28/08/2025
Sa ilalim ng temang āPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa,ā masigla at makulay na ipinagdiwang ng Mababang Paaralan ng Libang ang Buwan ng Wika, sa pangunguna ng Ulong G**o na si Gng. Edgelyn A. Macabalan at ng Pampaaralang Tagapag-ugnay sa Filipino na si Gng. Irene T. Taladro.
Puno ng sigla ang buong selebrasyon,tampok ang makukulay na pagtatanghal at ang pagsuot ng mga mag-aaral, g**o, at mga magulang ng ibaāt ibang katutubong kasuotan na tunay na sumasalamin sa yaman at ganda ng ating kultura. Dagdag pa rito, naging bahagi rin ng programa ang makabuluhang panunumpa sa tungkulin ng mga opisyal ng Silid-Aralan sa bawat baitang, na pinangunahan ni Kgg. Maria Victoria N. Tagala at ng bagong halal na Pangulo ng GPTA na si Gng. Mariz S. Postorioso.
Isang matagumpay, makabuluhan, at puno ng kasiyahang pagdiriwang.Tunay na itinaas ng buong pamayanan ng Mababang Paaralan ng Libang ang bandila ng wikang Filipino at kulturang Pilipino!