽ‰

Malugod naming niyayakap ang kanilang talento, ideya, at dedikasyon sa pagsusulat at pag-uulat ng katotohanan para sa Longosian, para sa Bayan!

Upang maging opisyal na kasapi, mangyaring makipag-ugnayan kina Angel C. De Castro (Kasalukuyang Pangulo) para sa mga panghapon na mag-aaral (RM 402), Mark Glend Tempog (Ikalawang Pangulo) para sa mga pang-umagang mag-aaral (RM 401), o kay G. Ricky Ranido (Tagapayo) hinggil sa membership form ng publikasyon.

Sa kabilang banda, para sa mag-aaral na nagpatala ngunit hindi nakapagpasa ng kanilang portfolio kaya hindi nasala ang aplikasyon, mangyaring makipag-ugnayan ng direkta sa aming tagapayo.

Muli, maligayang pakikibahagi sa lumalagong Ang Pinsel---Tagahatid ng katotohanan, tagapagsulong ng katarungan, at tinig ng kabataan! ✍️🌟

06/03/2026

BREAKING NEWS | LNHS Taekwondo veteran nakasipa ng ginto sa NCR, lusot na sa Palarong Pambansa

THE long wait is over.

Ito ang pinatunayan ng Longosian Taekwondo Palaro veteran matapos makasungkit ng ginto sa National Capital Region Palaro at selyuhan ang tiyansa na makausad sa Palarong Pambansa ngayong araw, Marso 6.

Tinapos na ni Christopher M. Alonzo ang apat na taon niyang pangarap na makapagpalarong pambansa pagkatapos niyang pataubin ang lahat ng mga nakaharap sa Finweight division ng NCR Palaro.

"Kitang kita ko ang determinasyon ni Alonzo na ilaban ang Malabon at ipanalo ang mga naging laro niya kontra sa mga malalakas din na Sangay," pagbabahagi ni Bb. Jamelle Sollorin.

Matatandaan Baitang 7 pa lamang ay naglalaro na sya para sa Longos at para sa Sangay ng Malabon.

"Pangarap naming lahat na makapagpalarong pambansa. Titiyakin ko na sa huling laban ko ay ilulusot ko na ito," pahayag ni Alonzo sa publikasyon.

Inilarawan din ni Coach Jam na tunay na hinubog si Alonzo ng panahon. Ito na rin ang pagkakataon niya na bitbitin ang NCR at irepresenta ang Malabon sa Pambansang antas.

Kasama rin ni Alonzo na nakapuwesto si Charmaine Gracey Desamparado, fourth place, sa NCR - Taekwondo.

Kaugnay nito, kasado na rin na gaganapin ang Palarong Pambansa sa Agusan Del Sur na inaasahang buksan sa Mayo 24.

Via | Ryle Watson

03/03/2026

BALITANG NCR PALARO | AHON NA AHON ang Sangay ng Malabon matapos maging dominante sa ikalawang laban nila, 44 - 37, kontra Las PiΓ±as sa NCR Palaro 5v5 girls.

Pinalasap ni Althea Santos ang pagiging beterana sa Palaro matapos niyang pigilan ang Las PiΓ±as na makausad sa pagkakatabla sa ikatlong kuwarter.

"Mas mahusay ang pinakitang laro ngayon ng Malabon. Lamang tayo sa lahat pagkatapos hinarurot pa natin ang kalamangan matapos nilang makahabol at tumabla," bahagi ni Coach Nestor Ramilo.

Sa kasalukuyan, 2-0 slate na ang Malabon sa bracket kung saan kabilang sila.

"Tiwala ako na magiging dominante pa tayo sa bracket natin at sana mailusot hanggang semi quarter," dagdag pa ni Coach Ramilo.

Nakatakda naman harapin ng Malabon ang Pasay sa Game 1 bukas.

Via | Ryle Watson

02/03/2026

BALITANG NCR PALARO | UMAHON ang mga pambato ng Sangay ng Malabon sa unang laban nila, 33-37, sa NCR Palaro 5v5 basketball girls kontra sa Navotas Navigators.

Napigilan ng Longos ang patuloy na pagiging dominante ng Navotas sa mga unang kuwarter matapos tapatan ni Jennica Grasyo at Althea Santos ang kalamangan ng dating kambal na lungsod.

"Dala ng naging solid na depensa ni Grasyo at crucial shot ni Santos, nasulot namin ang unang pagkapanalo," pagbabahagi ni Coach Nestor Ramilo.

Hindi pa man natatapos ang araw nakatakda na agad na harapin ng Malabon ang Las PiΓ±as bukas.

"Ilalaban pa natin ang Malabon sa bracket namin hanggang makalusot ng semis," ani naman ni Coach Jayrald Pesimo.

Via | Ryle Watson

Photos from Ang Pinsel - AP Publications's post 28/02/2026

LATHALAIN | Sa Taas ng Tore, Sumibol ang Sining

Hindi lamang ang tanyag na kampana ng Manila Clock Tower ang umalingawngaw ngayong araw, Pebrero 28. Bagkus, kasabay nito ang pagtibok ng puso ng mga kabataang alagad ng sining, mula sa iba't ibang paaralan sa Metro Manila, na nakiisa sa Art Month Youth Empowerment Program.

Sa gitna ng mga makasaysayang pader, isang masining na pagtitipon ang nagbukas ng pinto para sa mag-aaral mula Baitang 5 hanggang 10. Sa hanay ng mga delegado, bitbit ng mga mag-aaral mula sa Longos ang kanilang pagnanais na matuto. Sa ilalim ng paggabay ni G. Kenneth Cunanan, naging kinatawan sina Jace Diosano, Axcel J. Abuga, at Marie Justimbaste upang sumisid sa mundo ng sining.

Pakikinig at Paglikha

Nagsimula ang araw sa pakikinig sa mga tampok na tagapagsulong ng Sining. Ibinahagi nina Jonathan RaΓ±ola, Patrick Naval, at Melissa VillaseΓ±or na ang bawat obra ay may kwentoβ€”at bawat artist ay may boses. Hindi lamang simpleng pagbisita sa artwork ang naganap; nagkaroon din ng pagkakataon ang mga estudyante na direktang makipag-usap at humugot ng inspirasyon mula sa mga eksperto.

Ngunit ang sining ay hindi lamang sa mata; ito ay nasa kamay din. Sa pamamagitan ng Art Therapy session ni Ma’am Maryrose Gisbert, muling binalikan ang mga pundasyon: ang tamang pagporma ng bilog, ang laro ng anino (shadowing), at ang kakaibang tekstura ng sand paper art. Dito napatunayan na ang pagbuo ng isang simpleng mansanas o silindro ay nangangailangan ng pasensya at pagmamahal.

Sining bilang Karanasan

Bilang pangwakas, inakyat ng mga kalahok ang tuktok ng Manila Clock Tower Museum. Sa bawat hakbang paitaas, tila mas lalong lumalawak ang pananaw ng kabataan. Ang makita ang mga obra na nakasabit sa gallery ay nagbigay ng mensahe: balang araw, ang kanilang mga gawa ay mapapabilang din dito.

Ang programang ito ay hindi lamang basta workshop; ito ay pagpapaalala na ang galing at husay ng bawat mag-aaral ay kayamanan ng ating bayan. Sa pagbaba nila mula sa tore, bitbit nila ang bagong kaalaman at mas nag-aalab na pagnanasa na ituloy ang kanilang sining.

Via | Axcel Abuga

Want your school to be the top-listed School/college in Malabon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Pampano Street, Baranggay Longos
Malabon