04/08/2020
Para sa Free data, ito po ang content ng nauna konh pinost na picture. LIKE ULIT BILANH TANDA NA NABASA βΊ
BASAHIN AT IPAMALITA SA MGA MAG-AARAL AT MAGULANG NG POTRERO NATIONAL HIGH SCHOOL π
MODULAR DISTANCE LEARNING -ang learning modality n gagamitin ng paaralan mamimigay ng printed learning materials o MODULES sa bawat estudyante.
Ang mga MODULE ay maaring makuha ng mga MAGULANG sa mga barangay na sakop ng inyong lugar. Dadalhin ng barangay opisyal sa mga bahay bahay tulad ng sistemang ayuda o kunin sa itinalagang drop point (TELE TINDAHAN)
1. Barangay Potrero (para sa mga taga potrero lamang )
2. mga barangay sa Caloocan (73,74,75,76,77,78, 79,80)
3. para sa mga naninirahan sa labas ng potrero at Caloocan ( magtanong sa adviser)
MADALI LANG MAKITA ANG MODULE NG INYONG ANAK....
nkalagay ito sa container bin bawat estudyante ay may sariling plastic envelope n may pangalan,section, tirahan,pangalan at telepono ng adviser at class schedule.
HUWAG PONG KALIMUTANG PUMIRMA SA CHECKLIST bilang patunay na natanggap ang module ng anak.
HINTAYIN ANG ANUNSYO NG ADVISER SA GROUP CHAT O FB MESSENGER .
SABADO AT LINGGO ang araw ng pagbabalik o pagkuha ng module.
ISANG PAALALA..
1.kontakin ang g**o(huwag mahihiyang magtanong)
2. maaring maglakip ng sulat sa loob ng plastic envelope ng anak
3. makibalita sa kapitbahay na kaklase ng inyong anak .
4. Magulang lang ang maaring lumabas ng bahay .
5 . KEEP SAFE ,MAGSUOT NG MASK.