Teacher Joyce

Teacher Joyce Kindergarten Teacher

Unti-Unti, Pero UmaasensoMay batang mabilis matuto, may batang nangangailangan ng mas mahabang panahon.Pero bawat pagbab...
14/07/2026

Unti-Unti, Pero Umaasenso

May batang mabilis matuto, may batang nangangailangan ng mas mahabang panahon.

Pero bawat pagbabasa, pagsusulat, at pagsubok ay hakbang papunta sa tagumpay.

Hindi mahalaga kung gaano kabilis… ang mahalaga ay hindi sumusuko.

Hindi lahat ng boses ni Teacher ay galit.Minsan, ang boses na tila mahigpit ay boses ng isang g**ong nag-aalala.Ang paul...
14/07/2026

Hindi lahat ng boses ni Teacher ay galit.

Minsan, ang boses na tila mahigpit ay boses ng isang g**ong nag-aalala.

Ang paulit-ulit na paalala ay hindi dahil sawa na si Teacher , kundi dahil naniniwala siyang kaya pa ng bata.

May mga pagkakataong kailangan nating itama ang mali, turuan ng disiplina, at ipakita ang tamang landas. Hindi dahil gusto nating pagalitan sila, kundi dahil gusto nating makita silang lumago.

Sa likod ng bawat “Ayusin mo ‘yan,” “Makinig ka,” at “Kaya mo ‘yan” ay isang pusong nagsasabing:
“Naniniwala ako sa’yo. Gusto kong maging mabuti kang tao.”

Kaya sa mga magulang, kapag minsan mas mahigpit si Teacher , alalahanin nating pareho lang ang hangarin natin: ang magandang kinabukasan ng ating mga anak.

Bagong linggo na naman, bagong pagkakataon para magbigay ng kaalaman, inspirasyon, at pagmamahal sa ating mga bata. Bila...
12/07/2026

Bagong linggo na naman, bagong pagkakataon para magbigay ng kaalaman, inspirasyon, at pagmamahal sa ating mga bata.

Bilang g**o, hindi lang tayo nagtuturo ng pagbasa, pagsulat, at mga aralin… tinuturuan din natin silang maging mabuting tao, magkaroon ng respeto, at maniwala sa kanilang sarili.

Tandaan: Ang batang nararamdamang mahalaga siya ay mas nagiging handang matuto.

Simulan natin ang linggo na may positibong puso at paniniwala na bawat bata ay may kakayahang umunlad.

Sa ADM, ang tahanan ay nagiging munting classroom kung saan ang magulang ang unang g**o at ang bawat sandali ay pagkakat...
09/07/2026

Sa ADM, ang tahanan ay nagiging munting classroom kung saan ang magulang ang unang g**o at ang bawat sandali ay pagkakataon para matuto.

Hindi kailangang maging perpekto ang pagtuturo ang mahalaga ay ang oras, pasensya, pagmamahal, at suporta na ibinibigay natin sa mga bata.

Salamat po sa mga magulang na patuloy na gumagabay at nakikiisa sa pagkatuto ng kanilang mga anak. Kayo ang tunay na katuwang sa tagumpay ng bawat bata.

“Gabayan, Huwag Gawin Para sa Kanila” Bilang g**o, hindi natin layunin na gawin ang lahat para sa mga bata. Ang tunay na...
08/07/2026

“Gabayan, Huwag Gawin Para sa Kanila”

Bilang g**o, hindi natin layunin na gawin ang lahat para sa mga bata. Ang tunay na pagtuturo ay ang pagbibigay sa kanila ng pagkakataong subukan, magkamali, matuto, at maging responsable sa kanilang sariling paraan.

Sa simpleng gawain tulad ng pag-aayos ng gamit, paglilinis ng sariling kalat, at pagsubok ng bago, unti-unti nilang nabubuo ang tiwala sa sarili at kakayahang maging independent.

Hindi man mabilis ang kanilang pag-unlad, bawat maliit na hakbang ay isang malaking tagumpay.
Ang papel ni Teacher Joyce ay hindi palitan ang kanilang kakayahan, kundi samahan sila habang natututo.




💛

Keep safe po everyone 🫰
07/07/2026

Keep safe po everyone 🫰

“Munting Oras, Malaking Epekto sa Puso ng Bata."Sa kabila ng ating mga abalang schedule huwag nating kalimutan mag laan ...
05/07/2026

“Munting Oras, Malaking Epekto sa Puso ng Bata."

Sa kabila ng ating mga abalang schedule huwag nating kalimutan mag laan ng oras sa ating mga anak.

Ang simpleng pagtingin sa kanilang mga sulat at guhit ay hindi maliit na bagay, ito ay paalala sa kanila na sila ay mahalaga, nakikita, at minamahal.

Hindi kailangang mahaba ang oras… basta’t may puso at presensya.
Munting oras, pero napakalaking epekto sa puso ng bata.




Ako ay may KikiKuwento ni : Glenda OrisGuhit ni : Beth ParrochaMahalagang maturuan ang mga bata na pahalagahan at ingata...
01/07/2026

Ako ay may Kiki
Kuwento ni : Glenda Oris
Guhit ni : Beth Parrocha

Mahalagang maturuan ang mga bata na pahalagahan at ingatan ang kanilang sariling katawan, kabilang ang mga pribadong bahagi nito.

Bilang magulang at g**o, tungkulin nating ipaalam sa kanila na:
1. Ang kanilang katawan ay mahalaga at dapat ingatan
2. May mga bahagi ng katawan na pribado at hindi basta-basta ipinapakita o hinahawakan ng ibang tao
3. Kapag may naramdamang hindi komportable o kakaiba, dapat agad magsabi sa mapagkakatiwalaang nakatatanda
4. Mahalaga ang malinis na pangangalaga sa sarili araw-araw
Sa tamang gabay, matututo ang mga bata ng respeto sa sarili, pagprotekta sa kanilang katawan, at pagiging alerto sa anumang hindi tama.

Proteksyon + Kaalaman = Ligtas na Bata

Ako ay may T**iKuwento ni : Genaro R. Gojo CruzGuhit ni : Beth Parrocha Sa pagpapalaki ng mga bata, mahalagang ituro ang...
30/06/2026

Ako ay may T**i
Kuwento ni : Genaro R. Gojo Cruz
Guhit ni : Beth Parrocha

Sa pagpapalaki ng mga bata, mahalagang ituro ang tamang kaalaman tungkol sa katawan, kasama na ang mga pribadong bahagi ng katawan gaya ng ari ng lalaki at babae.

Ang kuwento ito (kasama ang bahagi ng katawan ng lalaki) ay hindi dapat ikahiya, bagkus ay isang mahalagang bahagi ng child protection at body awareness education.

Bakit mahalagang ituro ito?
✔ Para matutunan ng bata ang tamang tawag sa kanyang katawan
✔ Para maunawaan niya ang konsepto ng “private parts”
✔ Para malaman niya kung alin ang “safe touch” at “unsafe touch”
✔ Para maiwasan ang pang-aabuso o hindi tamang paghawak ng ibang tao
✔ Para mas lumakas ang kanyang kakayahang magsabi ng “HINDI” at magsumbong.

Ang paggamit ng tamang termino ay hindi kabastusan. Ito ay bahagi ng responsableng pagtuturo at proteksyon sa bata.

Ang katawang ipinanganak sa atin ay dapat kilalanin, igalang, at pangalagaan hindi ikinakahiya.

Here are 5 activities to develop gross motor skills:1️⃣ Jumping with both feetHelps develop balance, leg strength, and b...
19/06/2026

Here are 5 activities to develop gross motor skills:
1️⃣ Jumping with both feet
Helps develop balance, leg strength, and body coordination.
2️⃣ Walking on a line
Improves body control, stability, and concentration.
3️⃣ Crawling or going through tunnels
Strengthens arms, legs, and coordination, while stimulating full-body movement.
4️⃣ Throwing and catching balls
Develops hand-eye coordination, attention, and movement accuracy.
5️⃣ Dancing and following movements
A fun way to work on rhythm, coordination, balance, and body expression.
💡 Gross motor skills help strengthen balance, coordination, and body control.
Save this to practice at home or in the classroom with your little ones.


Address

Malabon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Teacher Joyce posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category